Abot tenga ang ngiti nila Mina nung makabalik sila sa bahay na magkahawak pa ang kamay. Pagdating doon nadatnila ang kanilang mga kaibigan na nasa sala at para bang may pinaguusapan
"Oh~ buti dumating na kayo" ngiting sabi ni Jihyo
"Bakit anong meron?" tanong ni Chaeyoung
"Sainyo ba anong meron bakit ang saya niyo?" tanong ni Jeongyeon
"Syempre nakapagdate na ulit kami ni Mina" tuwang sagot ni Chaeng na inakbayan si Mina
"Sige na upo na kayo may pag uusapan tayo" seryosong sabi ni Nayeon na kinabahan ang dalawa
Tumingin si Chaeyoung sakanyang mga kaibigan na sobra ang seryoso ang mukha
"Okay sige mauuna ako" biglang sabi ni Momo
"Mauuna saan?" tanong ni Mina
Hinawakan ni Momo ang kamay ni Dahyun at naging tahimik lang ang lahat habang pinagmamasdan sila
"Pupunta kami ni Dahyun sa Japan" sabi ni Momo
"Mamamasyal ba kayo doon?" tanong ni Chaeyoung na nakatingin ang dalawa
"Hindi bro doon na kami maninirahan" sagot ni Dahyun na nagulat si Chaeyoung at nalungkot
"A-ano? pero bakit? hindi na ba kayo masaya na magkakasama tayong lahat?" malungkot na tanong ni Chaeyoung
"Masayang masaya kami Cheng ..pero syempre hindi habang buhay ganito tayo darating rin naman ang araw na magkakaroon tayo ng sari-sariling pamilya" ngiting sabi ni Momo
"So ...kayo rin aalis?" malungkot na tanong ulit ni Chaeyoung na isa isang tinuro ang mga kaibigan niya
Hindi agad nakasagot ang mga kaibigan niya na tinignan lang malungkot si Chaeyoung
"Unnie~" sabi ni Chaeng na tinignan si Nayeon
"Chaeng ...ganito parin naman tayo hinding hindi mawawala ang pamilya na to" sabi ni Nayeon
"S-sana ganun nga" pagiyak ni Chaeyoung
"Chaeng~ tama naman sina Momo at Nayeon Unnie ...darating rin ang araw na makakabuo tayo ng sariling pamilya" paghawak ni Mina sakanya
"Pero ayokong umalis sila! masaya ako na buo tayo at palaging magkasama" pagiyak pa ni Chaeyoung
"Naiintindihan ka namin Chaeng pero hindi sa lahat ng oras kailangan mo kami at masaya tayo, minsan kailangan rin natin ang magkalayo para mas lalong tumibay ang pagsasamahan" sabi ni Jihyo
"Wag kang magalala Chaeng meron naman tayong group chat Twice a week pwedi naman tayo magtawagan don" sabi ni Tzuyu
"Atsaka bibista naman kami ni Momo dito Once a month or Twice a month" ngiting sabi ni Dahyun
"Kami rin naman Chaeng, bibisitahin ka namin" ngiting sabi ni Sana
"San naman kayo pupunta?" tanong ni Chaeyoung sakanya
"Sa Taiwan" sagot ni Sana
"Kayo Nayeon Unnie saan?" tanong ni Chaeng na tinignan si Nayeon
"Dito parin kami ni Jeongyeon pero ang gusto namin makagawa ng isang bahay na kung saan yun ang pangarap namin" ngiting sagot ni Nayeon
"Ikaw naman Jihyo Unnie?" tanong ni Chaeng
"Sa Paris naman kami" ngiting sagot ni Jihyo
Bigla nalang tumahimik ang kapaligiran kung saan minamasdan lang nila si Chaeyoung. Maya maya pa pinunasan na niya ang kanyang luha at ngumiti
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...