-TRESE-

0 0 0
                                    

Pagkarating nila ni Aling Pam sa bahay ay agad nilang inimpake ang kanikang mga gamit.  "Iuuwi namin sa Silay ang bangkay ni Ben mare. Doon namin siyang plano na iburol. Hindi ko pa kayang bumalik sa bahay namin. Maaalala ko lang ang mga masasaya naming pinagsamahan dito,"  wika nito.

Niyakap siya ni Aling Madie.  "Nakikiramay kami sa inyo ni Duday kumare. Kung anuman ang magiging desisyon niyo...susuportahan namin kayo. Sabihin niyo lang kung ano ang maitutulong namin,"  sabi nito.

Niyakap niya rin ito pabalik.  "Maraming Salamat sa lahat kumare. Lalong-lalo na sa pag-aalaga kay Duday noong mga panahong wala kami sa tabi niya."

Napailing ang ginang.  "Walang anuman mare. Napamahal na rin si Duday sa amin. Itinuring na rin siya naming sarili naming pamilya."

"Mukhang matatagalan pa bago kami muling makabalik dito. O kung ano man...baka doon na kami mamamalagi. Mas malulungkot lang kami kapag nandito kami ni Duday. Lalo pa at puno ng mga masasayang ala-ala ang bahay na ito,"  saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay.

"Mami-miss kayo namin mare. Lagi kayong mag-iingat doon ha. Huwag kayong mag-alala...bibisita kami doon kapag nagka-oras kami,"  bilin ng ginang.

Tumango si Aling Pam. "Oo mare. Mukhang magiging abala kami sa burol ni Ben. Kaya pasensya na kapag hindi kami makatawag ng madalas dito."

"Okay lang kumare naiintindihan ko."

Tumayo na siya saka binitbit ang mga na-impakeng gamit.  "Oh sige...paano mare? Tutuloy na kami ni Duday."

Tumango si Aling Madie saka tinulungan si Aling Pam sa pagdadala ng mga gamit.  "Mag-iingat kayo kumare."

"Duday...halika na anak,"  aya ng ina niya.

Naluluhang napalingon si Duday sa ina. "Inay..."

Dali-daling nilapitan ng ina ang anak sakay mahigpit na niyakap.  "Duday?"

Niyakap niya rin ang ina pabalik.  "Tita Mads! Tita...mami-miss po kita ng sobra,"  saka siya tumakbo papalapit sa tiya at niyakap ito.

Naiyak naman si Aling Madie dahil sa huling pamama-alam ni Duday.  "G-ganun din ako Duday. Mag-iingat kayo ha. Magpakabait ka dun. Tsaka maghanap ka din ng mga bagong kaibigan. Siguradong pagkakaguluhan ka ng mga bata doon. Makipagkaibigan ka...bagay na hindi naibigay sayo ni Baste dito,"  bilin niya sa bata.

Napalingon si Duday sa bintana ng silid ni Baste.  "O-opo,Tita Mads,"  nakita niya itong nakasilip doon pero agad ding isinara ng mapansing nakatingin siya doon.

"Paalaaam!"  huling kaway ni Aling Madie sa kanilang palalayong sasakyan.

At tuluyan na niyang nilisan ang Murcia kasabay ng paglimot sa mga madilim at masasakit na ala-alang nabuo doon. Kasabay ng pagluha ni Duday ay ang pagbuhos ng malakas na ulan na sumasabay sa kalungkutang...kaniyang nadarama.




----------------------------------------------
Malayo ang naging biyahe nina  Duday. Halos umabot din ito ng tatlong oras bago nila narating ang bahay ng kaniyang lola sa Silay. Dito plano ng ina na iburol ang kaniyang ama.

Alam niyang nahihirapan din itong tanggapin ang biglaang pagkawala ng asawa. Maging siya ay hindi inaasahan na darating ang araw na maiiwan silang mag-ina. Parang kailan lang...ang saya-saya pa nila.

Pero sabi nga nila. Minsan...ang labis na kasiyahan ay agad napapalitan ng kalungkutan. Masakit bumawi ang tadhana. Madaya din sapagkat hindi man lang nagbibigay ng pagkakataon na makapag-handa. Bigla-bigla nalang itong sasalakay sa mga oras na hindi mo inaaasahan.

Nakita niyang nandoon na sa loob ang kabaong ng kaniyang ama. Hindi pa man siya nakakapasok ay muli na naman siyang naluha. Malakas ang buhos ng ulan kaya dali-dali siyang tumakbo papasok ng bahay.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now