Chaeyoung's Pov
"Chaeng! sandali lang!" paghabol sakin ni Mina
"Chaeng mag usap na muna tayo" sabi pa niya na patuloy parin ako sinusundan
Huminto ako bigla dahil alam ko napapagod na siya kakasunod sakin kaya naman humarap na ako sakanya
"Chaeng ...alam ko galit ka ....pero sana hindi masira ang relasyon natin dahil sa nangyayare" alalang sabi niya
Galit na galit ako sa Papa niya hindi ko alam pero sa dinami rami bakit si Mina pa naging anak niya?! anak niya ang taong mahal na mahal ko
"Pero Ama mo parin siya" mainahon na sabi ko
"Alam ko at nagkamali siya na kailangan niyang pagbayarin" sabi niya na dahan dahan lumapit sakin
"Susuportahan kita na ipakulong ang Dad ko, andito lang ako Chaeng hindi kita iiwan" dagdag pa niya na nakaramdam ako ng saya
Ngumiti ako at nung nakita niya yun ngumiti rin siya tsaka niya ako niyakap ng mahigpit. Bumalik ulit kami sa loob ng bahay at nakita namin sina Nayeon na nakaupo sa sala ng tahimik
"Okay na kayo?" tanong ni Nayeon sakin
"Oo nag usap nakami" sagot ko kita ko kay Jeongyeon na parang natatakot at nagaalala siya
"Ikaw? okay ka lang ba?" tanong ko sakanya na napatingin siya sakin
"O-oo o-kay lang ako" nauutal na sagot niya
Ilang segundong katahimikan biglang tumayo si Jeongyeon at tinignan ako ng diretso
"A-anong balak mo ngayon?" takot na tanong niya
Tinignan ko siya mata para alamin kung ano ang iniisip niya o binabalik niya
"Ikaw ba? anong balak mo? natatakot ka ba na ....na baka saktan ko ang Dad mo?" tanong ko sakanya
"Chaeng .." sabi ni Nayeon na napatayo siya
"Hindi ako natatakot na saktan mo siya ...takot ako na baka saktan niya kayo" sabi niya
"Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin so please mag ingat kayo" alalang sabi pa nito
"Jeongyeon! ....dumito kana rin, mag sama sama tayong lahat pati na sina Momo at Dahyun, ikaw rin Sana isama mo si Tzuyu dito" sabi ni Nayeon na nagulat si Sana
"H-huh? eh si Jihyo? sasama rin ba siya dito?" tanong ni Sana
"Kasama ni Jihyo ang boyfriend niya at sigurado ako dun na hindi niya ito pababayaan at isa pa dun hindi naman siya kilala ni Mr. Myoui" paliwanag ni Nayeon
"Sigurdo kaba sa desisyon mo?" tanong ni Jeongyeon sakanya
"Gusto ko maging ligtas tayong lahat, ayoko na isa satin mahospital nanaman" alalang sagot ni Nayeon
"Kung ganun susunduin ko sina Momo at Dahyun" sabi ko na nag agree naman sila sakin
"Sama ako sayo unahin na muna natin si Tzuyu" sabi ni Sana na tumango ako
Aalis na sana kami ng bigla akong hawakan ni Mina na sobrang nag aalala sakin, ngitian ko siya at hinalikan sa noo
"I'll be back okay? just wait for me" ngiting sabi ko na ngumiti siya kahit kita sa mukha niya ang pagaalala
"Okay ingat kayo i love you" sabi pa niya tsaka nakami umalis ni Sana
Habang papunta kami sa bahay nila si Tzuyu tinawagan na siya ni Sana para sabihin na susunduin namin siya, nakita ko sa gilid ng salamin na may sumusunod saming kotse kaya sinenyasan ko si Sana na tumigin rin sa salamin at agad naman niya itong nalaman
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...
