-PITO-

3 0 0
                                        

"Pasensya na talaga Duday...kung pwede lang sana kitang isama hindi na kita iiwan doon,"  si Aling Pam habang abala sa pagsasaayos ng mga gamit na dadalhin pati na rin ng mga gamit ni Duday.

"Ayos lang po ako inay. Huwag niyo na po akong alalahanin. Mas mahalaga po na maalagaan niyo si itay sa ngayon,"  sagot ni Duday habang nagbibihis.

"Pasensya na anak. Huwag mang mag-alala at isasama kita bukas para makausap mo ang itay mo sakaling magising siya,"  sabi ng ina.

"Opo inay. Aasahan ko po iyan,"  sagot ni Duday.

"Oh paano? Ayos na ba itong mga gamit mo? Wala ka ng idadagdag na dadalhin?"  chineck niya ulit dahil baka may nakalimutan siyang isama.

"Kayo po ang nag-ayos niyan inay kaya alam ko pong kumpleto na yan,"  sabi ni Duday.

"Oh sige. Halika na. Ihahatid na kita doon para maka-alis na rin agad ako,"  aya ng ina saka siya inalalayan nito pababa ng hagdan.

Agad naman siyang nagpa-akay sa ina. "Opo." 

Pansamantala munang iiwan ni Aling Pam si Duday sa pamilya Roldez na naninirahan katapat ng kanilang bahay dahil doon siya matutulog sa ospital. Matapos malaman kagabi ang nangyari sa asawa ay napaiyak sila ni Duday sa panghihina. Natakot sila sa maaaring nangyari pero nanalangin sila na sana ay gabayan ang asawa para mabilis itong gumaling.

Ang balita sa kanila kaninang umaga ay hindi pa rin ito nagigising. Napuruhan ang binti ni Mang Ben ng mabangga ito ng trak. Mabuti na lamang at pauwi na siya ng mga oras na iyon kaya walang pasahero ang nasaktan. Parehong namumugto pa ang mga mata ng mag-ina dahil sa pag-iyak kagabi.

Nang marating ang bahay ng pamilya Roldez ay agad na tumawag si Aling Pam. Lumabas naman si Aling Madie.Alam na ni Aling Madie na sa kanila na muna mananatili at matutulog si Duday dahil sa kailangan niyang bantayan si Mang Ben sa ospital.

"Mayung aga, kumare."
("Magandang araw, kumare")  bati ni Aling Pam kay Aling Madie.

"Mayung aga man kumare, Duday."
(Magandang araw din kumare, Duday.") bati pabalik ni Aling Madie.

Bumati din si Duday. "Mayung aga man..."  hindi alam ni Duday kung ano ang itatawag.

"Tita Mads...Tita Mads nalang ang itawag mo sa akin Duday,"  sagot nito.

"Magandang umaga po Tita Mads,"  bati ni Duday.

Pinisil naman ni Aling Madie ang matambok na pisngi ni Duday.   "Ang bait mo talagang bata."

Ngumiti siya ng malapad.  "Salamat po."

"Walang anuman. Oh paano? Pam? Ako na ang bahala dito kay Duday pwede ka ng magtungo sa ospital,"  sabi niya sabay hawak sa kamay ni Duday.

"Salamat talaga kumare. Pasensya na sa abala,"  napayuko naman si Aling Pam.

Napailing si Aling Madie.  "Naku! Ano ba naman kayo? Wala iyon...sino-sino pa ba ang magtutulungan...ede tayo rin."

"Salamat. Duday...maiwan na muna kita dito ha. Magpakabait ka tsaka sumunod sa mga ipinag-uutos ng Tita Mads mo. Huwag pasawas...maliwanag?"  bilin ng ina sabay yakap kay Duday ng mahigpit.

Niyakap niya pabalik ang ina.  "Opo Inay. Mag-iingat po kayo. Mahal ko po kayo."

"Mahal din kita Duday. Alis na ako ha,"  tsaka nito ginulo ang kaniyang buhok.

"Paalam po,"  kaway ni Duday sa ina.

"Lika na Duday...pasok na tayo sa loob,"  saka siya hinila papasok ni Aling Madie.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now