Dumating na ang araw na huhuliin na si Mr. Myoui ng hindi niya alam, marami ng nagsampa ng kaso sakanya dahil nakuhaan narin siya ng ebidensiya na nagbebenta siya ng droga at mga illegal na armas.
Sumalakay ang mga pulis sa isang abandunadong building na kung saan doon nagkakabentahan sina Mr. Myoui at mga foreigners niyang customer. Sumama rin sina Nayeon at Chaeyoung sa operasyon dahil isa rin silang secret agent na iilan lang ang nakakaalam
"So ready kana ba?" tanong ni Nayeon kay Chaeyoung
"Oo naman sabik na akong mahuli siya" seryosong sabi ni Chaeyoung
"Guys! mag ingat kayo okay?" sabi ni Jin sa dalawa
"Ikaw rin" sabi ni Nayeon
Maya maya pa pumasok na sila sa building, habang nakatago ang lahat at pinagmamasdan sina Mr. Myoui na nagbebenta ng drugs, napansin nila na sobrang dami niyang tauhan kaya tumawag pa si Jin ng iba pang pulis.
Ilang minuto pa ang lumipas isa sa tauhan ni Mr. Myoui ang napansin sa isang pulis kaya pinaputukan na niya ito, doon nag umpisa na ang barilan. Marami ng namatay sa mga tauhan ni Mr. Myoui na hindi alam nila Chaeyoung kung saan na siya nagtatago.
Naghanap ng naghanap si Chaeyoung habang nakikipagbaril parin sa mga tauhan ni Mr. Myoui mo hangga sa naubsan siya ng bala at nagtago ito.
"Chaeyoung-ah! okay ka lang ba!" alalang tanong ni Nayeon mula sa earphone na suot ni Chaeyoung
"Oo Unnie, basta mag focus ka lang dyan" sagot ni Chaeyoung
Nung marinig na ni Chaeyoung na wala ng bumabaril sakanya, nagpatuloy na ito sa paglalakad hangga sa nagulat siya na may nakatuktok ng baril sa harapan niya kaya itinutok rin niya ang baril sa taong nasa harapan niya na naka mask at cap.
Nagtaka si Chaeyoung,hangga sa nagkatitigan ang dalawa na hawak hawak parin ang baril na nakatutok sakanilang dalawa. Dahan dahan ng inalis ang cap nung tao sa harapan ni Chaeyoung .......
"M-Mina?!" gulat na sabi ni Chaeyoung
Hindi na nakapagsalita si Mina dahil biglang may dumating na tauhan ni Mr. Myoui at pinaputukan sila. Nagtago ang dalawa hangga sa mapatay ito ni Chaeyoung
"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong ni Chaeyoung
"Hindi ko alam na ganito ang Daddy ko" malungkot na sagot ni Mina
"Nung umalis siya ng bahay sinundan ko siya at nagtaka ako kung bakit dito siya pumunta ...pagpasok ko nagulat ako sa nalaman ko" dagdag pa ni Mina
"Anong nalaman mo?" tanong ni Chaeyoung
"Na isang drug dealer ang Daddy ko at ....at siya rin ang pumatay sa Mama mo" pagluhang sagot ni Chaeyoung na naluha rin ito
"Sorry Chaeng ....sorry" pagiyak na sabi pa ni Mina
Maya maya pa bigla nalang may pumutok na baril at natamaan si Chaeyoung kaya humandusay siya
"Chaeng!" sigaw ni Mina na pinaputukan niya ang bumaril kay Chaeyoung
"Chaeng? okay ka lang ba?" pag iyak na tanong ni Mina
"Okay lang, dito kalang wag kang aalis dito" sabi ni Chaeyoung tsaka siya tumayo
"Saan ka pupunta?" alalang tanong ni Mina sakanya
"Hahanapin ang pumatay sa Mama ko" seryosong sagot ni Chaeyoung tsaka siya umalis
Makalipas ang ilang oras sumuko narin si Mr. Myoui na agad siyang pinosas ng mga pulis. Dumating narin ang mga ambulance at iba pang pulis para imbestigahan ang nanguare
Nakaupo ngayon sa isang ambulance siya si Chaeyoung na ginagamot ang sugat niya sa tagiliran
"Kamusta ka?" tanong ni Nayeon sakanya
"Okay lang ako" sagot ni Chaeng
"Wow! kayo pala ang anak ni Ms. Son? akala ko patay nakayo?" ngiting sabi ni Mr. Myoui habang hawak hawak siya ng mga pulis
"Walang hiya ka talaga!" galit na sabi ni Chaeyoung tsaka niya ito sinakal
"Chaeyoung-ah! tigilan muna yan" pag awat ni Nayeon sakanya
"Gusto ko yan! matapang at may paninindigan" ngiting sabi ni Mr. Myoui
"Magkikita pa tayo SON CHAEYOUNG" dagdag pa nito
Ipinasok na si Mr. Myoui sa kotse tsaka na umalis, habang nakaupo sina Nayeon at Chaeyoung biglang may lumapit sakanila at lumuhod siya
"Sorry ...sorry sa mga nagawang kasalanan ng Daddy ko sainyo" pagiyak na sabi ni Mina
"Sana mapatawad niyo ako pati na siya" dagdag pa ni Mina
"Tumayo kana diyan wala ka naman kasalanan kaya wag kang humingi ng sorry" sabi ni Chaeyoung tsaka tumayo
"Sorry talaga Katarina ..." biglang sabi ni Mina na napahinto sa Chaeyoung sakanya
"Anong sabi mo?" tanong ni Chaeyoung
"A-ako to si Sharon" sagot ni Mina
*flashback
"Katarina! promise mo sakin na sabay tayong tatanda ah?" ngiting sabi ni Sharon
"Oo naman! hindi kita iiwan" sabi ni Katarina
"Salamat talaga palagi mo akong pinapadalhan ng strawberry" sabi pa ni Sharon
"Kasi favorite ko" sabi ni Katarina
Makalipas ang ilang araw nakita ni Sharon si Katarina na kasama ang kanyang Ina na inilalagay ang mga gamit nila sa kotse
"Hey! Katarina saan kayo pupunta?" tanong ni Sharon sakanya
"Sorry ...babalik nakami sa korea" malungkot na sabi ni Katarina
"Ano? pero sabi mo sabay tayong tatanda? nagpromise ka diba?" pagiyak na tanong ni Sharon
"Sorry ....pero pangako hihintayin kita sa korea" sabi ni Katarina tsaka niya hinalikan si Sharon sa noo
"Hali kana anak! malalate na tayo" sigaw nung Mama ni Katarina
"Babye~ see you soon" pagiyak na sabi ni Katarina tsaka siya kumaway
"Pangako! magkikita ulit tayo at hahanapin kita sa korea" sigaw ni Sharon habang umandar na ang kotse na sinasakyan nila Katarina
*end of flashback
"Sorry kung hindi kita hinanap nung bumalik ako dito sa korea" pagiyak na sabi ni Mina
"S-sorry kung umalis ako nun" sabi ni Chaeyoung
Hindi na nagsalita si Mina kundi niyakap niya nalang si Chaeyoung ng mahigpit habang umiiyak. Maya maya pa niyakap narin siya ni Chaeyoung ng mahigpit, ngumiti si Nayeon habang pinagmamasdan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...