Chapter 41

192 5 0
                                    

Tzuyu's Pov

Magbibirthday na ang girlfriend ko yung sana kami magbabakasyon sa Hawaii hindi na natuloy. Iniisip ko kung ano ang magandang iregalo sakanya dahil sa totoo lang hanggang ngayon hindi parin bumalik alala ko at hindi ko parin alam kung ano talaga ang gusto niya

Nandito ako ngayon sa may garden umiinom ng wine habang nagmumuni muni ng bigla akong lapitan ni Dahyun

"May problema ba?" tanong niya na umupo sa isang upuan

"Iniisip ko lang anong magandang iregalo kay Sana?" sabi ko

"Hmm ...to be honest hindi muna kailangan ng mamahalin singsing, relo o alahas kasi sapat na para sakanya na bumalik ka sa piling niya" ngiting sagot ni Dahyun na napatingin ako sakanya

"Seryoso ka?" pagalanganin na tanong ko

"Yup, isa pa masaya na siya ngayon oh bumalik na yung dating ngiti niya" sabi ni Dahyun na tinignan namin si Sana mula sa bintana na tumatawa kasama ang iba namin kaibigan

Maya maya pa tumingin din siya samin at nginitian niya kami na ngumiti rin ako sakanya

"Tama ka Dahyunie pero gusto ko parin siya isurprise" sabi ko

"Don't worry tutulungan kita" ngiting sabi ni Dahyun

Pagpasok namin sa loob nakita namin na nagpipillow fight sina Momo at Sana, naglalaro naman sina Chaeyoung, Jeongyeon at Daniel nasa kusina naman sina Jihyo,Mina at Nayeon. Pumunta ako sa kusina para tulungan magluto ang mga kaibigan ko

"Tulungan kuna kayo" sabi ko na kumuha ako ng kutislyo at hiniwa ang mga gulay

"Thanks Tzu~" ngiting sabi ni Jihyo

"Mga Unnie~ may sasabihin ako sainyo" seryosong sabi ko na tumingin sila sakin

"Magbibirthday na si Sana sa makalawa gusto ko sana siya isurprise" sabi ko na nagtingin ang tatlo

"Tutulungan ka namin" ngiting sabi ni Nayeon

"Talaga?" tuwang tanong ko

"Oo naman Tzu~ isang pamilya na tayo dito" ngiting sabi ni Jihyo

"Kami na bahala sakanya" pagkindat sakin ni Mina

"Thank you guys and love you all" tuwang sabi ko na niyakap sila isa isa

"Sana maging successful ang pagsusurprise natin" tuwang sabi ko pa

"Anong surprise?" biglang tanong nila Momo at Sana na nagulat ako

"A-ahm ..."

"Isurprise sana kayo ni Tzuyu sa pagluluto pero mukhang hindi na mangyayare dahil dumating kayo" pagtuloy ni Jihyo na tumingin lang sakin ang dalawa

"Talaga? hindi ko alam na marunong kang magluto" sabi ni Momo

"Ya! Momo Unnie lagi mo kaya natitikman ang luto ko" nakangusong sabi ko

"Oh! alam niyo nung nakita ko kayo sa restuarant nun akala ko ...." tumingin ako ng seryoso kay Sana nung narinig ko yun

"Akala mo girlfriend ko siya?" sabi ni Momo na tumawa siya

"What?! seryoso?" gulat na tanong ko na dahan dahan tumango si Sana

"Don't worry nakwento kuna sakanya kung pano tayo nagkakilala" sabi ni Momo

After ng ilang minutes kumain nakami, nakita ko si Dahyun na sinenyasan ako na umalis na muna kami kaya ang ginawa ko

"Ouch! sakit ng tiyan ko" sabi ko habang hawak hawak ang tiyan ko

"Okay ka lang?" alalang tanong ni Sana

"Okay lang pero sobrang sakit talaga eh" sagot ko

"Hali ka magpahinga ka muna sa kwarto natin" sabi niya na aalalayin na sana ako pero

"Ako nalang" biglang sabi ni Dahyun tsaka siya tumayo at inakbayan ako

"What?" sabi ni Sana

"Kumain kana dyan Sana Unnie ako na bahala kay Tzuyu mukhang nasobrahan siya sa wine kanina" paliwanag ni Dahyun tsaka na niya ako dinala sa kwarto namin

Pagdating dun nilock ko agad ang pinto at tignan ko si Dahyun na inaayos na ang mga gamit

"Seryoso kaba dito Dahyun-ah?" tanong ko

"Bakit ayaw muba?" tanong niya

"Syempre gusto kaso kinakabahan ako baka hindi niya magustuhan" malungkot na sabi ko

"Be positive! magugustuhan niya to" pagbigay niya sakin ng mga bulaklak

"Ikaw na bahala nyan ah? basta wag masyado maingay" ngiting sabi ni Dahyun na namula ang pisngi ko

Tinignan ko ang kwarto namin ni Sana na naka decorate ang mga pictures namin sa pader at may mga lights pang nakalagay. Ngumiti ako nung pinagmasdan ko ito, inamoy ko ang hawak kong bulaklak na sobrang bango

Nagbihis na muna ako para sa date namin ni Sana at makalipas ang ilang minuto nakita ko na tapos na silang kumain. Lumabas ulit ako ng kwarto ko na agad naman ako nilapitan ni Sana at niyakap ng mahigpit

"Kamusta pakiramdam mo?" alalang tanong niya

"Okay na ako" ngiting sagot ko

"Sure ka?" tanong pa niya na sobrang nagaalala parin sakin

"Oo naman" sabi ko na hinalikan siya sa noo at ngumiti siya

"Halika may ipapapakita ako sayo" ngiting sabi ko tsaka ko siya dinala sa kwarto na nakatakip ang kanyang mga mata sa kamay ko

"Tzu~ ano bang meron?" tanong niya

Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakangiti lahat sila at sinasabing 'goodluck and enjoy'. Dahan dahan kong binuksan ang pinto na nakatakip parin si Sana sakin, maya maya pa inalis kuna ang pagkakaalis at nagulat siya sa nakita niya

"Tzu~ ..." ngiting sabi niya ng makita niya ang kwarto namin na punong puno ng pictures

"Para sayo" pagabot ko sakanya ng bulaklak

"Wow! you made all of this?" ngiting tanong niya

"Tinulungan nila ako" sagot ko

"I know na malapit na birthday mo pero hindi natin to macecelebrate ng maayos" malungkot na sabi ko

"No, sapat na sakin na nandyan ka at ng mga kaibigan natin" tuwang sabi niya tsaka niya hinawakan ang mukha ko

"Masaya ako na bumalik ka sa piling ko dun palang sapat na sapat na eh" sabi pa niya

"I love you" tuwang sabi ko

"I love you too" sabi niya na hinalikan ako sa labi at humalik rin ako pabalik sakanya

"Wait!" biglang sabi niya na nahinto kami sa paghahalikan

"What? may problema ba?" tanong ko

"Pero hindi pa ngayon ang birthday ko" sabi niya

"Alam ko advance gift ko lang sayo to" ngiting sabi ko

"Hmm, mukhang alam kuna ah" nakasmirk na sabi niya tsaka niya ako biglang hinalikan

At ang halik na yun ay iba dun sa kanina, halik na parang gutom na gutom siya. Maya maya pa dahan dahan ko siyang hiniga sa kama at doon pinainit namin ang gabi.

LOOK AT MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon