Chapter 15

216 9 2
                                    

Chaeyoung's Pov

Nahihiya akong harapin ngayon si Mina, iniisip ko na baka maniwala siya sa mga sinabi ko sakanya kagabi. Well totoo na gusto kuna siya pero ayoko pang magtake ng risk natatakot ulit akong masaktan

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag ddj sa bar at doon naging masaya naman ako na nawala rin ang stress na nararamdaman ko.

Ilang oras ang lumipas nakita ko sina Nayeon Unnie at Jin Oppa na nasa private room kaya pumunta ako doon, bago pa ako makapasok naririnig ko sila nag uusap


"Pero Nayeon hindi habang buhay kaya mong itago to kay Chaeng" sabi ni Jin

"As long na kaya ko itatago ko ito para hindi siya masaktan" seryosong sabi naman ni Nayeon

"So anong binabalak mo? ikaw ang gaganti sa pagkamatay ng Mama niya? tingin mo ba magiging masaya si Chaeng sa desisyon mo?!" inis na tanong ni Jin

Nanatili lang ako sa labas ng kwarto habang pinapakinggan ang kanilang pinag uusapan

"Tsaka ...hindi naman si Jeongyeon o Mina ang pumtay sa Mama niya kaya wag mo silang idamay" dagdag pa ni Jin na ikinagulat ko

Anong ibig sabihin ni Jin Oppa? kilala rin nila si Jeongyeon ang kapatid ni Mina pero pano? mga tanong sa isip ko

"Jin! ang gusto ko lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mama namin yun lang!" sigaw ni Nayeon na mas ikinagulat ko

"Alam mo nagiging tanga ni si Chaeyoung sayo, una hindi mo parin inaamin na tunay kanyang kapatid, pangalawa hindi mo sinabi na kilala muna ang pumatay sa Mama niya at ang huli ..." hindi na naituloy ni Jin ang kanyang sinasabi dahil biglang nagsalita si Nayeon

"Oo Jin! lahat tinatago ko kay Chaeng! akala ko ba naiintindihan mo ako? kaya ko lang ginagawa to para sakanya, para hindi na siya masaktan ulit ...okay lang kung hindi na niya malaman na tunay niya akong ate pero hayaan mokong makamit ang hustisya para sakanya" pag iyak na sabi ni Nayeon Unnie


Habang pinapakinggan ang kanilang usapan bigla nalang tumulo luha ko, nakaramdam ako ng lungkot at konsensya dahil buong buhay ko sarili ko lang iniisip ko ni minsan hindi ko tinanong si Nayeon Unnie kung okay lang ba siya

Ngayon ko lang nalaman na mas nasasaktan siya kaysa sakin, ngayon ... naiintindihan kuna bakit niya ginagawa to

Maya maya pa narinig ko ang pinto na bumukas kaya nagtago at nakita silang dalawa na umalis na


"Hey Chaeng! tara magmiryenda na muna tayo" biglang sulpot ni Mina na niyayaya ako

"O-okay sige" sagot ko

"Okay ka lang ba? bat parang umiiyak ka?" alalang tanong niya

"Okay lang ako wala to na puwing lang" ngiting sagot ko

Pagdating namin ni Mina sa han river, kami ay naglakad lakad habang may hawak na pagkain

"Uy Chaeng? okay ka lang ba?" tanong ni Mina na huminto ako at tumingin sa malayo

"Ewan ko eh ...medyo naguguluhan kasi ako ngayon" sagot ko

Ilang minuto ang lumipas hindi ko narinig si Mina na nagsalita kaya tinignan ko siya sa side ko pero hindi ko siya makita kaya lumingon lingon ako

"Hey Chaeng! dito!" sigaw niya na tumingin ako sa likod ko

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko na pinuntahan siya dulo ng han river

"Bakit ka andito?" tanong ko pa

"Tignan mo oh ang ganda diba?" ngiting sabi niya tsaka ako tumingin kung nasan ang daliri niya

Doon ko nasilayan ang magandang paglubong ng araw, napangiti nalang ako bigla dahil ito ang paborito king tinitignan kapag stress ako

"See ngumiti ka" sabi ni Mina na napatingin ako sakanya

"Pano mo nalaman na gusto ko ang sunset?" tanong ko

"Remember nung natulog ako sa kwarto mo? hindi ko sinasadya na mabuksan yung cabinet mo nun, doon nakita ko yung mga painting" ngiting sagot niya

"So yun naisip ko na mahilig ka sa sunset kasi halos ng painting's mo ganun" dagdag pa nito

Hindi ako sumagot kundi nginitian nalang siya, habang tinititigan ko siya napatingin ako sa labi niya na para bang gusto ko siyang halikan

"Hey Chaeng? okay ka lang ba? wala ka nanaman sa sarili mo" bigla sabi ni Mina habang nakahawak siya sa braso ko

"Pasen-" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil bigla nalang ako hinalikan ni Mina sa labi

"Yan? okay kana ba?" nahihiyang tanong niya na natulala lang ano sakanya

"Ya! Chaeng naman sumagot ka nga!" dagdag pa niya na namumula rin ang pisngi

"O-okay na" nauutal na sagot ko

"Pero bakit moko hinalikan?" tanong ko pa

"Da ....dahil gusto ko bakit ba? ayaw mo?" pagsungit na tanong niya

"May sinabi ba ako?" asar na tanong ko

"Tssk! bakit hindi mo nalang sabihin kung ayaw mo" sabi pa niya

Hindi ako sumagot kundi hinalikan ko nalang siya bigla sa labi tsaka ako tumingin sa malayo at ngumiti

"Ya! inaagawan moko ng halik!" inis na sabi niya pero kinikilig siya

"Nauna ka kaya" ngiting sabi ko

"I-ikaw kaya nauna" pabulong na sabi niya pero narinig ko

"Ayy oo nga pala sowwy naman po" pacute na sabi na ngumiti siya

"So naaalala mo yung kagabi?" gulat na tanong niya

"Yup" sagot ko

"Tatanungin ulit kita ...do you mean it?" nahihiyang tanong niya

"Hmmmm .......yes?" sabi ko na napanguso siya

"Oh bakit?" tanong ko sakanya

"Hindi ka sure sa sagot mo" nakangusong sabi niya na bigla ko ulit siyang hinalikan sa labi

"Oh ayan sure naba?" ngiting tanong ko na napangiti ulit siya tsaka niya ako biglang niyakap

"I love you" sabi pa niya

"I love you too" sabi ko tsaka ko siya niyakap ng mahigpit

Bumalik kami ni Mina sa bahay na magkahawak ang kamay at nakangiti. Pagpasok namin nakita ko sila Nayeon na nakaupo sa sala at meron dalawang babae na nakaupo rin na hindi familiar sakin

Nung palit kami ng palit nakaramdam ako ng kaba, nung napansin na nila kami tinawag ako ni Nayeon

"Chaeng? san kayo galing?" tanong ni Nayeon sakin

"Namasyal lang" sagot ko

Bigla nalang tumayo ang isang babae tsaka siya tumingin sakin na naluluha, pagtingin ko sakanya napabitaw ako kay Mina at nagulat.




























"M-Momo?!"

LOOK AT MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon