-DISI OTSO-

0 0 0
                                    

Sandaling napatigil sa balak na pagpunta sa kinaroroonan ni Dok Mel si Duday. Natulala siyang napatitig kay Baste. Hindi niya akalain na muli niya itong makikita. At mas lalong hindi niya inaasahan na dito niya pa ito makikita.

"Duday!"

Balak na sana niyang bumalik sa tambayan nila ni Dana kaso nga lang ay wala na siyang magawa ng nakita siya tinawag ng kaniyang Tiya Madie. Nag-aalangan pa siyang lumapit dahil nakita na rin siya ng kaniyang Tiyo Gener at Tiyo Mel.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Balak man niyang umiwas nalang ay hindi niya nama maitatangging na-miss niya rin ang mga ito.

"Duday...hija. Kamusta ka na? Ang tagal din nating hindi nagkita. Nasaan na ang iyong ina? Kasama mo ba siya ngayon?"  saka siya mahigpit na niyakap ng Tiya.

Niyakap niya rin ito pabalik. "A-ah...E-eh...Nasa kusina po si Inay, Tita Mads. Tumutulong po siya sa pagluluto."

"Talaga? Oh sige...mamaya ko na siya kakausapin. Ang laki mo na ah. Parang kailan lang ng huli ka naming nakasama,"  puna nito sa kaniya.

Nauutal naman siyang sumagot.  "O-oo nga po eh."

Nilapitan din siya ng Tiyo Gener niya.  "Duday...kamusta ka na hija?"

Dali-dali niya itong niyakap.  "Tiyo Gen!Na-miss ko po kayo!"

"Haha. Ganun din ako Duday,"  saka siya nito niyakap pabalik.

"Paano naman ako?"  napabaling siya sa kaniyang Tiyo Mel.

"Na-miss din po kita Tiyo Mel!"  saka din ito niyakap ng mahigpit.

"Haha. I miss you too Duday,"  sabay yakap nito pabalik.

"Duday! Nandito ka lang pala...kanina pa kita hinahanap!"  napalingon siya sa kararating lang na kaibigan. Hinihingal pa ito na parang tumakbo kakahanap sa kaniya.

Hinarap niya ang mga kasama saka pinakilala si Dan.  "Ah...Tita Madie...Tito Gener...Tito Mel...si Dan nga po pala kaibigan ko,"  pakilala niya.

"Hello po sa inyo! Magandang gabi!"  bibong bati nito.

Binati din siya ng ginang pabalik at nginitian ng mga tiyo ni Duday.  "Hi din sayo hijo. Mabuti naman at nagkaroon na ng kaibigan dito si Duday. Nagpapasalamat kami dahil sinamahan mo siya hijo."

Napakamot naman sa batok si Dan. "Walang anuman po. Basta lagi lang akong nandito para kay Duday,"  sabay tingin sa kaibigan.

"Aww...ang sweet naman. Ilang taon ka na hijo?"  tanong ng ginang.

"Sampung taong gulang po!"  masigla nitong sagot.

"Aba! Magka-edad lang pala kayo ng anak kong si Baste,"  saka napatingin sa anak.

"Ganun po ba?"

"Uyy Baste...batiin mo sina Dan at Duday,"  utos ng ginang sa anak.

"Psh,"  hindi naman ito sumunod sa utos ng ina sa halip ay sumimangot lang ito.

"Ah pasensya ka na Dan ha...medyo ma-attitude kasi 'to eh. HAHA."

"Halata nga po,"  sabi ni Dan habang maangas na nakatingin kay Baste.

"Anong sabi mo!?"  alma ni Baste.

Agad naman silang inawat ng ginang.  "Pst. Baste! Awat na...huwag kang makikipag-away dito."

"Siya yung nauna eh!"  depensa ni Baste.

"Hayaan mo na. Wala namang sinabi na masama si Dan eh."

"Psh." 

"Oh Duday? Paano? Gusto niyo bang sumama nalang sa amin papasok?"  aya ng ginang.

"A-ayos lang po ba?"  nahihiyang tanong ni Duday.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now