Pag gising ni Mina agad siyang bumaba para tignan ang mga kasama niya kung gising na pero napansin niyang sa ang nauna na nagising kaya nagluto na ito.
Ilang minuto lang narinig niya na may bumababa sa hagdan dahil sa ingay ng paglalakad niya
"Oh ..Hi~" bati ni Sana sakanya
"Goodmorning" ngiting bati ni Mina
"Hmmm, ikaw magluluto?" tanong ni Sana tsaka siya umupo
"Yup" sagot ni Mina tsaka na siya nag umpisang magluto
"So kamusta kayo ni Chaeng? may namamagitan naba sainyo?" biglang tanong ni Sana na napatigil si Mina sa ginagawa niya
"Hindi ko gusto si Chaeng magkaibigan lang kami" seryosong sagot nito
"Well mabuti naman kung ganun" sabi ni Sana
Lumapit si Sana kay Mina at meron ibinulong
"Hindi kasi kayo bagay" sabi nito tsaka siya ngumiti at umalis ng kusina
Pagkaalis ni Sana hindi alam ni Mina kung ano mararamdaman niya dahil ganun nalang ang pakikisama ni Sana sakanya.
"Hindi ko alam kung anong problema niya pero wala naman akong ginagawang masama" sabi ni Mina na hindi naman narinig ni Sana
Makalipas ng mahigit isang oras, isa isa ng bumaba sina Chaeng at nakita nga nila si Mina na nagluluto at si Sana na nasa sala nanonood ng tv
"Sana Unnie? bakit hindi mo man lang tinulungan si Mina?" tanong ni Chaeng sakanya
"Hindi naman niya sinasabi na kailangan niya ng tulong" pagsupladong sagot nito
"Ano?! so dapat sabihin niya pa sayo bago mo siya tulungan?!" inis na tanong ni Chaeng
"Bakit ba?! kung ayaw ko siyang tulungan edi wag mo akong pilitan!" galit na sagot ni Sana
"Ya! ang aga aga nag aaway nanaman kayong dalawa!" sigaw ni Nayeon mula sa kusina
Pumunta nalang doon si Chaeng para hindi na sila magkasagutan pa ulit ni Sana
"Napano nanaman kayong dalawa? araw araw nalang ba ganito kayo?" tanong ni Nayeon kay Chaeng
"Hindi naman kasi tama mga sinasagot niya sakin" sabi ni Chaeng
"Alam mo bro, hayaan mo nalang si Sana Unnie hindi kapa ba nasanay sakanya" sabi ni Dahyun tsaka niya ito inakbayan
"Kumain nalang tayo" sabi ni Nayeon
Hindi na umimik pa si Mina sa nangyare dahil hindi niya rin alam kung bakit ganun si Sana sakanya
"Sana-yah! hali kana kakain na" sigaw ni Nayeon
"Hindi ako nagugutom aalis nalang ako" sabi nito tsaka siya lumabas ng bahay na binagsak pa ng malakas ang pinto
"See! hindi ko alam kung anong problema niya nakakainis siya" sabi ni Chaeng
"Hayaan na muna natin siya baka may period lang kaya ganun" sabi ni Mina na natawa si Dahyun
"Mas masaklap pa diyan kapag meron siya" sabi nito
"Hay! kumakain tayo" sabi ni Nayeon
Sana's Pov
Hindi ko alam kung bakit sobra akong naiinis ngayon, hindi naman dahil kay Mina siguro ...siguro namimiss ko lang ang pamilya kaya ganito. Paglabas ko ng bahay pumunta ako sa isang restuarant para doon nalang kumain habang papasok ako meron akong nabanggang tao
"Sorry" sabi nung babae tsaka siya yumuko ng paulit ulit
"Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?! bulag kaba ha?!" galit na sabi ko
"S-sorry talaga miss" sabi ulit nung babae tsaka na siya tumingin sakin
"Ba-bakit po? sorry talaga miss hindi ko sinasadya" sabi pa nung babae
Hindi ko alam pero natulala nalang ako bigla nung nakita ko siya, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko dahil ilan years na mula nung huli ko siyang nakita
"Miss? ayos ka lang ba?" tanong pa nito
Hindi ako sumagot kundi naluha nalang ako bigla
"Hey Tzuyu-ah!" sigaw nung babae tsaka siya humawak sa kamay nito
"Oh Momo Unnie okay na ba ang lahat?" tanong nito sa babae
"Yup so tara na?" tanong nung babae
"Ahm, Miss pasensya kana ulit" sabi ni Tzuyu na yumuko ulit sa harapan ko
Hindi ako makakilos sa nakita ko, wala nalang akong nagawa kundi pagmasdan siyang umalis kasama nung babae habang lumuluha
Gusto kong ibalik ang mga panahon na kasama pa kita, mga panahon na masaya pa tayong dalawa, namumuhay sa simpleng buhay at lumalaban sa mga problemang pinagdadaanan. Sorry Tzuyu kung hindi kita naprotektahan nun patawarin mo sana ako.
