Chapter 9

252 8 0
                                    

Hospital

Naghihintay ngayon sina Sana at Mina sa labas ng operating room, samantalang si Chaeng nasa emergency room siya

"H-hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyareng masama kay Dahyun" paghagulgol ni Sana

Nilapitan siya ni Mina tsaka siya niyakap

"Tahan na, magiging okay rin ang lahat at magiging okay rin siya" pagcomfort niya sakanya na niyakap rin siya ni Sana


"Sana?! Mina?!" sigaw nung babae na hinihingal pa

"Nayeon Unnie" pag iyak ni Sana tsaka niya niyakap si Nayeon

"Tahan na, ano bang nangyare?" alalang tanong ni Nayeon

"Bigla nalang may tumigil na motor sa harapan namin doon namaril siya" paliwanag ni Mina

"Ano?! pero pano?! i mean wala naman kayong kaaway diba?" tanong pa ni Nayeon

Hindi nakasagot ang dalawa dahil hindi nila alam kung ano ang isasagot

"Tama naman ako diba?" pilit na tanong pa ni Nayeon

Pinunasan muna ni Sana ang luha niya tsaka siya huminga ng malalim

"S-sorry Unnie .." tanging sabi ni Sana na lalong nag alala si Nayeon

"Bakit ka nagsosorry?! ano ba talagang nangyare?!" tanong ni Nayeon

"Nung kumakain kami nakatanggap ako ng tawag hindi ko alam kung sino yung lalaki pero ..."

"Pero ano?!" alalang sigaw ni Nayeon

"Nayeon Unnie kumalma ka muna" sabi ni Mina

"Pero binantaan niya ako, sinabi niya sakin na papatayin niya ako!" pag iyak na sagot ni Sana na nagulat ang dalawa

Napaupo nalang si Nayeon tsaka niya hinawakan ang dibdib nito

"Unnie sorry ...hindi ko rin alam na totoo ang sinabi nung lalaki" pag iyak na sabi pa ni Sana

"Sabi mo hindi kana kasama sa mga fraternity? sabi mo nagbago kana? sabi mo ....hindi kana babalik sa ganun ulit na gawain?" mainahon na tanong ni Nayeon habang lumuluha

"Oo Unnie totoo lahat ng sinabi ko sayo, hindi narin ako bumalik don" sagot ni Sana

"Tama na yan" biglang sabi ni Chaeng na napatingin sila sakanya

"Walang may gusto nito" dagdag pa ni Chaeng

"Kamusta ka? okay lang ba braso mo?" alalang tanong ni Nayeon

"Okay lang ako Unnie" sagot nito

Maya maya pa lumabas na ang doctor mula sa operating room doon lumapit ang magkakaibigan sakanya

"Doc? kamusta po siya?" pag iyak na tanong ni Sana

"Sa ngayon okay na siya at naalis nanamin ang bala mula sa tiyan niya, buti nalang hindi ganun kalalim ang bala sa katawan niya" paliwanag ng doctor na nakahinga na ng maluwang ang apat

"Maraming salamat po Doc" sabi ni Nayeon tsaka siya yumuko at umalis na ang doctor 






Nayeon's Pov

Nasa kwarto nakami ni Dahyun ngayon kung saan hawak hawak ko ang kanang kamay niya at umiiyak

Dahyun-ah ...sorry wala ako sa tabi mo nung nangyare yun, sorry ..sana mapatawad mo ang Unnie mo

"Nayeon Unnie? tahan na gigising narin siya niyan" sabi ni Chaeng habang hinahaplos ang likod ko

"Unnie ...sorry talaga" pag iyak na sabi ni Sana

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa mga sinasabi niya, nang dahil sakanya na hospital at muntikan ng mamatay ang pinsan ko.

"Nayeon Unnie magpahinga ka muna" sabi ni Mina

"Unnie ...sorry talaga" pag iyak na sabi pa ni Sana

"Sige na magpahinga na muna kayo" sabi pa ni Chaeng tsaka niya ako inalayan sa sofa

"Dahyun-ah ...sorry, sorry nang dahil sakin nagka ganyan ka" pag iyak ni Sana habang hawak hawak ang nito

Pinagmamasdan ko lang si Sana at alam ko na nagsisisi siya at hindi niya rin kagustuhan ang nangyare

"Uuwi na muna ako para makakuha ng mga gamit niyo" sabi ko tsaka ako tumayo

"Pero Unnie oras na magpahinga ka nalang dito" pagpigil ni Chaeng

"Okay lang, kayo dapat magpahinga" ngiting pilit na sabi ko tsaka ako lumabas ng kwarto

Paglabas ko mukhang malungkot ang makikita mo sakin, kaya dumaretso ako kotse para umuwi muna

"Nayeon Unnie?!" sigaw nung babae tsaka ako napalingon

"Bakit Mina?" tanong ko

"Samahan nakita" sagot niya tsaka ako tumango at sabay nakaming pumasok sa kotse

Pagdating namin sa bahay pumasok ako sa kwarto ni Dahyun at kumuha ng mga damit niya, ganun rin ang ginawa ni Mina sa kwarto ni Chaeng. Pagkatapos namin mag ayos bumaba nakami para isakay lahat ng gamit na dala namin

"Nayeon Unnie?" sabi ni Mina

"Hmm?"

"Dating kasali si Sana sa fraternity?" tanong nito

"Oo bakit?" sabi ko tsaka ako napatingin sakanya

"Wala naman" sagot nito tsaka nakami ulit pumasok sa kotse

Pagkaandar ko sa kotse bigla kong naalala yung files na binigay sakin ni Jin

"Mina? may tanong ako" sabi ko habang nagdadrive

"Ano yun?" tanong niya

"Anong totoo mong pangalan at sino mga magulang mo?" tanong ko na napatingin siya sakin

Hindi siya agad nakasagot at niyuko niya ang ulo nito

"M-myoui Mina ang totoo kong pangalan, Myoui Jinyoung naman ang name ng Papa ko at Myoui Sunmi naman ang Mama ko" malungkot na sagot niya

"So ibig sabihin isa kang Myoui? anak kanang isang sikat na business man?" tanong ko pa sakanya

"Oo Unnie, sorry kung hindi ko kaagad nasabi sainyo" sabi pa niya

So tama nga yung nakalagay sa files, hindi ko alam kung anong irereact ko dahil malaking gulo ito kapag nalaman to ni Chaeng

"Okay lang no need to say Sorry" ngiting sabi ko

Pagbalik namin sa hospital nadatnamin na may mga pulis na at nagpaalam sakin na magccr na muna si Mina

"Miss Nayeon?" tanong nung pulis

"Nahuli niyo po ba ang gumawa nito sa pinsan ko?" tanong ko

"Sa ngayon hindi pa, tinitignan pa namin yung mga cctv at yung motor na ginamit nila hindi ito nakarehistro kaya medyo mahihirapan ang paghahanap sakanya" paliwang ng pulis

"Okay sige maraming salamat po sa tulong tawagan niyo po agad kami kung may balita na kayo" sabi ko pa tsaka na umalis ang mga pulis

"Unnie? nasan si Mina?" tanong ni Chaeng

"Nag cr lang siya" sagot ko tsaka lumabas si Chaeng sa kwarto

Umupo ako sa tabi ni Dahyun at ganun si Sana na nasa left side siya, tahimik lang ang paligid namin habang pinagmamasdan si Dahyun

"Unnie ...sorry talaga" bigla sabi niya na hindi man ako kumibo

"Magtulog kana ako nalang magbabantay kay Dahyun" sabi ko

"Ako nalang magbabantay sakanya kailangan mo rin magpahinga" sabi niya na napatingin ako sakanya

Maya maya pa tumayo ako at humiga na sa sofa para matulog

LOOK AT MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon