"Matulog ka ng maaga Duday. Para maihanda mo ang sarili mo bukas sa iyong kaarawan," nasa kwarto ngayon ni Duday si Aling Madie habang sinusuklay ang buhok nito sa harap ng salamin.
Tumango si Duday. "Opo Tita Mads. Pero okay lang naman po sa akin kahit na wala ng handa. Huwag na po kayong mag-abala."
Napabuntong-hininga ang ginang. "Nakakalungkot nga Duday kasi baka hindi talaga tayo makapag-handa bukas. Wala pa kasing sweldo ang Tiyo Gener mo kaya wala taong panggastos," paliwanag nito.
"Naku po! Tita huwag niyo na pong problemahin iyan! Ayos na po sa akin itong regalo niyo na pagtulong sa akin para makakita na po ako. Labis-labis na po ito lalo pa at dito rin ako nakikituloy sa inyo," sunod-sunod na sabi ni Duday.
"Ano ka ba naman Duday. Huwag mong bilangin ang mga bagay na itinutulong namin sa iyo. Lagi mong tatandaan...mahal ka namin. Kaya kaya kapag nangailangan ka ng kahit na ano ay tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya."
"Maraming salamat po talaga Tita Mads. Nang dahil sa inyo hindi po nahihirapan si inay na alagaan kami ni itay."
"Walang anuman Duday. Hayaan mo bukas...bibisitahin natin ang itay mo," sabi ng ginang.
Nalungkot si Duday. "Sana nga po magising na siya. Halos isang buwan na rin po siyang nakaratay. Ang sabi ng doktor dati ginagawa naman nila ang lahat pero bakit po hindi pa rin gumagaling si itay?"
"Maghintay nalang tayo Duday...malay mo sa pagdalaw mo sa kaniya bukas ay tuluyan na siyang magigising," sabi ni Aling Madie sabay ngiti kay Duday.
----------------------------------------------
"Ssh. Huwag kayong maingay. Baka magising si Duday," pinatatahimik ni Aling Madie ang mga kapit-bahay nila na tumutulong ngayon para makapag-handa sila ng sorpresa kay Duday. Hindi pa nagigising si Duday kaya dapat nilang bilisa lalo pa at maaga itong nagigising.Napatahimik naman ang mga babae. "Pasensya na kumare."
"Ayos lang. Basta hinaan niyo lang ang boses niyo. Malakas pa naman ang pandama ng batang iyon. Baka mamaya mapurnada pa ang surprise natin," saka nila binilisan ang pagluluto at paghahanda. Kailangang sa paggising ni Duday ay nakahanda na ang lahat.
----------------------------------------------
Paggising ni Duday ay nagtaka siya kung bakit parang may nagbubulungan sa labas. Dali-dali niyang inayos ang higaan saka sinuklay ang buhok.Kinuha niya rin sa drawer ang pulang bestida na regalo sa kaniya noon ng mga magulang saka sinuot ito. Pinaresan niya ito ng puting sapatos. Nilagyan niya rin ng ipit ang kaniyang buhok. Ang ipit na bigay sa kaniya ni Tita Madie niya.
Ng makitang presentable na ang itsura niya sa harap ng salamin ay pinihit na niya pabukas ang pintuan. Kahit pa na wala siyang handa ay nais niyang maging maganda sa kaniyang kaarawan.
"Surprise!"
"Happy Birthday Duday!" lumaki ang mata ni Duday sa pagkabigla saka siya napanganga sa gulat. Nakita niya na maraming tao ngayon ang nasa loob ng bahay. Marami ring nakahandang pagkain sa hapag at may malaking cake sa gitna. Meron ding mga disenyong lobo sa paligid ng bahay."T-tita Mads..." maluha-luha niyang sambit. Hindi niya ito inaasahan.
Agad siyang nilapitan ng tiya. "Oh?Huwag kang umiyak Duday. Birthday mo ngayon kaya dapat masaya ka!" saka nito pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi.
Napangiti siya. "M-masaya naman po ako Tita Mads."
Kumunot ang noo ng tiya. "Eh bakit ka umiiyak?"
"Masaya lang po ako. Hindi ko po inasahan na sosorpresahin niyo ako ng ganito. Ang sabi niyo kasi kagabi wala kayong panggastos," sagot niya.
Natawa ang ginang. "Haha. Biro lang iyon Duday. Pwede ba naman na hindi ka namin mahandaan? Syempre sinabi ko lang iyon para maging mas makatotohanan ang drama ko."
YOU ARE READING
DABU-DABU: WISIK [Completed]
Teen Fiction"Sa kada pagbuhos sang ulan...ini ang may kaupod nga mga dagu-ob kag kilat. Apang bisan ano man ini kadamol kag kabaskog...maga-abot ang ti-on nga ini maga hulaw. Bangud sa kada kadulom nga dala sini...sa ulihi...naga butlak ang kasanag." ...