**BAR
"Isa pa nga!" sabi ni Sana na lasing na lasing na
"Sana Unnie! kanina kapang umaga umiinom ano bang nangyayare sayo?!" galit na tanong ni Dahyun sakanya habang pinipigilan ng uminom
"I-iwan moko! hindi kita kailangan" sagot ni Sana na nagulat si Dahyun
Pumunta nalang sa private room si Dahyun na naroon sina Nayeon, Chaeng at Mina. Doon inilabas niya yung sakit na naramdaman niya sa sinabi ni Sana sakanya
"Hey bro, tahan na hayaan na muna natin siya" pagcomfort ni Chaeng sakanya
"Pe-pero sumosobra na siya! hindi niya dapat sinabi yun! ang sakit kasi eh" pag iyak na sabi ni Dahyun
"Ako ng bahala sakanya pero sa ngayon palipasin na muna natin to" sabi ni Nayeon
"Tahan na Dahyun-ah may problema lang siya, hindi niya sinasadya ang nasabi niya sayo" sabi ni Mina habang hinahaplos siya sa likod
Ilang oras pa ang lumipas nakita nila si Sana na natutulog na ito dahil sa sobrang lasing, agad siyang pinuntahan ni Nayeon para isakay siya sa kotse at iuwi
"Ya! Sana-chan! umayos ka nga!" sigaw ni Nayeon sakanya habang akay akay niya ito sa balikat
"U-unnie~ a-alam mo ...na-nakita ko siya" sabi ni Sana
"Sinong siya?" tanong ni Nayeon
"Si Tz ...." hindi na natapos ni Sana ang sinasabi niya dahil nawalan na ito ng malay at humandusay sa sahig
"Ya! Sana-yah! tumayo ka dyan hindi kita mabubuhat ang bigat bigat mo!" inis na sabi ni Nayeon
"Tulungan nakita Unnie" sabi ni Dahyun na kadarating lang ng bahay
"Oh buti sumunod ka?" tanong ni Nayeon tsaka nila sabay na inakay si Sana papuntang kwarto nito
"Alam ko kasi na mangyayare to" sagot ni Dahyun
"Hindi ko alam kung sino tinutukoy niya pero meron daw siyang nakita" pag amin ni Nayeon sakanya
"Nakitang ano?" tanong ni Dahyun
"Hindi ano, kundi sino" sagot ni Nayeon na tumahimik nalang si Dahyun
Alam ni Dahyun kung sino ang tinutukoy ni Sana wala iba kundi ang ex niya na si Tzuyu. Simula kasi nung nagkakilala ang dalawa, mukhang bibig na ni Sana ang ex niya. Alam rin ni Dahyun ang dahilan kung bakit sila naghiwalay
Ang hindi alam ni Sana meron lihim na pagtingin sakanya si Dahyun kaya ganun nalamang ang kanyang pighati nung sinabi ni Sana sakanya na hindi niya ito kailangan
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...