-KATORSE-

0 0 0
                                    

"Huy! Huwag mong targetin ang biskwit!"  kasalukuyang tumutulong sina Dan at Duday sa pag-aasikaso sa mga bisita. Medyo dumarami na rin kasi dahil sa papagabi na at ito na ang huling gabi ng burol. Bukas na nakatakdang ilibing ang tatay ni Duday.

"Psh. Hayaan mo na. Minsan lang 'to,"  sagot ni Dan saka sinakop sa kamay ang mga biskwit at sinalampak sa bibig.

Napailing nalang si Duday sa katakawan ng kaibigan.  "Puro kalokohan lang talaga ang alam mo kahit kailan!"

"Marami kaya akong alam!"  depensa nito.

Nakapameywang siyang hinarap ni Duday.  "Tulad ng?"

"Ang mahalin ka,"  banat nito.

Napailing si Duday.  "Edewow."

"Ang kj mo! Makisakay ka kasi!"

Iprinisinta ni Duday ang palad sa harap ni Dan.  "Geh. Akin na."

Nagtaka naman si Dan ni hinarap ang kaibigan.  "Ang alin?"  puno pa ng biskwit ang bibig nito.

"Pamasahe ko! Diba sabi mo makisakay ako? Bigyan mo akong pamasahe...makikisakay ako sa kalokohan mo."

"Wala akong pera. Kandong ka nalang sakin!"

Agad naman siyang binatukan ni Duday.  "Ayan! Kandong mong bunganga mo!"

Napahimas siya sa ulo.  "Aray naman Duday! Ang sakit mo namang magmahal!"  reklamo nito.

"Mahal ka diyan! Mahal...mahal! Di na uso iyan sa panahon ngayon."

"Uso kaya!"  pamimilit nito.

"Paano mo nasabeee?"

"Mahal ang bigas...mahal ang gasolina...mahal ang pamasahe...mahal ang bilihin...mahal kita,"  pangisi-ngisi nitong banat.

"Che! Mahal ka diyan! Puro pagkain nga nasa utak mo eh!"

"Ayos lang iyan. Huwag ka ng magselos. Kung pagkain man ang nasa utak ko...huwag kang mag-alala...ikaw lang ang laman ng puso ko." 

"Kikiligin na ba ako?"

"Kiligin ka please."

"Ayaw!"  tanggi ni Duday.

Napasimangot naman si Dan dahil sa ayaw makisama ng kaibigan.  "Di wag!Kala mo naman susuyuin kita."

Tinalikuran naman siya ni Duday.  "Diyan ka na nga,"  saka lumabas ng bahay.

"Luh? Nagalit ka? Uyy...huwag mo 'kong iwan dito! Duday...sorry na,"  sigaw nito.Saka tumakbo para habulin ang kaibigan.

"Bakit ka sumunod?"  tanong ni Duday habang patuloy na naglalakad paalis.

"Bakit ka galit?"  habol ni Dan.

"Hindi ako galit,"  depensa nito.

"Hindi raw. Eh bakit iniwan mo ako?"  tanong nito.

Hinarap siya ni Duday.  "Iniwan ba kita?"

"Oo. Masakit nga eh. Palagi nalang akong naiiwan,"  umarte pa itong nasasaktan.

"Psh. Ang arte."

"Dinig ko iyon."

"Buti naman. Di ka bingi."

Napailing siya.  "Hindi naman."

"Psh."

"Usto mong suyuin kita?"  pang-aasar niya sa kaibigan.

"Huwag na lang kung labag lang din naman sa loob mo,"  busangot na sagot ni Duday.

"Kiss muna,"  saka siya ngumuso paharap kay Duday.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now