Bar
"Wow! kahit maliit ang bar mo maganda ah" sabi ni Jeongyeon na manghang mangha sa bar ganda ng bar ni Nayeon
"Syempre gawa ata to ng kapatid ko" ngiting sagot ni Nayeon
"Ilan taon naba kapatid mo?" tanong ni Jeongyeon
"24 years old ..artistic siya, magaling rin kumanta at higit sa lahat maalaga siyang kapatid" sagot ni Nayeon
"Eh ikaw? ano ka bilang ate?" tanong pa ni Jeongyeon
"Syempre maalaga rin ako, ayokong nakikitang umiiyak ang kapatid ko or nasasaktan" seryosong sagot ni Nayeon na para bang naalala ni Jeongyeon si Mina
Patuloy lang nagsasalita si Nayeon habang si Jeongyeon ay iniisip ang kapatid kung bakit hindi niya ito napagtanggol at naalagaan nung kasama pa niya
"Hey! nakikinig ka ba?" tanong ni Nayeon na bumalik si Jeongyeon sakanyang sarili
"O-oo naman" sagot ni Jeongyeon
Nagpatuloy lang sila sa paglilibot ng bar at pinag uusapan rin nila kung pano pa nila mapapalago ang bar. After ng ilang oras natapos na sila at niyaya ni Jeongyeon si Nayeon na kumain ng lunch
Pagdating nila sa isang restuarant nag order na sila agad ng pagkain, habang kumakain sila meron babae na lumapit sa table nila
"Hello po maam" sabi niya kay Jeongyeon na napatingin si Nayeon sa babae at nagulat
"Oh Momo buti andito ka?" tanong ni Jeongyeon sakanya
"Kakatapos lang po namin kumain kasama si Tzuyu" ngiting sagot ni Momo
"Ganun ba ...btw this is my part-" hindi natapos ni Jeongyeon ang kanyang sinasabi dahil biglang nagsalita si Nayeon
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Nayeon na napatingin si Momo sakanya at nagulat
"N-Nayeon Unnie?" gulat na sabi ni Momo
"Ang kapal ng mukha mong bumalik pa dito matapos ang lahat ng ginawa mo!" galit na sabi ni Nayeon
"Magkakilala kayo?" tanong ni Jeongyeon
"Oo maam" sagot ni Momo
"Sorry Jeongyeon aalis na ako kita nalang tayo next time" sabi ni Nayeon tsaka niya kinuha ang bag niya
"Teka Unnie?! pwedi ba tayong mag usap?" tanong ni Momo na hinawakan ang kamay ni Nayeon
"Wala naman tayong pag uusapan" sabi ni Nayeon tsaka niya inalis ang kamay ni Momo sakanya
Daling dali umalis ni Nayeon sa restuarant, pagkalabas niya meron siyang nabanggang lalaki na agad naman nagsorry si Nayeon
"Sorry hindi ko sinasadya" pagyuko ni Nayeon
"Okay lang miss" sabi nung babae
"Tz-Tzuyu?!" gulat na tanong ni Nayeon
"Nayeon Unnie?!" gulat na tanong rin ni Tzuyu tsaka niya niyakap si Nayeon ng mahigpit
"Namiss kita Unnie kamusta kana?" tuwang tanong ni Tzuyu sakanya
"Okay naman ikaw kamusta ka? akala ko nasa Taiwan ka?" ngiting sabi ni Nayeon
"Kailan lang ako bumalik dito" sagot ni Tzuyu
"Pasensya kana kung hindi kita nabisitahan nung nasa hospital ka, ang layo kasi eh" sabi ni Nayeon
"Okay lang Unnie atleast magaling na ako ngayon at naaalala kita" ngiting sabi ni Tzuyu
"Naaalala? bakit?" tanong ni Nayeon
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...