"Sana Unnie! gumising kana tanghali na" sigaw ni Chaeng habang tinatapik si Sana
"Ah! sakit ng ulo ko" sabi ni Sana na hawak hawak ang ulo niya
"Ayan alak pa more, bumangon kana diyan kumain kana doon para naman magkalaman na ang tiyan mo" sabi pa ni Chaeng sakanya
"Sandali!" biglang sigaw ni Sana na napahinto si Chaeng
"Bakit?" tanong ni Chaeng
"Sinong nagdala sakin dito?" tanong ni Sana
"Sino pa ba edi si Nayeon Unnie at Dahyun" sagot ni Chaeng tsaka na siya lumabas ng kwarto
Pilit inilala ang ginawa ni Sana kahapon at yun nga ay bigla nalang pumasok sa isipan niya si Tzuyu, na nakita niya ito kahapon at may kasama pang babae
Bigla nalang tumulo luha ni Sana nung maalala niya ulit ito dahil hanggang ngayon kasi mahal niya pa ang ex niya
"Sana Unnie! bumangon kana diyan kumain kana" pag sigaw ni Dahyun mula sa labas ng kwarto nito
Napahinto sa pag iyak ni Sana dahil naalala niya rin ang sinabi niya kay Dahyun, nakaramdam ito ng konsensya dahil hindi naman niya sinasadyang masabi yun
Pagbaba ni Sana nakita niya sina Chaeng at Mina na nanonood ng movie sa may sala kaya pumunta ito sa may kusina na doon hinihintay siya ni Dahyun
"Halika kumain kana pinagluto ka ni Mina para mawala agad ang hangover" sabi ni Dahyun
"Ahm ...Dahyun-ah sorry sa nasabi ko kahapon sayo" nahihiyang sabi ni Sana
"Okay lang alam ko naman na hindi mo sinasadya yun tsaka lasing ka nun" ngiting sabi ni Dahyun
-----------
"Mina? tara pasyal muna tayo" pagyaya ni Chaeng sakanya
"Saan?" tanong ni Mina
"Basta sumama ka nalang sakin" ngiting sabi nito tsaka niya hinila si Mina
"San kayo pupunta?" tanong ni Nayeon sakanila bago lumabas ng pinto
"Mamamasyal lang Unnie" ngiting sagot ni Chaeng
"Sige ingat kayo" sabi ni Nayeon
Umalis na ang dalawa at pumunta sa mall ng magkahawak ang kamay.
"Anong gagawin natin dito? baka may makakita sakin" tanong ni Mina habang tinatago ang mukha niya sa suot niyang kupya
"Nu kaba dika nila makikilala tsaka naka cap ka naman" sagot ni Chaeng
"Okay sige" sabi ni Mina
Pumunta ang dalawa sa bilihan ng damit at doon pareho silang pumili ng mga damit. Nag libot libot pa ang dalawa sa mall at kung ano ano pa ang mga ibinili nilang gamit. After nilang bumili inilagay na nila agad ang mga gamit sa kotse ni Chaeng.
"Mina? magccr lang ako wait mo ako dito no?" sabi ni Chaeng tsaka tumango si Mina
Pagpasok ni Chaeng sa cr meron itong nabanggang babae at nahulog ang phone ni Chaeng
"Sorry Miss" sabi nung babae
"Okay lang" sabi ni Chaeng tsaka niya ipinulot ang phone niya
"Miss Jeongyeon! how are you?" ngiting tanong nung lalaki sa babae
Nung narinig ni Chaeng ang pangalan niya bigla niyang naalala na Jeongyeon ang pangalan ng kapatid ni Mina
"I'm okay, pero hanggang ngayon kasi hinahanap ko parin ang kapatid ko" sagot ni Jeongyeon sa lalaki
"Don't worry mahahanap din natin siya" sabi nung lalaki tsaka na sila umalis
Pagkaalis nila patagong pinicturan ni Chaeng ang dalawa tsaka na siya bumalik sa kotse kung saan hinihintay siya ni Mina
"Ang tagal mo ata" sabi ni Mina habang naglalaro sa bago niyang phone
"Sorry marami kasing nag ccr" sagot ni Chaeng
Pinaandar na ni Chaeng ang kotse at doon naman ay lumabas narin sa mall si Jeongyeon at sumakay sakanyang kotse. Pakaandar rin sa kotse ni Jeongyeon sabay ang dalawa na umalis sakanilang parking, na kung saan sa left dumaan si Jeongyeon at sa right naman dumaan si Chaeng
Nakita ni Chaeng sa salamin ng kotse si Jeongyeon kaya binilisan niya ito para hindi sila magkita ni Mina
"Mina?" sabi ni Chaeng habang nakafocus siya sa pagdadrive
"Hmm?"
"Hindi mo ba namimiss kapatid mo?" biglang tanong ni Chaeng na napatigil sa paglalaro si Mina
"Alam mo kung nasa sitwasyon kita ganito rin ang gagawin mo, may kapatid nga ako pero never niya akong pinagtanggol sa Papa ko" malungkot na sagot ni Mina
"Ano? pero bakit?" tanong ulit nito
"Hindi ko alam, hinahayaan niya lang akong saktan ng Ama namin ...kaya hindi rin ako gaanong malapit sakanya" paliwanag pa ni Mina
"So wala kanang balak na bumalik pa sainyo?"
"Ewan ko ...hindi kupa alam ang gagawin sa buhay dahil wala naman magandang nangyayare" malungkot na sabi ni Mina tsaka ulit siya naglaro sa phone
Hindi na nasagot pa si Chaeng at hinayaan nalang ito. Pagkauwi ng dalawa hindi namalayan ni Chaeng na nakatulog si Mina sa biyahe nila kaya ibinuhat niya ito papasok sa bahay.
Pagdating sa kwarto dahan dahan niyang ibinaba si Mina para hindi magising, inayos niya ang kumot at unan ni Mina para maging komportable ang pagtulog niya
"Hindi ko alam kung ano kwento ng buhay mo pero meron parin liwanag na makikita sa dilim mong nakaraan ...kaya magpakatatag ka Mina andito ako sasamahan kita sa bawat laban na iyong kinakaharap" bulong na sabi ni Chaeng
Maya maya pa ay lumabas na ito sa kwarto ni Mina, ang hindi alam ni Chaeng narinig nito ang kanyang sinabi. Niyakap nalang mahigpit ni Mina ang unan tsaka na siya bumalik sa pagtulog
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...
