Chapter 4

327 12 0
                                        

Hindi na nakatanggi pa si Mina sa offer ni Chaeng sakanya dahil wala rin naman siyang alam kung saan siya pweding tumuloy

"Mina? nagustuhan mo ba ang kwarto mo?" tanong ni Chaeng sakanya

"Oo naman magiging maarte pa ba ako eh and dami munang naitulong sakin" ngiting sagot ni Mina tsaka niya ibinagsak ang sarili sa kama

"Osya sige matulog kana muna" sabi ni Chaeng tsaka na niya sana isasara ang pinto

"Sandali!" biglang sabi ni Mina tsaka siya umupo

"Hindi kaba magtatanong sakin kung bakit ako hinahabol ng mga lalaki?" tanong ni Mina sakanya

Napaisip si Chaeng at ilang minuto palang umupo ito sa tabi ni Mina

"Bakit handa kana bang sabihin ito?" tanong ni Chaeng sakanya na dahan dahan tumango si Mina

"Laki ako sa mamayaman na pamilya meron akong nakakatandang kapatid pangalan niya Jeongyeon, pero hindi ako masaya sa pamilya ko dahil pagali akong sinasaktan ng Papa ko ..." naluluhang sabi ni Mina

"Simula nung namatay ang Mama ko biglang nagbago ang Papa ko na para bang hindi na siya ang Ama na nakilala ko ...kaya ganun nalang ang pag alis ko saamin, natatakot ako na saktan ulit ako ng Papa ko" dagdag pa nito habang humahagulgol na sa pag iyak

"Namimiss ko yung dating kami, dating pamilya ko at lalong lalo na ang Mama ko na hindi niya ako hahayaan na masaktan o umiyak man lang" sabi pa ni Mina

Nanatiling tahimik si Chaeng habang pinapakinggan ang kwento ni Mina sakanya dahil alam nito kung gaano kasakit ang mawalan ng isang Ina

"Naiintindihin kita kaya magstay ka dito hanggat gusto mo" ngiting sabi sakanya ni Chaeng

"Magpahinga kana sobrang pagod kana rin eh" dagdag pa nito tsaka na tumayo si Chaeng

Paglabas ni Chaeng sa kwarto napahinga siya ng malalim dahil bigla niyang naalala ang Mama niya at namiss ito.

Pumunta na siya sakanyang kwarto para magpahinga narin pero dahil sa kwento ni Mina hindi siya makatulog. Tumayo siya at meron kinuha sakanyang cabinet,  umiyak ito dahil eto lang ang tanging naiwan lang ng Mama niya sakanya bago siya mamatay


"Miss mo siya?" biglang tanong nung babae na pumasok sa kwarto ni Chaeng

"Sobra ...hindi ko alam kung bakit ang Mama ko pa" pag iyak na sabi ni Chaeng

"Makukuha mo rin ang hustisya Chaeng basta maghintay ka lang" sabi nung babae tsaka niya tinabihan si Chaeng

"Pero Nayeon Unnie hanggang kailan?! hanggang kailan ako maghihintay?! ilang taon na ang lumipas pero wala parin nahuhuli sa pumatay sa Mama ko!" galit na pagiyak na sabi ni Chaeng

"Magpakatatag ka lang okay? alam kong strong ka at kakamit mo ang hustisya, andito lang ako lagi hindi kita iiwan" sabi ni Nayeon tsaka niya niyakap si Chaeng ng mahigpit



*flashback

"Please maawa ka wag ang anak ko, ako nalang saktan mo please" makaawa nung babae

"Hmm, mas maganda isabay kuna kayo" tuwang sabi nung lalaki na may hawak hawak na baril

"Please maawa ka wag ang anak ko" pag iyak at makaawang sabi nung babae na lumuhod pa sa harapan nito

"Mama! mama!" pag iyak nung batang babae

"Sige na please bata pa ang anak ko wala pa siyang alam" sabi pa nung babae

Ilang minuto palang may narinig silang putok ng baril at doon humandusay ang babae

"Ta-takbo anak" pabulong na sabi nung babae sa anak niya

"Mama! Mama! hindi wag mokong iwan please!" sabi nung batang babae

"Tumakbo kana!" sigaw ng Mama niya kahit dumudugo na siya at hindi na niya kaya

"Takbo na bata! dahil isusunod nakita" tuwang sabi nung lalaki at doon tumakbo ang bata na may dalang maliit na box na ibinigay sakanya ng Mama niya

"Tulong! Tulungan niyo po ako!" sigaw nung batang babae habang malakas ang ulan

"Tulong! tulungan niyo ako!" sigaw pa nito tsaka siya nagtago sa isang basurahan na kung saan nakikita na niya ang lalaki

"Asan kana bata~ magpakita kana sakin" sabi nung lalaki na hawak hawak parin ang baril niya 

Walang nagawa ang bata kundi magtago at tumahik nalang para hindi siya makita nung lalaki. Ilang minuto palang meron narinig ang dalawa at yun ang mga police

Nataranta ang lalaki hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil natatakot ito na mahuli, kaya tumakbo nalang ito papalayo sa mga pulis

Pagkaalis nung lalaki tsaka rin tumakbo ang batang babae para makalayo sa lugar na yun at hindi siya makita ng lalaki. Sakanyang pagktabo unti unti ng napagod ang bata at mahihimatay na ito hanggang sa may babaeng sumalo sakanya bago pa tuluyan na mawalan ng malay

"Bata! okay ka lang ba?" tanong nung babae sa bata

"Tu-tulungan niyo po ako" sabi nung batang babae tsaka siya nawalan ng malay


Kinabukasan nagising ang batang babae na umiiyak pa ito at sumisigaw dahil naalala niya ang mga nangyare nung gabi na yun

"Mama! Mama!" sigaw nito na biglang dumating ang babaeng tumulong sakanya

"Hey! ayos ka lang?" sabi nung babae tsaka niya niyakap ang bata

"A-ang Mama ko ...pinatay siya" pag iyak na sabi nung bata na ikinagulat nung  babae

"Shhh irereport natin to sa pulis tutulungan kita okay?" sabi nung babae

"H-hindi pwedi mahahanap nila ako" sabi nung bata

"Sino? hindi ka nila mahahanap o hindi ka nila sasaktan meron mga pulis poprotektahan ka nila" sabi nung babae

"Hindi totoo yan! dahil isang pulis ang pumaty sa Mama ko!" galit na sabi nung bata

"Tahan na, hindi na, hindi na ako magrereport kung yun ang gusto mo" sabi nung babae

"Talaga? maraming salamat" sabi nung bata tsaka niya nayakap ang babae

"Anong pangalan mo?" tanong nung babae sakanya

"C-Chaeng, Son Chaeyoung" sagot nito

"Ako si Nayeon, Im Nayeon" sabi nito at ngumiti sakanya

"Simula ngayon ituturing nakitang kapatid at dito kana maninirahan tutal wala rin naman akong kasama" ngiting sabi ni Nayeon

"Maraming salamat Unnie, ipapangako ko sa sarili ko na ipaghihiganti ko ang Mama ko" sabi ni Chaeng

"Tutulungan kita hindi mo kailangan na lumaban mag isa dahil isang pamilya na tayo" ngiting sabi ulit ni Nayeon tsaka niya niyakap ng mahigpit si Chaeng

"Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng naitulong mo sa akin Unnie" pag iyak na sabi ni Chaeng

"Hindi na kailangan pang bayaran yun dahil ang gusto ko lang magstay ka dito sa tabi yun lang" tuwang sabi nito 

At simula noon namuhay na ang dalawa bilang magkapatid kahit hindi sila magkadugo

*end of flashback

LOOK AT MY EYESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon