Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang pagyakap ng kalungkutan sa musmos na puso ni Duday. Siya ngayon ay nakaupo sa gilid ng bintana habang dinadama ang sunod-sunod na patak ng mga ulan.
Napabuntong-hininga siya. Ang kalungkutang bumabalot sa kaniya ngayon ay parang lamig na dulot ng panahon...unti-unti nanunuot sa kaniyang katawan.
Inabot niya ang jacket na nasa kilid ng kama at isinuot. Hindi man niya makita ang buhos ng ulan pero ramdam niyang malakas ito. Bigla siyang napaigtad ng kumulog at kumidlat ng malakas.
Nagbigay pa ito ng panandaliang liwanag sa paligid. Maya-maya pa ay naputol ang kuryente. Dali-daling umakyat si Aling Pam sa kwarto ni Duday matapos nitong magsindi ng mga kandila para kahit papaano ay magkaroon ng liwanag sa buong bahay.
Kumatok muna si Aling Pam sa kwarto ni Duday bago niya siya pumasok. "Anak...kumain ka muna. Kanina ka pa nandito. Bakit hindi ka bumaba para makapag-hapunan?"
"Busog pa po ako inay," sagot ni Duday habang nakatanaw sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga si Aling Pam.
"Alam kong hindi anak. Mula kaninang almusal ay hindi ka pa kumakain. Anak...pakiusap huwag mong pababayaan ang sarili mo," hindi na kasi sila kumain ng almusal kanina bago pumunta sa bahay ng pamilya Roldez dahil plano nilang doon nalang kumain.
"Ayos lang po ako inay," matamlay na sagot ni Duday.
"Duday..."
Napabaling si Duday sa ina. "Huwag na po kayong mag-alala sa akin."
"Hindi iyon maaari anak! Nag-aalala talaga ako sayo dahil ina mo ako," saka niya nilapitan ang anak at hinaplos ang pisngi nito.
Malungkot na napayuko si Duday. "Patawad inay kung pinag-aalala ko po kayo."
"Ayos lang sa akin basta sumama ka sa sa akin sa baba para magka-laman na iyang tiyan mo," utos ng ina kay Duday.
"Inay..."
"Sige na huwag ng makulit.Isasara ko na muna itong bintana mo. Gabi na. Pumapasok sa kwarto mo ang malamig na hangin. Baka magkasakit ka," saka isinara ni Aling Pam ang bintana sa kwarto ni Duday para hindi na lamigin ang anak.
"Inay...ayoko po," tanggi ni Duday sa alok ng ina.
Agad namang siyang tinabihan ng ina. "Duday...alam kong masama ang loob mo sa nangyari. Kahit ako naman ay galit din sa pagtrato sayo ng batang iyon. Pero sana huwag mo namang pabayaan ang sarili mo dahil doon."
"Hindi naman po ako galit inay. Naiintindihan ko naman na ayaw niya sakin dahil panget ako...t-tapos b-bulag pa," napayuko si Duday.
Nanlumo si Aling Pam. "Huwag kang magsalita ng ganiyan anak. Kung totoong mabait siya...tatanggapin ka niyang maging kaibigan."
"Hindi po talaga ako galit sa kay Baste inay. Nalulungkot lang po ako dahil sinigawan niya tayo sa harap ng maraming tao tapos tinapon pa niya ang regalong pinaghirapan niyong bilhin," paliwanag ni Duday sa ina.
Tumango-tango si Aling Pam. "Sige. Kung iyan ang gusto mo. Hindi ko na ipipilit. Hayaan nalang natin iyon. Tapos na. Nangyari na. Kalimutan nalang natin."
"Opo inay," sagot ni Duday.
Tumayo si Aling Pam at hinawakan sa kamay ang anak. "Sige...halika na sa baba anak."
"Hindi nalang po muna ako kakain inay," sambit ni Duday.
"Hindi pwede. Magagalit ako sayo kapag hindi ka kumain Duday. Kaya sige na. Huwag ka ng magmatigas diyan. Kumain ma kahit konti lang. Pakiusap anak," pagpupumilit ng ina.
YOU ARE READING
DABU-DABU: WISIK [Completed]
Подростковая литература"Sa kada pagbuhos sang ulan...ini ang may kaupod nga mga dagu-ob kag kilat. Apang bisan ano man ini kadamol kag kabaskog...maga-abot ang ti-on nga ini maga hulaw. Bangud sa kada kadulom nga dala sini...sa ulihi...naga butlak ang kasanag." ...