Chapter 8

262 10 0
                                        

Dahyun's Pov

Ten pm na ng gabi at nag aayos nakami sa bar dahil magsasara nakami. Pinagmamasdan ko si Sana na abalang abalang naglilinis ng mga lamesa, samantalang sina Chaeng at Mina nililinis ang mga basong pinag gamitan sa pag inom

"Guys? labas naman tayo mamaya" ngiting pag aya ko sakanila na napatingin silang lahat sa akin

"Sa disoras na ng gabi?" tanong ni Chaeng

"Oo nga Dahyun gabing gabi na, bukas nalang ng umaga" dagdag pa ni Sana

"Hays, libri ko ano g?" tanong ko pa sakanila na nagtinginan silang tatlo

"Sige ba, pero saan naman niyan tayo pupunta?" tanong ni Chaeng

"Basta may alam akong lugar" tuwang sagot ko na kumindat pa sakanya

Ilang oras na paglilinis sa bar ay natapos na kami, kaya bumalik kami sa bahay para maligo at magpalit ng damit. After naming mag ayos sabay sabay nakaming sumakay ng kotse at ako ang nagdrive, pumunta kami sa isang restuarant kung saan paboritong puntahan

"Here we go" ngiting sabi ko na isa isa nakaming bumaba sa kotse

"Hmm, hindi familiar sakin ang restuarant na to ah" sabi ni Chaeng habang pinagmamasdan ito

"Ano pang hinihintay natin tara na!" tuwang sabi ni Sana na parang batang excited

Pagpasok namin pumunta kami sa may second floor na kung saan tahimik at nakakafresh ang simoy ng hangin

"Wow! ang ganda namn dito" tuwang sabi ni Mina

"Oh order na" ngiting sabi ko tsaka na sila tumingin ng kakainin namin

Sinulyapan ko si Sana dahil ang tagal na mula nung umalis kaming ganito, dito ko nararamdaman na nakakalimutan niya ang ex niya.

"So guys? nakapili na ba kayo?" tanong ko tsaka nila sinabi ang kanilang order sa waiter

Maya maya pa dumating na ang order namin at kami ay kumain na ng masasaya at puno ng kwentuhan

"So Mina and Chaeng kamusta na status niyo?" tanong ni Sana sakanila 

"Well magkaibigan parin" ngiting sagot ni Chaeng

"How about you and .....Dahyun?" pabirong tanong ni Chaeng kay Sana na tinignan ko siyang masama

"Bestfriend" sagot ni Sana

Ngumiti nalang ako ng pilit kahit deep inside sobrang sakit nung marinig ko ang sagot niya

"How about you Mina? magkwento ka naman about sa life mo" sabi pa ni Sana na tumingin kami sakanya

"A-ahm, may pamilya ako ..alam niyo rin naman na lumayas ako samin diba? kasi lagi akong sinasaktan ng Papa ko" paliwanag niyo

Hindi ko alam pero ang weird niya mula nung nakilala ko siya, hindi ko nalang ito pinapahalata. Nagtataka rin ako kung bakit siya sinasaktan ng Papa niya kaya napapaisip ako minsan na gusto ko siyang kilalanin kahit papano

"After nito san niyan tayo?" tuwang tanong ni Chaeng

"Tara sa Arcade" ngiting sagot ko na napatingin sakin si Sana

"Oh bakit anong problema?" tanong ko sakanya

"Ayoko don" seryosong sagot niya tsaka ako nagsenyas kay Chaeng na iba nalang ang puntahan namin mamaya

*ring ...ring ... ring

Kinuha ko ang phone ko para tignan kung sino ang tumatawag pero hindi sakin nang galing ang tunog

"Excuse lang sasagutin ko lang ito" biglang sabi ni Sana na agad tumayo at lumayo samin

"Hey bro? ano na ba talaga ang meron kayo ni Sana?" tanong ni Chaeng

"Wala, friends ...i mean bestfriend" ngiting pilit na sagot ko tsaka lang siyang tumango

Maya maya pa bumalik na si Sana na para bang takot na takot kaya hinawakan ko bigla ang kanan kamay niya

"Are you okay?" alalang tanong ko

"Yup kain na tayo" sabi niya tsaka siya bumatiw sakin

After ng ilang natapos nakaming kumain at magpahinga kaya lumabas nakami sa restuarant pero bago yun nagcr muna si Chaeng at hinintay namin siya sa labas ng restaurant

"Anong oras na?" tanong ko kay Sana

"11:34" sagot nito

Ilang minuto palang bumalik na si Chaeng at naglakad nakami papunta sa may parking lot pero bago pa kami makarating doon meron isang motor na huminto sa harapan namin na may dalang baril agad kong hinawakan si Sana at nakita ko na ganun rin ang ginawa ni Chaeng

Narinig nalang namin ang tunog ng baril at pag andar ng motor, pagdilat ng mga mata ko, kaming apat nakahandusay na sa sahig na yakap yakap ko si Sana

"Chaeng?! Chaeng?!!" sigaw ni Mina tsaka ako tumingin sakanila

Tatayo na sana ako ng bigla akong matumba at hinawakan ang tiyan ko

"Dahyun?!" sigaw ni Sana na napatingin ako sakanya

"Dahyun? nabaril ka!" alalang sabi nito tsaka ko tinignan kung saan ako nabaril

"Dahyun-ah! okay ka lang? naririnig mo ba ako?" pag iyak na tanong ni Sana tsaka ulit ako humandusay sa sahig

"O-okay lang a-ako" paghabol hiningang sagot ko

"Bro! okay ka lang?" tanong ni Chaeng na lumapit sila sakin ni Mina

"Ikaw okay ka lang?" tanong ko

"Natamaan ako sa braso pero okay lang ako" sagot niya

"Mina! tumawag kana ng ambulance" sabi ni Chaeng

Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa tama ng baril ko sa tiyan, hawak hawak ako ngayon ni Sana na nakahiga ako sa dibdib niya

"Dahyun-ah papunta na ang ambulance ah? kumapit ka lang" sabi pa nito

"Ang dami ng dugong lumalabas sakanya" sabi ni Chaeng

"Dahyun please ...please ...please lang kumapit ka" paghagulgol na sabi ni Sana

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya

"Shhh tahan na o-okay lang ako hmm?" ngiting pilit na sabi ko

"Hindi, hindi ka okay may tama ka ng baril sa tiyan tapos ...tapos andami ng dugong lumalabas"  pag iyak na sabi pa nito

"Tahan na magiging o-okay ako" sabi ko pa

Maya maya pa lumalabo na ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga kaibigan at sila ay umiiyak

"Dahyun-ah! gumising ka!" alam kong kay Sana ang boses na yun

"Dahyun! wag mo kaming iwan please!"

"Dahyun! please kumapit ka!" mga sigaw na naririnig ko pa hanggang sa tuluyan kunang hindi narinig ang mga boses nila

Sorry kung hindi ako lumaban, sorry kung hindi ako kumapit, sorry kung duwag ako ....sorry talaga

LOOK AT MY EYESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon