Chaeyoung's Pov
Nagising ako sa sinag ng araw, pagtingin ko sa cellphone ko 9:34 na ng umaga kaya bumangon na ako. Pagkatapos ko mag ayos lumabas na ako ng kwarto, pababa ko napansin ko na sobrang tahimik ng paligid
"Nayeon Unnie?" sigaw ko
"Dahyun Unnie? Sana Unnie?" sigaw ko pa habang hinahanap sila
"Mina?? nasan kayo guys?" tanong ko pa tinignan narin sakanilang mga kwarto
Huli kong pinuntahan ang kwarto ni Nayeon pagbukas ko nakita ko na ang dami niyang paper works sa lamesa na sobrang gulo, kaya inayos ko ito. Habang nag aayos ako meron akong nakitang files na may litrato
ni Mina
Pagkakuha ko, laking gulat ko sa nalaman at nakita ko sa files nung binuksan ko ito.
"M-Myoui Mina?? D-daddy niya si M-Myoui Jinyoung??" laking gulat na tanong ko sa sarili ko
Habang inaayos pa ang ibang papers meron ulit akong nakita, ang pangalan ng Mama ko, nakalagay kung sino ang pumatay sakanya
"Si .... M-Myoui Jinyoung?! p-pero pano?" tanong ko sa sarili ko na sobrang gulat at nagugulahan
"Chaeyoung-ah!" sigaw nung babae na gulat na gulat at napalingon ako sakanya
"Anong ibig sabihin nito?" pagluhang tanong ko sakanya habang hawak hawak ang mga files
"Chaeng ...." tanging sabi niya na nag aalala sakin
Ilang segundo ng katahimikan bigla nalang siyang umiyak sa harapan ko
"T-totoo ang lahat ng nandyan" biglang sabi niya na napaupo ako sa kama
"Unnie bakit? ....papano nangyare yun?!" gulong gulong tanong ko
"Chaeng ...ang Daddy ni Mina ang pumatay sa Mama mo, siya ang nagutos na patayin siya dahil nalaman ng Mama mo na isang drug dealer ang si Mr. Myoui" paliwanag ni Nayeon sakin
"Bakit hindi mo sinabi sakin na alam muna?" painahon na tanong ko
"Ayokong pati ikaw madamay sa sitwasyon na to" sagot niya
"Matagal nakong nadadamay sa sitwasyon nato Unnie! ilan taon! ....ilan taon hinintay ko para lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mama ko" galit na sabi ko
"Alam ko naman yun, ginagawa ko rin ang lahat para makamit mo yun eh!" pag iyak na sabi niya
"Pero bakit kailangan mo pang itago sakin? bakit?!" tanong ko pa
"Tsaka asan si Mina? kung alam muna lahat sa umpisa palang bakit hindi mo pinaalis si Mina dito?" dagdag ko pa
"Dahil ....dahil gusto kong gumanti" sagot niya na yumuko ang ulo
"Pero walang kasalanan si Mina dito! ang Ama niya ang pumatay sa Mama ko" sabi ko
"Chaeng! hindi ako bulag! alam kong kayo na ni Mina ginawa ko yun para maramdaman niya kung anong sakit ang naramdaman natin noon" pagluhang sabi nito
"Nasan ngayon si Mina? nasan siya?!" sigaw ko
"Wag muna siyang hanapin ...umalis na siya kagabi pa, bumalik na siya sa bahay nila" sagot nito na lalo kong ikinagalit
"Unnie naman! kung nasaktan mo siya mas nasaktan ako! hindi muba naisip yun?!" pag iyak na tanong ko sakanya
Wala kanang ibang maririnig sa kwarto kundi pag iyak at sigawan namin dalawa ni Nayeon
"Alam mo bang nagiging makasarili kana? simula nung nakilala mo siya nawalan kana ng interes na hanapin ang pumatay sa Mama mo!" galit na sabi niya
"Hindi yan totoo, dahil kahit kailan uunahin ko parin ang hustisya" sabi ko
"Ngayon pumili ka ....sya o ang Mama mo?" tanong niya na ikinagulat ko
Hindi ako nakapag salita dahil nablangko ang utak ko bigla, hinawakan ko ang ulo ko tsaka ako umiyak
"Please Chaeng ....kalimutan mo nalang siya, pagtulungan nalang natin na makamit ang hustisya" sabi niya na tinabihan ako at hinawakan ang braso ko
"Pero Unnie ...mahal kuna siya" pag iyak na sabi ko
"Alam ko at ramdam ko yun, ang mahalaga ngayon alam nanatin kung sino pumatay sa Mama natin" sabi pa niya
"Mama natin? ...totoo bang kapatid kita?" tanong ko na tumango siya
"Pagkapanganak ko nun idinala ako ni Mama sa isang malaking bahay, iniwan niya ako doon at ipinaampon" malungkot na sabi niya
"Ang nag ampon sakin nun ay mga magulang ni Tzuyu yung kasama ni Momo" dagdag pa niya
Alam ko na mas masakit at mahirap ang pinagdadaanan ni Nayeon ngayon, dahil lumaki siya na hindi man lang nakikila ang tunay niyang Ina
"Ikakasal narin si Mina" biglang sabi niya na nagulat ako at napatingin sakanya
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Matagal ng engaged si Mina kay Jackson" sagot niya
"Jackson Wang? yung sikat na singer?" tanong ko pa
"Oo Chaeng hindi pa nagpapalabas ang Myoui family dito dahil umalis nun si Mina ...ngayon bumalik na si Mina sigurado ako na ipapalabas na nila ito sa tv" paliwanag pa ni Nayeon
"Bakit hinayaan mong umalis si Mina kagabi?" maraming tanong ang gusto kong itanong ngayon kay Nayeon hindi ko alam kung saan ito sisimulan
"Dahil sasaktan ka ni Mr. Myoui kung hindi siya babalik sakanila" sagot ni Nayeon na ikinalungkot ko
"Chaeng ...hindi kayo para sa isa't isa ni Mina kalimutan mo nalang siya" dagdag pa niya na hinawakan ang kamay ko
"Hindi naman ganun kadali yun Unnie" pag iyak na sabi ko
"Alam ko yun kaya tutulungan kita, tutulungan ka namin" sabi niya
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon dahil nalaman kuna ang totoo. Iniwan ako ni Mina ng walang paalam .... galit,lungkot, konsensya .. sobrang gulo ng nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang lahat, ito na siguro ang panahon para magbago ako. Tatayo na ako sa sarili kong mga paa, aayusin kung ano ang nasimulan
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
Fiksi PenggemarMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...
