Chapter 34

190 4 1
                                    

Nayeon's Pov

Nandito ako ngayon sa bar kasama si Jeongyeon na nagliligpit dahil nakasara nakami. Hindi ko alam pero sa tuwing tinitignan ko siya napapangiti nalang ako bigla, maya maya pa bigla nalang may pumasok na lalaki at may dalang bulalak at chocolate

"Sorry Sir sarado na po kami" sabi ni Jeongyeon

"Okay lang, yung may ari ang ipinunta ko dito" ngiting sabi nung lalaki

"Hi Nayeon~" ngiting bati niya sakin na napangiti rin ako

"Anong ginagawa mo dito Mingyu?" tanong ko sakanya na hinalikan ako sa pisngi at ibinigay ang bulaklak at chocolate

"Binibisita ang girlfriend ko" ngiting sagot nito

"Baliw! tumigil ka nga" sabi ko

Napansin ko si Jeongyeon na nawala siya sa mood at bigla nalang pumunta sa taas at pumasok sa office namin

"Sino yun?" tanong ni Mingyu

"Partner ko siya sa business" sagot ko

"Ohh~ kaya pala gumaganda na ang bar mo ah" sabi pa nito

"Anyway nagdinner kana ba?" tanong pa ni Mingyu

"Hindi pa" sagot ko

"Come on magdinner na muna tayo" pagaya niya sakin

Bago ako sumama kay Mingyu pumunta na muna ako sa office para magpaalam kay Jeongyeon pero nakita ko siya na sobrang busy at wala ka man makikitang expression sa mukha niya

"Jeongyeon? aalis na muna kami ni Mingyu ingat ka sa pag uwi mo ah?" sabi ko pero hindi niya ako pinansin

"Ya! Jeongyeon? narinig muba ako?" tanong ko pa tsaka niya binagsak ang hawak niyang folder

"Umalis kana sumama kana sakanya" sabi niya na kinuha ang gamit niya at lumabas ng office

"Hoy! anong problema mo?" paghabol ko sakanya

"Sabi ko sumama kana sakanya uuwi na ako" sagot niya tsaka siya ulit naglakad

Hanggang sa nakalabas nakami sa bar at nakita kami ni Mingyu, napahinto si Jeongyeon at tinignan ng masama si Mingyu

"Sandali! Jeongyeon! mag usap nga muna tayo" pagpigil ko sakanya habang papasok siya sa kotse

"Basta umuwi ka nalang ng ligtas" sabi niya tsaka na siya umalis

"Anong problema nun?" tanong ni Mingyu

"Hindi ko nga alam eh" sagot ko


Umalis narin kami ni Mingyu at pumunta sa favorite niyang restuarant na kung saan palagi kami doon kumakain kapag nagkikita kami. After ng dalawang oras na paguusap namin ni Mingyu hinatid na niya ako samin

Pagpasok ko sa bahay nakita ko sina Chaeyoung,Dahyun at Jeongyeon?!!! na umiinom at parang lasing na sila. Dali dali kong tinawag si Mina para pumunta sa bahay at sunduin si Jeongyeon

"Oh~ my Bunny Nayeon" lasing na sabi ni Jeongyeon na ikinamula ng mukha ko

"Anong sinasabi mo?!" inis na tanong ko sakanya

"Akala ko ba umuwi kana? bakit ka andito?! tas uminom pa kayo?! tapos sinama mo pa kapatid ko?! hindi pa magaling yan eh!" inis na sabi ko pa

"Chill ka lang Unnie okay pa naman ako di ako lasing" sabi ni Chaeyoung na kita ko nga sakanya na hindi pa siya lasing

"Bakit siya andito?" tanong ko kay Chaeng

"Sabi niya gusto niya daw uminom so yun sinamahan namin siya ni Dahyun" sagot nito at tinuro si Dahyun

Nakita ko si Dahyun na napahiga na sa sofa dahil sa sobrang kalasingan, samantalang si Jeongyeon patuloy parin siya sa pag inom

