-LIMA-

1 0 0
                                        

Alas-sais pa lang ng umaga ay nagsimula ng maghanda si Aling Pam. Ngayon ang ika-pitong kaarawan ni Baste. Nais niya itong sorpresahin sa paggising nito. Walang ideya si Baste na may handaan ngayon dahil hindi naman siya kinausap ng mga magulang nitong mga nakalipas na araw.

Nag-imbita din si Aling Madie ng palihim sa kanilang mga kapit-bahay. Kahit papaano ay isa na rin ito sa mga paraan para makipag-kilala sa mga pamilyang kasama nila sa bagong lugar na nilipatan nila.

Napagdesiyunan niyang magluto ng mga paboritong pagkain ni Baste. Katulad ng...spaghetti,buko salad,Pansit,Chiken Curry,Adobo,Cookies,Cupcakes at syempre Cake.

Hindi naman siya nahirapan sa paghahanda at pagluluto dahil marami namang ang nag-boluntaryong tumulong. Lalo na ang mga kamure na kapit-bahay niya.

Masaya naman si Aling Madie at nagsabing babayaran nalang niya ang mga ito mamaya pero tumaggi sila. Madalas na nagbabayanihan ang mga tao sa kanilang lugar kapag may mga nangangailangan ng tulong. Napangiti si Aling Madie sa sarili sapagkat hindi sila nagkamali ng lugar na nilipatan.



----------------------------------------------
"Anak? Gising,"  niyugyog ni Aling Pam ang balikat ni Duday.

Dahan-dahan namang iminulat ni Duday ang mga mata saka bumangon at kinusot-kusot ang mga uto.  "Hm? Inay!"

"Haha. Mayung aga langga!"
("Magandang umaga mahal")  bati sa kaniya ng ina saka siya niyakap at hinalikan sa noo.

"Mayung aga man nay!"
("Magandang umaga din po inay!")  niyakap niya pabalik ang ina.

"Napasarap 'ata ang tulog mo ah."

"Oo nga po eh. Ang lamig kasi. Ang sarap matulog!"  napapangiti na sabi ni Duday.

Natawa ang ina.  "Haha. Muntik na nga rin akong hindi makapag-handa ng almusal kanina eh."

"Naka-alis na po ba si Itay?"  tanong ni Duday sa ina.

"Oo. Kanina pa iyon umalis. Halikana...bumangon ka na diyan at mag-ayos. May pupuntahan tayo."  masiglang balita ng ina.

Lumiwanag naman ang mukha ni Duday.  "Talaga po inay?! Saan po!?"  sabik niyang tanong.

"Sa kabilang bahay lang anak. Alam mo ba ang bahay diyan sa tapat natin?"  tanong ng ina.

"Opo. Alam ko po."

"Umalis na kasi diyan ang may-ari kaya may pamilya na bagong lipat diyan. Kaarawan ng anak nilang lalaki ngayon kaya inaya niya ako kahapon,"  kwento ng ina.

"Wow. Talaga po inay?"

"Oo anak. Kaya sige na. Maligo ka na para maayusan na kita."

"Opo inay!"

Saka siya dali-daling bumangon.Inayos niya muna ang higaan tulad ng nakagawian saka sinuklay ang buhok. Inalalayan siya ng ina pababa ng hagdan. Muntik pa siyang matapilok dahil sa pagmamadali. Natawa nalang ang ina dahil labis-labis ang kasabikan ng anak.

Matagal-tagal na rin kasi ng huling nakapunta si Duday sa mga ganoon kaya siguro ganun naka ka-excited ang bata. Matapos mapaliguan ay tinulungan niya itong mabihis. Ipinasuot niya kay Duday ang paborito nitong bestida saka sandal. Kaya nagmukha itong anghel.

Sinuklay din niya ang mahaba at kulot nitong buhok na lalong nag-paganda sa anak. Saka sila bumaba at kinuha ang regalong binili niya kahapon sa tindahan at lumabas na sila.

Mabuti na lamang at may natira pa siyang pera na sakto lang din sa presyo ng laruan na ito. Nakakahiya naman kasing dumalo na walang dala kaya bumili nalang siya.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now