-DISI NWEBE-

1 0 0
                                    

Patakbong umalis doon si Duday. Sunod-sunod niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak at nasasaktan. Sumisikip ang puso niya na parang hindi siya maka-hinga. Patuloy siya sa paglalakad ng may mabangga siya na kung sino. Napa-angat siya ng tingin.

"Duday..."  nag-aalalang sambit nito.

Maluha-luha niyang tinitigan ang kaibigan.  "Dan.."  saka ito yumakap sa kaibigan.

Nag-aalalang hinagod ng kaibigan ang likod niya.  "Bakit ka umiiyak? Sinong umaway sayo?"

"Dan..."  nasasaktan niyang sambit habang humihikbi.

Iniharap niya ang kaibigan.  "Duday?Sumagot ka! Sinong may gawa sayo nito?"  galit niyang tanong. Kailanman ay hindi niya hahayaan ang sinuman na saktan si Duday.

Umiling ito.  "W-wala."

"Anong wala?"

"Walang umaway sakin,"  tanggi nito.

"Eh bakit ka umiiyak?"

"Wala. Napuwing lang,"  pagsisinungaling nito.

Napatango-tango siya.  "Ah...so nag-iinarte ka lang? Asuuus! Para-paraan ka din para mayakap ako!"  tudyo niya sa kaibigan.

Hinampas naman siya ni Duday sa brask.  "Hindi ah! Kapal mo!"

Napangisi siya ng mapang-asar.  "Duday...pwede mo naman akong yakapin anytime. Hindi mo na kailangang mag-inarte na umiiyak."

"Argh! Baliw ka talaga!"  saka siya nito hinampas ulit.

"Ayokong nakikita kang umiiyak. Iyang luha mo parang diyamante yan...mahalaga kaya ayokong nasasayang iyan sa mga walang kwentang bagay,"  seryoso niyang wika sa kaibigan.

"Psh. Kung ganun...bakit hindi nalang natin 'to ibenta? Para yumaman na tayo?"

"Sige. Iyak ka na pala. Kailangan ko ngayon ng pera eh. Ipagbili natin iyan kaya sige na. Iyak na."

"Tarantado ka talaga kahit kailan!"  saka siya nito binatukan.

"Excuse me? Pwede huwag kayong haharang-harang sa daan? Dito pa talaga kayo nagharutan,"  napalingon silang dalawa sa nagsalita sa likuran. Nakita nilang nandun si Psyche at nakasunod naman dito si Baste.

Napapahiyang napayuko si Duday.  "P-pasensya na,"  saka ito tumabi at hinila ang kaibigan pero hindi ito nagpahila sa halip ay hinarap nito si Psyche at dinuro.

"Hoy! Maldita! Pwede mo namang sabihin ng maayos ah!"  bwelta ni Dan kay Psyche.

Agad namang namula sa galit ang bata.  "Omg! Hoy ka din Panget! How dare you to shout at me!? Baka hindi mo 'ko nakikilala?"

"Pakialam ko naman sayo? Maganda ka nga...panget naman ng ugali mo!"  ganting sigaw ni Dan.

"Dan..."  awat ni Duday sabay hila sa kamay ng kaibigan.

"Aba!Ibang klase ka din ah! Baka gusto mong makaladkad palabas!?"  sigaw ni Psyche.

"Psyche...awat na,"  pang-aawat ni Baste.

"Hindi na kailangan! Dahil aalis na rin naman kami! Porket mayaman lang kayo kala niyo kung sino na kayo kung umasta! Eto ang tatandaan mo! Hindi sa lahat ng oras nasa itaas ka! Kapag ikaw nalugmok...tatawanan talaga kita!"

"I don't care! Mayaman kami! And magiging mayaman kami forever kaya alis!"

"Hoy Maldita! Walang forever!"  bwelta ni Dan.

"Meron!"   pilit ni Psyche.

"Wow! Saan? Bibili din ako niyan."

"Hindi mo na kailangang malaman dahil hindi mo naman afford iyon!."

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now