Mahirap mang tanggapin pero unti-unting pinipilit ng mag-inang Moncleto na makabangon at magpatuloy matapos ang biglaang pagkawala ng haligi ng kanilang tahanan.
Napilitang maghanap ng trabaho ni Aling Pam. Ngunit nahirapan siya dahil sa kulang siya sa karanasan. Kaya naisipan nalang nilang magtayo ng maliit na tindahan gamit ang perang naipon noon.
Tumutulong naman si Duday sa ina. Kailanman ay hindi niya ito iniwan at hinayaan na mag-isang lumaban. Siya ang nagsisilbing kalakasan ng ina. Dumaan man sila sa matinding pagsubok ay hindi sila nagpadaig bagkus ay mas lalo silang pinatatag nito.
Marami na ring naging kaibigan si Duday sa lugar nila. Naging sikat siya doon palibhasa ay dayo. Pero nananatiling si Dan ang pinaka-close niya sa lahat lalo pa't ito ang nagbibigay ng mga ngiti sa kaniyang mga labi sa oras na siya ay nalulungkot.
Palagi itong nasa tabi niya at madalas din silang naglalaro sapagkat magkatabi lang naman ang kanilang mga bahay. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalimutan ni Duday ang mapait na nangyari sa kanilang buhay.
Unti-unti silang nakabangon sapagkat pumatok ang negosyo ng ina. Hindi man ganoon kalaki ang kita pero sapat naman na ito para matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Sa kanilang paglipat sa syudad ng Silay ay unti-unting umusbong ang pag-asa sa mag-inang Moncleto. Naging masaya sila sa pananatili doon.
Napalingon si Duday sa pintuan ng makarinig ng katok doon. "Duday...anak?" tawag ng ina.
"Inay!"
"Papasok ako ha," paalam nito.
"Opo. Bukas po iyan," sagot niya.
Saka nito pinihit pabukas ang pintuan. "Kamusta ka? Anong ginagawa mo?" saka siya nilapitan ng ina at tinabihan.
"Ayos lang naman po. Nagbabasa po ako Inay," saka ipinakita sa ina ang librong binabasa.
Napangiti ang ina. "Mabuti naman. Para may matutunan ka habang hindi ka pa pumapasok sa skwela," sabi nito.
Napatitig si Duday sa ina."Inay?Maaari na po ba akong mag-aral?" tanong niya.
"Gusto mo ba?"
Sunod-sunod siyang napatango. "Opo!Gustong-gusto ko po!" bibo niyang sagot.
"Oh sige. Sa susunod na taon ay papasok ka na," balita ng ina.
"Yeheeey! Maraming salamat po inay!" saka nito niyakap ang ina sa labis na tuwa.
"Walang anuman anak. Kung saan ka masaya, susuportahan kita," tugon ng ina.
"Sayang po noh? Wala si tatay. Kung nandito lang siguro siya...tiyak magugustuhan niya po ito."
"Kung nasaan man ang itay mo ngayon...alam kong binabantayan niya tayo anak."
"Sana masaya po siya kung nasan man siya ngayon."
Napatango ang ina. "Oo naman. Lalo pa at mag-aaral ka na. Nakooo dalaga na ang anak ko."
"Inay naman eh," reklamo ni Duday.
"Duday...basta bawal muna magpaligaw ha. Bata ka pa. Unahin mo munang abutin ang mga pangarap mo saka na ang pagpapaligaw," sermon nito sa anak.
"Nanay naman! Wala pa naman iyan sa isip ko!" tanggi ni Duday.
Natawa naman ang ina sa reaksiyon ng anak. "Haha. Maganda ka anak kaya paniguradong marami ang makakapansin sayo."
"Wala naman po akong plano na magpaligaw, inay. Uunahin ko muna ang pag-aaral," sagot nito.
"Mabuti naman at panatag ang loob ko."

YOU ARE READING
DABU-DABU: WISIK [Completed]
Novela Juvenil"Sa kada pagbuhos sang ulan...ini ang may kaupod nga mga dagu-ob kag kilat. Apang bisan ano man ini kadamol kag kabaskog...maga-abot ang ti-on nga ini maga hulaw. Bangud sa kada kadulom nga dala sini...sa ulihi...naga butlak ang kasanag." ...