-TATLO-

3 0 0
                                    

Kinabukasan ay mas inagahan ni Duday na gumising dahil gusto niyang maabutan ang ama bago ito umalis para magtrabaho. Dali-dali siyang bumangon ng marinig ang boses ng mga magulang sa baba.

Inayos niya muna ang higaan saka sinuklay ang buhok saka dali-daling bumaba ng hagdan habang akay-akay ang kaniyang baston. Naamoy niyang nagluluto na naman ng masarap na almusal ang ina.

"Magandang umaga po inay at itay!"  bati ni Duday sa mga magulang.

Gulat namang napalingin ang mga magulang niya sa kaniya.  "Oh. Duday...sobrang aga mo naman yatang nagising ngayon?"

"Sinadya ko pong gumising ng maaga inay dahil nais kong maabutan si itay bago siya umalis!"

Natawa naman ang ina.  "Haha. Ikaw talagang bata ka. Oh sige. Maupo ka na diyan at sumabay ka na sa aming mag-almusal."

"Opo inay."

"Ang bait naman ng anak ko. Payakap ng si itay,"  saka niyakap ang anak.

Niyakap niya rin ng mahigpit ang ama. "Mahal po kita itay!"

"Mahal din kita anak,"  sagot ng ama.

"Abaa ang daya paano naman ako?"

"Sali ka din po dito inay!"

Saka niya rin niyakap ang mag-ama.  "Sige. Pasali ako ha."

"Mahal din po kita inay!"  sabi ni Duday.

"Pinaka-mahal kita anak,"  sagot naman ni Aling Pam.

"Paano ako?"  tanong ni Mang Ben.

"Mahal din syempreee!"  sagot ni Aling Pam.

"Nakoo kinikilig ako! Haha,"  saka umarte si Mang Ben na kinikilig.

Natawa naman sina Duday at Aling Pam sa naging reaksiyon ni Mang Ben.  "Hala si tatay! Babae lang po ang kinikilig!"  pang-aasar ng bata.

Napabaling naman sa kaniya ang ama.  "Kinikilig din kaming mga lalaki Duday,"  depensa niya.

Natawa naman ang bata.  "Haha. Talaga po? Paano po kiligin ang mga lalaki?"  tanong nito.

"Ganito,"  saka siya umarte na kinikilig.

Naramdaman naman ni Duday na parang kiti-kiting gumagalaw ang ama. "Haha! Para ka pong uod na binudburan ng asin itay!"

"Ah uod pala ha...halika dito!Etong sayo!"   saka siya kiniliti ng ama.

Tawang-tawa siyang umiwas sa pangingiliti ng ama.  "Haha. Tama na po itay. Haha. Nakikiliti po akoo!"

"Uod pala ha,"  saka siya patuloy na kiniliti nito.

Sumasakit na ang tiyan niya kakatawa. "Hindi na po! Haha! Tama na po!"

"Ang sabihin mo parang kiti-kiti!"  agad na singit ni Along Pam sa kulitan ng mag-ama.

"Ah kiti-kiti pala ha..."  saka rin siya hinabol ng asawa at kiniliti.

Tawang-tawa siyang umiwas sa pangingiliti ng asawa. "Haha.! Ben...ano ba!? Nakikiliti ako! Ano ba!?"

"Pinagtutulungan niyo akong mag-ina ha."

"Hindi na po! Binabawi ko na po!"  sabi ni Duday.

Muling napaupo si Mang Ben.  "Mabuti naman. Haha. Pinagod ko niyo ako!"

"Luto na! Kakain na tayo!"  anunsiyo ni Aling Pam.

Agad na inihain ni Aling Pam ang ulam ni niluto sa hapag. Bago kumain ay nanalangin muna sila para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap nila sa pang-araw-araw.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now