Chapter 33

201 8 1
                                        

Chaeyoung's Pov

"Hey Chaeyoung-ah kayo naba talaga ulit?" tanong ni Dahyun sakin

Kaming dalawa lang ngayon sa hospital dahil kailangan munang bumalik ng trabaho ang mga kasama namin. Nagpasya si Dahyun na sya muna ang magbabantay sakin

"Yes" sagot ko

"Nga pala anong meron sainyo ni Momo?" tanong ko sakanya ng maalala ko yung tinginan nilang dalawa

"Huh? k-kami ni Momo? w-wala" nauutal na sabi niya na tumawa ako

"Bakit ka tumatawa?!" inis na tanong niya

"Kita sa mukha na may something sainyong dalawa" sagot ko

"Something?? like what?" sabi niya

"Well ...may girlfriend na ako Dahyun-ah at si Mina yun, magkaibigan nalang kami ni Momo ngayon so walang problema sakin kung magkagusto ka sakanya" ngiting sabi ko

"Ya! anong sinasabi mo!" paghagis niya sakin ng unan

"Just saying lang naman! magkaibigan tayo at nafefeel ko na may something talaga sainyong dalawa" ngiting sabi ko na bigla nalang siya tumahimik

"Oh anong problema?" pagtakang tanong ko

"Sure kaba dyan? hindi muna ba talaga mahal si Momo?" alalang tanong niya

"Hindi na nga~  si Mina na ang mahal ko" ngiting sagot ko

"Kung ganun ....sakin na si Momo ah?" ngiting sabi niya na niyakap ako

"Sayong sayo na siya ...masaya rin ako na ikaw ang makakatuluyan niya" ngiting sabi ko

Pumatak na ang gabi at ako nalang mag isa dito sa kwarto ko na kung saan naglalaro lang ako sa phone. Maya maya pa sinubukan kong tumayo kahit hindi pa kaya ng katawan ko, lumabas ako ng kwarto at pumunta ako sa rooftop na kung saan makikita mo ang ganda ng buwan at ang ningning ng mga bituin.

Halos 20 mins na akong nandito sa rooftop na inaamoy ang ihip ng hangin. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang buwan

"Hey! anong ginagawa mo dito?!" napalingon agad ako nung narinig ko boses niya

"Nagpapahangin lang" ngiting sagot ko

"Buti nakayanan mong pumunta dito? eh hindi pa kaya ng katawan mo" sabi niya

"Okay na ako no, tignan mo ang lakas lakas kuna" pagyabang ko sakanya

"Wow ah! okay tara na magdinner na tayo" sabi niya tsaka niya ako inalayan

"Mina ...pwedi bang magstay na muna tayo dito?" seryosong tanong ko sakanya

"Bakit naman?" tanong niya

Bigla ko nalang siya niyakap ng mahigpit at ipinikit ang mga mata ko,ilang segundo pa ganun rin ang ginawa ni Mina sakin na niyakap niya ako ng mahigpit

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa gitna ng pagyayakapan namin

"Oo naman dahil nandito ka" sagot ko sakanya

Pagkaalis ng yakap tinitigan ko siya at hinawakan ang mukha niya. Hinahaplos ko ang mukha niy hangga sa hinalikan ko ito, napangiti siya at namula ang mukha

"Bakit ba ganyan ka? anong meron sayo ngayon?" pagtakang tanong niya

"Wala naman, gusto ko lang gawin to" ngiting sagot ko

"I love you" dagdag ko pa

"I love you too" sabi niya na hinalikan ako


Pagbalik namin sa kwarto ko nakita namin ang mga kaibigan namin na sobrang ingay at nag aaway ang SaMo sa pagkain

"Oh! san kayo galing?" tanong ni Jeongyeon

"Sa rooftop" sagot ko

"Ya! Momo-chan! akin yan!" sigaw ni Sana na inagaw ang pagkain kay Momo

"Ya! akin yan eh!" sabi naman ni Momo na kinuha niya ulit ang pagkain kay Sana

"Ano nanaman ba pinag aagawan ng dalawa?" tanong ko kay Mina

"Jokbal" sagot nito na tumawa ako

"Hoy! kayong dalawa! pwedi naman kayo maghati eh" sigaw ko sakanila

"Hati?! ayokong may kahati" sabi ni Momo

"Oh talaga ba? eh pano kung bibili kita ng Barbie?" ngiting tanong ko kay Momo

"Barbie?! talaga?! Yehey!" parang bata si Momo nung narinig niya yun

Lumapit siya saakin at niyakap akong mahigpit at hinalikan pa sa pisngi

"Alam mo talaga kung ano ang gusto ko" ngiting sabi niya

Bigla kong narealize na katabi ko pala si Mina at kasama ko ang mga kaibigan ko, nakita ko si Dahyun ang lungkot sa mukha niya

"A-ahm, Momo okay na?" tanong ko kay Momo na inalis ang pagkakayakap sakanya

"S-sorry Chaeng naexcite lang ako" sabi ni Momo tsaka siya tumingin kay Mina

"Pasensya na Mina sana maintindihan mo na magkaibigan parin kami ni Chaeng" sabi niyo

"No problem, pero hayaan niyo muna akong mag adjust" ngiting sabi ni Mina na hinawakan ko ang kamay niya

"Are you okay Dahyun-ah?" tanong ni Nayeon sakanya na napatingin kami

"O-oo naman" nauutal na sagot ni Dahyun

"Bro?? sorry" sabi ko sakanya

"Sorry saan?" ngiting pilit na tanong ni Dahyun

"Dahyun-ah? don't worry wala na akong feelings kay Chaeng dahil may iba kasi akong mahal" ngiting sabi ni Momo

"Sino?" tanong nila Na,Jeong,Sa,Ji at Tzu

Biglang lumipat si Momo kay Dahyun at hinalikan ito na ikinagulat namin lahat. Nagkatinginan kami ni Mina at ngumit ako sakanya

"So nagseselos ka parin niyan?" pabulong na tanong ko

"Syempre niyayakap ka niya eh" pagsungit ni Mina

Hinalikan ko siya sa labi at ngumiti ito

"Ano? selos ka parin?" asar na tanong ko

"Tumigil kana nga" sabi niya tsaka niya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko


Ilang araw na ang lumipas at sa wakas nakauwi na ako galing sa matagal na pagkakahospital. Pagkauwi agad ako pumunta sa sala at nanonood ng netflix na sinamahan ako ni Sana

"So Chaeyoung kailan ang kasal?" pabirong tanong ni Sana sakin

"Ano? ikaw ba kamusta kayo ni Tzuyu?" tanong ko sakanya na tumahimik siya

"Ewan ko eh, walang kami pero palagi kaming lumalabas" malungkot na sagot ni Sana

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pa

"Inshort wala kaming label" sagot nito

"Bakit hindi mo siya tanungin? malay mo diba bumalik yung nararamdaman niya sayo" sabi ko

"Ewan ko lang feeling ko kasi napipilitan nalang siya eh" sabi ni Sana

"Kung hindi mo siya tatanungin hindi mo malalaman ...pero kita ko ang selos sa mukha ni Tzuyu nung niyakap mo si Dahyun" seryosong sabi ko na napatingin sakin si Sana

"Seryoso ka?" tanong ni Sana

"Yup, kaya puntahan muna sya tanungin muna" sabi ko pa na pumunta ako sa kusina

Maya maya pa nakita ko si Sana na nagmamadali at lumabas ng bahay, napangiti ako dahil gusto ko rin na maging masaya ang mga kaibigan ko.

LOOK AT MY EYESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon