-PULO-

0 0 0
                                        

"Idilat mo ang mga mata mo Duday. May nakikita ka ba kahit na konting liwanag lang?"  utos ni Mang Mel kay Duday. Kasalukuyan silang nasa klinika habang sinusuri ang kalagayan ni Duday.

Napailing si Duday.  "W-wala po Tiyo Mel."

"Okay. Iyong sa kabila naman. Kamusta?May nakikita ka ba?"  tanong nito.

Muling napailing si Duday.  "W-wala din po Tiyo Mel."

Napabuntong-hininga si Mang Mel. "Mukhang mahihirapan tayo nito Duday. Ayon sa mga pagsusuri na ginawa namin ng Tiyo Gener mo...hindi naman inborn ang pagkakabulag mo. Maaaring nabulag ka lang dahil sa mga komplikasyon noong isilang ka ng iyong ina,"  paliwanag nito.

Napayuko si Duday. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na gumaling pa.  "G-ganun po ba? A-ang ibig sabihin po ba...wala na akong pag-asa na gumaling?"

"Hindi naman Duday. Huwag kang panghihinaan ng loob dahil hangga't may buhay...may pag-asa,"  pagpapalakas sa kaniya ni Mang Mel.

Napatango ang bata.  "Opo. Tatandaan ko po iyan. Maraming salamat po Tiyo Mel."

"Walang anuman. Sige ganito...sa susunod na araw,bumalik ka dito ng maisagawa natin ang operasyon. Pero hindi namin maipapangako na gagaling ka...basta lagi mo lang tatandaan na kahit anong mangyari, huwag kang mawawalan ng pag-asa ha. Laban lang!"

"Opo. Tiyo Mel,"  sagot ni Duday.

Binalingan ni Mang Mel ang kumpare. "Oh paano pare? Ikaw na muna bahala sa klinika. Mukhang wala pa namang pasyente. Ihahatid ko na muna itong si Duday sa bahay. Babalik nalang kami bukas para masimulan na natin ang operasyon."

Napatango si Mang Gener.  "Sige kumpare. Mag-iingat kayo ni Duday."

"Paalam po Tiyo Mel,"  kaway ni Duday.

Kumaway pabalik si Mang Gener.  "Paalam Duday."

----------------------------------------------
"Maayos naman ang kalagayan ni Duday dito kumare. Huwag ka ng mag-alala sa kaniya. Hindi namin siya pababayaan. Alalahanin mo nalang diyan ang pagpapagaling ni kumpare para magkasama-sama na kayong pamilya sa mas lalong madaling panahon,"  kasalukuyang nag-uusap ngayon sa telepono sina Aling Madie at Aling Pam.

"Maraming salamat talaga kumare. Naku! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin kapag wala kayo. Inaalala ko nga din...malapit na pala ang kaarawan ni Duday. Sa susunod na linggo na,"  sagot ni Aling Pam.

"Oo nga. Nasabi niya sa akin noong nakaraan. Plano ko ngang surpresahin siya sa kaarawan niya. Magpapahanda ako saka mag-iimbita ng mga kapit-bahay,"  balita ng ginang sa kumare.

"Nako kumare! Nakakahiya! Huwag na kayong mag-abala ako na ang bahala,"  tanggi ni Aling Pam.

Napailing si Aling Madie.  "Ano ka ba naman kumare. Hindi na kayo iba sa amin. Tsaka sa mga nakalipas na araw ng pannatili ni Duday dito sa amin ay tuluyan na ring napamahal sa amin ang anak mo. Hindi naman mahirap mahalin si Duday dahil bukod sa maganda...ay mapagmahal siyang bata,"  kwento nito sa ina ng bata saka siya napangiti.

"Maraming salamat talaga kumare. Tatanawin namin itong malaking-utang na loob sa inyo,"  maluha-luhang pasasalamat ng ginang.

"Huwag mo ng alalahanin iyon. Basta dapat sa birthday ni Duday eh...gising na si kumapre Ben para masaya tayong lahat!"

"Sana nga kumare...sana nga.Ay oo nga pala...nandiyan ba si Duday? Pwede ko ba siyang makausap?"  tanong ni Aling Pam.

"Wala eh...umalis kasi sila ni Gener kanina. Pumunta silang klinika,"  balita niya sa kumare.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now