Chapter 13

239 9 1
                                    

Mina's Pov

Hindi ko alam kung bakit ko hinayaan na mangyare yun pero ....pero sobrang saya nung nahalikan ko siya. Pagka uwi namin sa bahay hindi na ulit kami nag usap ni Chaeng na agad nalang kami pumasok sa aming kwarto

Doon humiga ako at tinitigan ang kisame na may ngiti sa aking mga labi. Hinawakan ko ang labi at inalala yung halik na nangyare, hindi ko tuloy mapaliwanag ang sarili ko ngayon dahil sa sobrang kilig

"Hey Mina? kakain na" sigaw ni Sana mula sa labas ng kwarto ko

Pagbaba ko sa kwarto nakita ko sila except kay Chaeng






Chaeyoung's Pov

Nababaliw naba talaga ako?! bakit ko ginawa yun, bakit ko siya hinalikan?! hay!  pero hindi siy umiwas nung naghalikan kami kaya sobra ang ngiti ko

Pagka uwi namin dumaretso ako agad sa kwarto ko at doon nagstay ako sa likod ng pinto dahil sa sobrang kaba at saya na nararamdaman ko ngayon

"Ang lambot ng labi niya" sabi ko habang hinahawakan ang labi ko

Maya maya pa narinig ko si Sana na tinawag si Mina dahil kakain na. Hindi ako makababa dahil sa hiya at kaba kaya nagstay nalang ako sa kwarto ko hangga sa matapos silang kumain








Dining room

"Nasan si Chaeng? akala ko ba tinawag muna siya Sana?" tanong ni Nayeon

"Oo, silang dalawa ni Mina" sagot ni Sana

"Nag away ba kayong dalawa?" alalang tanong ni Dahyun

"A-ahm, hindi" sagot ni Mina

"Tawagin muna siya Mina" sabi pa ni Nayeon

Hindi agad nakatayo si Mina dahil sa kaba, hindi niya alam kung pano niya haharapin si Chaeng dahil narin sa nangyare sakanila

Ilang minuto ng nakatayo si Mina sa harapan ng kwarto ni Chaeng, iniisip kung kakatok pa ba siya or baba nalang

"Chaeng? kakain na" nahihiyang sabi ni Mina na hindi na kumatok at agad ng bumaba

Ayaw parin bumaba ni Chaeng sakanyang kwarto dahil sa nangyare sakanila ni Mina, hindi niya rin alam kung pano niya haharapin si Mina

"Oh asan siya?" tanong ni Nayeon kay Mina

"Tinawag kuna siya pero hindi naman siya lumalabas" sagot ni Mina

"Sige kumain nakayo ako na tatawag sakanya" sabi ni Dahyun na tumayo na siya

"Sandali! ako na" biglang sabi ni Nayeon na tumayo narin

Pagkatayo ni Nayeon at aakyat na sa hagdan bigla niyang nakita si Chaeng na pababa na

"Okay ka lang ba? kanina kapa namin niyayayang kumain" sabi ni Nayeon tsaka siya bumalik sa kinuupuan niya

"Soryy Unnie" nahihiyang sabi ni Chaeng tsaka siya tumabi kay Dahyun

Nagtaka si Dahyun kung bakit ganun nalamang ang kinikilos ng dalawa, kaya nung natapos silang kumain pumunta sa garden si Dahyun at Chaeng doon uminom ang dalawa

"Hey Bro? anong problema nag away ba kayo ni Mina?" tanong ni Dahyun

"Hindi naman bro" sagot ni Chaeng habang nakatitig sa basong hawak niya na may alak

"Bakit parang iba kinikilos niyo kanina?" tanong pa ni Dahyun

"Pano mo ba masasabi kung gusto muna ang isang tao?" biglang tanong ni Chaeng na nagulat si Dahyun

LOOK AT MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon