Abala ngayon sina Nayeon na naglilinis sakanilang bagong tirahan, ilang araw na silang lumipat dito kasama parin sina Chaeyoung,Dahyun at Sana. Habang inaayos nila ang mga kagamitn nila biglang may tumawag kay Nayeon
"Okay sige salamat" sabi ni Nayeon sa kausap niya sa phone call
"Syempre naman makakaasa ka na darating kami" tuwang sabi pa ni Nayeon
Maya maya pa ibinaba na niya ang phonecall at tumingin ang tatlo sakanya
"Sino yun Unnie?" tanong ni Chaeyoung
"Iniimbita tayo ni Ms. Suzy sakanyang birthday party sa friday" sagot ni Nayeon
"Talaga? wow! makikita ulit natin siya" tuwang sabi ni Dahyun
"Excited na ako" tuwang sabi ni Sana
"Kaya magready kayo ah?" sabi ni Nayeon
Makalipas ang ilang oras na paglilinis at pag aayos pumunta si Chaeyoung sa may balcony ng kanilang bahay, doon nagpahinga habang umiinom ng wine
"Hey Chaeyoung-ah? are you okay?" tanong ni Dahyun tsak siya tinabihan
"Oo naman bakit?" sabi ni Chaeyoung
"Lumipat na tayo ng bahay hindi kaba masaya?" tanong pa ni Dahyun
"Syempre masaya ako pero andami rin natin memories don eh" malungkot na sagot ni Chaeyoung
"Like what?" nagtatakang tanong ni Dahyun
"Anong like what?! alam mo naman kung ano yun" pagsungit ni Chaeyoung
Uminom narin ng wine si Dahyun habang nagpapahinga sila ni Chaeyoung.
"Kamusta kayo ni Momo?" biglang tanong pa ni Dahyun
"We're friends" sagot ni Chaeyoung
"Talaga ba?" asar na tanong pa ni Dahyun
"Kayo ba ni Sana? kamusta na?" tanong ni Chaeyoung sakanya
"We're friends" biglang sulpot ni Sana tsaka niya tinabihan ang dalawa
"Kayo kayo lang umiinom?! bakit hindi niyo kami niyaya" dagdag pa ni Sana
Nag enjoy ang tatlo sakanilang inuman hanggang sa nalasing na sila at doon na natulog.
Samantalang si Mina ay hindi makaalis sakanilang bahay dahil marami siyang guard na nakabantay. Lalong naging mahigpit sakanya ang Ama niya simula nung bumalik siya, wala nalang nagawa si Mina kundi sundin ang kanyang Ama.
Habang lumilipas pa ang panahon hindi parin mawala si Chaeyoung sa isipan niya, nagmamakaawa na ito sakanyang kapatid ngunit hindi rin niya ito matulungan hanggang sa isang araw tumakas si Mina sakanilang bahay at pumunta sa bahay nila Chaeyoung
"Chaeng! ako to si Mina!" sigaw nito sa harapan ng bahay nila Chaeyoung
"Mag usap tayo please! Chaeyoung-ah!" sigaw pa nito pero walang sumasagot sakanya
"Chaeng! ako to si Sharon ang kababata mo!" sigaw pa nito
Ilang minuto lang ang lumipas napagod na siya kakasigaw at kumatok nalang siya ng kumatok sa gate. Nagdoorbell narin siya ng nagdoorbell pero wala parin nagbubukas sa gate
"Hey! sino ka?! anong ginagawa mo?" tanong nung babae na napalingon si Mina
"Mina?! a-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Rose sakanya
"Rose tulungan mokong makausap si Chaeng please" makaawa ni Mina sakanya
"Ano?! pero bakit ako?" nagtatakang tanong pa nito
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...