-DOSE-

1 0 0
                                    

Nakasalubong ni Duday si Aling Madie ng pagbaba niya ng hagdan.  "Oh Duday...kamusta? Nagustuhan ba niya ang pagkain?"  usisa nito sa kaniya.

Napayuko si Duday.  "Hmm...hindi ko po alam Tita,"  sagot niya.

Sinuri nito ang mukha niya.  "Bakit parang malungkot ka? Anong nagyari?Inaway ka na naman ba ni Baste?"

Umiling si Duday.  "H-hindi po. Sa kwarto nalang po muna ako. Parang sumama po ang pakiramdam ko eh,"  paalam nito.

"Duday..."

"Sige po,"  paalam niya sabay lakad na papasok sa kwarto saka sinara ang pintuan bago pa man siya masundan ng tiya sa loob.

"Duday!"   sigaw ng tiya pero hindi na siya lumingon pa.




----------------------------------------------
Agad na umakyat ng hagdan si Aling Madie para puntahan sa silid ang anak. Nais niyang malaman kung bakit nagkaganon si Duday kahit pa na mukhang maayos naman ito kanina. Bigla lang itong nagpaalam na masama ang pakiramdam pagkatapos na mapuntahan si Baste sa silid nito.

Kumatok muna siya.  "Baste? Anak?Nandiyan ka ba sa loob? Papasok ako ha,"  saka pinihit ang pintuan pabukas.

Nakita niyang nakatalukbong ng kumot ang anak.  "Anak..."  tawag niya dito.

Nilapitan niya ito saka pilit na inalis ang kumot na nakatalukbong sa anak.  "Baste? Anak? Kamusta ka?"

"Ayos lang mama. Mabuti naman at naalala niyo po na may anak kayo dito,"  sagot ni Baste ng nakatalikod sa ina.

"Baste..."  tawag ng ina.

Napangiti ng sarkastisko ang bata.  "Akala ko tuluyan niyo na akong nakalimutan eh,"  akusa nito.

"Baste naman..."

"Ano? Tapos na po ba ang handaan?Iyong birthday ng prinsesa? Tiyak nagsasaya na iyon dun sa baba kasama ng mga batang nauto niya,"  bwelta nito.

"Baste...iyan din ang isa sa pinunta ko dito. Anong nangyari sa inyo ni Duday?Inaway mo na naman siya?"  tanong ng ina.

Napabusangot si Baste.  "Psh. Ako na naman."

"Baste...tinatanong kita,"  sambit ng ina.

Napabangon si Baste at hinarap ang ina. "Bakit parang ako na naman ang may kasalanan? Bakit lagi nalang ako mama?"

"Baste...hindi kita sinisisi. Tinatanong lang naman kita ah."

"Pero ang bulag na iyon hindi niyo tinanong? Bakit? Kasi siya iyong kinakampihan niyo? Mama ako ang anak niyo! Dapat sakin kayo makinig!"

"Wala akong kinakampihan na sinuman sa inyo Baste. Ang akin lang naman ay sana tigilan niyo na ang away niyo."

"Kapag umalis siya sa bahay natin...baka sakaling matigil na ng ang ayaw namin mama."

"Anak...intindihin mo naman ang kalagayan ni Duday. Wala siya matutuluyan kung sakaling umalis siya dito. Nasa hospital ngayon ang papa niya dahil malubha ang kalagayan. Nandoon din ang mama niya na inaalagaan ang papa niya,"  pagpapaliwanag ng ina sa anak.

"Wala akong pakialam sa kaniya mama!Kung saan siya matutulog o kung saan siya kakain! Basta umalis lang siya dito!"  sigaw nito.

Napatayong hindi makapaniwala ang ina sa inaasta ng anak.  "Baste...bakit ka ganiyan? Ha? Hindi ka naman pinalaki namin ng papa mo na ganiyan. Hindi na kita maintindihan anak."

Muling humiga si Baste saka tumalikod sa ina.  "Huwag niyo na akong intindihin mama. Doon nalang kayo kay Duday. Tutal mukhang mas masaya naman kayo kapag kasama niyo siya."

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now