"Tulungan moko Chaeng iligpit yan" sabi ko pero bigla akong pinigilan ni Jeongyeon

"Tss! g-gusto k-ko pang u-uminom" lasing na sabi niya

"Tama na nakakarami kana" sabi ko

Maya maya pa bigla akong nagulat sa ibinulong niya sakin na napahinto ako sa  pagliligpit

"I love you" bulong na sabi niya na napatingin ako sakanya


"U-unnie?! anong nangyare?" biglang tanong ni Mina na kadarating lang

"A-ahm, kaya mo bang iuwi kapatid mo? lasing na lasing eh" sagot ko

"Hay ...pweding dito na muna kami?" biglang tanong ni Mina

"Huh?! ba-bakit naman??" gulat na tanong ko

"Nayeon Unnie? malakas ang ulan oh" sabi ni Chaeng na tumingin ako sa bintana

Oo nga no, hay bakit hindi ko napansin [busy ka kasi kay Jeongyeon hehe] pagtingin ko ulit kanila Jeongyeon ganun parin siya

"Okay sigesige doon kayo sa kwarto ni Chaeyoung kasama si Jeongyeon, tapos si Chaeng naman matutulog sa kwarto ko" paliwanag ko sakanila na nagtinginan sila

"Oh bakit?!" tanong ko pa

"P-pweding magkasama kami sa kwarto?" tanong ni Mina na tinuro si Chaeng

"What?! eh sinong kasama ni Jeongyeon?!" gulat na tanong ko

"Ikaw!" sagot ng dalawa


Gosh! ano bang pumasok sa utak ng dalawa bakit nila ginagawa to! Hay. Nadala nanamin si Dahyun sa kwarto at nagtext naman sakin si Sana na kanila Tzuyu na muna daw siya matutulog, so bakante yung isang kwarto? ito na yun doon ko nalang ilalagay si Jeongyeon

Inakbayan ko si Jeongyeon papunta sa kwarto ni Sana ng biglang

"Ouch!" sabi ko na hawak hawal ang ulo ko

"Ya! Jeongyeon-ah! masakit yun!" sigaw ko sakanya tsaka ako nilapitan ng MiChaeng

"Anong nangyare?" alalang tanong ni Chaeng

"Tulungan mo nga ako dadalhin natin siya sa kwarto ni Sana" sabi ko na tinulungan naman ako

Pagdating namin sa kwarto ni Sana ibinagsak namin si Jeongyeon sa kama na sobrang lasing parin.

Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw bumaba na agad ako para magluto ng almusal namin ng bigla kong maalala na nandito pala sina Mina at Jeongyeon sa bahay kaya dinamihan kuna ang pagkain. Nagluto narin ako ng soup para kay Dahyun at Jeongyeon

Nakita ko na isa isa na silang bumangon at hawak hawak ni Dahyun ang ulo niya na ganun rin kay Jeongyeon. Pag upo ng apat ibinagsak ko ang hawak kong kutsara sa pinggan ko at napatingin sila sakin

"U-unnie? okay ka lang?" takot na tanong ni Chaeng

"Oo naman" ngiting sagot ko

"Ga-galit kaba Unnie?" tanong ni Dahyun

"Hindi! bakit naman ako magagalit?!" ngiting pilit na sabi ko na napalunok si Dahyun

"K-kain na tayo?" tanong ni Jeongyeon

"Okay" sabi ko tsaka nakami kumain

After namin kumain pinaghugas ko ng pinggan sina Dahyun at Jeongyeon. Pumunta ulit ako sa kusina para kumuha ng juice sa ref narinig ko sila na nagbubulungan kaya tinignan ko sila ng masama

"Anong pinag uusapan niyo?" pagsungit na tanong ko

"Ahm, wala naman Unnie" sagot ni Dahyun

Paalis na ako ng bigla akong tawagin ni Jeongyeon at napalingon ulit ako

"Nayeon?!" sabi niya

"Ano yun?" tanong ko

"P-pwedi ba tayong mag usap mamaya?" nahihiyang tanong niya

"Okay sige" sagot ko

LOOK AT MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon