"Sa kada pagbuhos sang ulan...ini ang may kaupod nga pagkilat kag padagu-ob. Apang ano man ini kadamol kag kabaskog...maga-abot ang tion nga ini maga-hulaw. Bangud sa kada kadulom nga dala sini...sa ulihi...naga-butlak ang kasanag."
"Sa bawat buhos ng ulan...kasabay nito ay ang malalakas na kulog at kidlat. Subalit gaano man ito kalakas...darating ang panahon na ito ay titila. Dahil sa bawat kadiliman na dala nito...ay sumisibol ang liwanag."
----------------------------------------------
Muling nagsimula ang panibagong school year. Pumasok na sa skwela si Duday. Sa Mababang Paaralan ng Silay bilang isang grade 4 student. Noong una ay nanibago pa siya dahil sa bago lang sa kaniya ang lahat.Subalit sa tulong at panggabay ng kaniyang ina at kaibigan na si Dan ay unti-unti rin siyang nakapag-adjust. Sa unang araw ng pasukan ay talagang nahirapan siya lalo pa at kaklase niya si Psyche. Ang malditang apo ni Madam Faurea na siyang may-ari ng hacienda kung saan sila nakatira.
Madalas siyang awayin ni Psyche ngunit agad naman siyang ipinagtatanggol ni Dan. Kailanman ay hindi nito hinayaan na mapahiya siya sa harap ng maraming tao. Maraming mga kakampi si Psyche dahil na rin sa nasa kaniya ang simpatya ng nakararami na halata namang impluwensiya niya lang at pera ang habol.
Hindi niya nalang pinapatulan pa dahil sa nakakasawa ring maging sentro ng atensiyon. Sa pagdaan ng mga araw ay mas lalo itong nagalit sa kaniya lalo na kapag nalalamangan niya ito sa kahit na ano mang pagsusulit.
Parehong matalino sina Psyche at Duday. Pero iba-iba naman ng larangang kina-aangatan kapag talento na ang pag-uusapan. Mas angat si Psyche sa mga pageantry at theater arts samantalang mas angat naman si Duday sa sports at pag-awit.
Samantalang si Dan naman ay halatang may ibubuga din ang kaso nga lang ay tamad itong magpakita ng mga talento. Nahilig lang ito sa paglalaro ng sports. Katulad kay Duday...badminton. Madalas silang pambato ng kanilang paaralan sa Mixed Doubles Category at madalas din silang nananalo kaya binansagan silang "DD"(Dan and Duday) ng kanilang mga nakakalaban.
Naging masaya si Duday sa mga sunod-sunod na swerteng dumating sa kaniyang buhay. Naging patok din ang negosyo ng ina kung kaya't napalago nila ito ng husto. Malaki na ang kanilang store at kumpleto na rin ang ibenebenta.
Sinubok man sila ng matinding unos...nanatili naman silang matatag kaya hindi sila natangay. Nawalan man sila...ay napunan naman ito ng pagmamahal nila sa isa't-isa.
Tunay ngang kahit gaano man kalakas ang bagyo...balang-araw...ay sisikat ang bagong liwanag. Dumating man ang unos kanilang nakayanan ang...
"Wisik sang Dabu-Dabu."
YOU ARE READING
DABU-DABU: WISIK [Completed]
Teen Fiction"Sa kada pagbuhos sang ulan...ini ang may kaupod nga mga dagu-ob kag kilat. Apang bisan ano man ini kadamol kag kabaskog...maga-abot ang ti-on nga ini maga hulaw. Bangud sa kada kadulom nga dala sini...sa ulihi...naga butlak ang kasanag." ...