Maagang nagising si Duday at bumangon upang makatulong sa kaniyang ina. Nakasanayan na niyang gumising ng maaga sapagkat ito ang madalas niyang ginagawa. Maagang umaalis ang kaniyang itay kung kaya't hindi na niya ito naaabutan pa.
Pagkatapos bumangon ay agad niyang liligpitin ang kaniyang higaan. Matapos magligpit ay magsusuklay siya ng kaniyang buhok at agad na kukunin ang kaniyang tungkod na siyang gagabay sa kaniya pababa ng kanilang bahay.
Hindi naman kataasan ang kanilang hagdan sapagkat mayroon lamang itong limang baitang. Sila ay hindi naman mayaman subalit hindi din mahirap. Nasa kalagitnaan lamang. Bilang isang jeepney driver ay sapat lang ang sahod ng kaniyang itay upang ipambili nila ng mga pangangailangan sa bahay at ipambayad sa kanilang kuryente.
Walang trabaho ang kaniyang inay sapagkat hindi siya nito maiwang mag-isa sa bahay. Nalulungkot nga siya dahil pakiramdam niya ay nagiging pabigat siya sa dalahin ng mga magulang.
Ngunit palaging ipina-iintindi sa kaniya ng kaniyang inay at itay na kailanman ay hindi siya naging pabigat sa halip...siya ay isang biyaya na ibinigay sa kanila ng Diyos.
Kahit na ganoon ang kalagayan ni Duday...kahit na siya ay may kapansanan ay hindi naman iyon naging hadlang upang maipakita niya sa mga magulang kung gaano siya nagpapasalamat sa kanila.
Hindi pa nag-aaral si Duday. Maaaring sa susunod na taon ay maaari na siyang pumasok sa paaralan. Ngunit iyon ang ikinababahala ng mga magulang ni Duday. Sapagkat hindi lahat ng tao ay naiintindihan ang kalagayan niya.
Maaaring maging tampulan siya ng tukso sa iskol. Lalo pa at mga bata ang makakasama niya doon. Kaya pinag-iisipan munang mabuti ng mag-asawa ang kanilang magiging desisyon sapagkat kaligtasan ng anak nila ang nakasasalay.
Agad inalalayan si Duday ng kaniyang ina ng makita siya nitong pababa ng hagdan. "Oh anak. Gising ka na pala. Pinuntahan kita kanina sa iyong silid pero nakita kong mahimbing pa ang iyong tulog kung kaya't hindi na muna kita ginising."
Bumati rin pabalik si Duday. "Magandang umaga po Inay! Ayos lang po. Maaga naman po akong nagising eh."
"Oo nga. Sandali umupo ka muna babalikan ko lang ang niluluto ko," saka siya inalalayan ng ina paupo.
"Opo. Inay? Nakaalis na po ba si Itay?" tanong niya sa ina.
"Oo anak. Ka-aalis lang din niya pagkagising mo. Sayang nga at hindi mo siya naabutan," sagot ng ina.
"Ayos lang po. Madalas ko naman po siyang hindi naaabutan pagka-gising ko."
"Oo nga. Ang aga niya kasing umaalis eh."
"Inay? Nagdala po ba siya ng payong at kapote?Mukhang uulan po mamaya," nag-aalala si Duday sa ama dahil baka bumuhos ang malakas na ulan at wala itong pananggang dala.
"Oo anak...pinadalhan ko siya.Mukhang uulan nga mamaya. Pero maaraw pa naman ang panahon ngayon. Baka sa hapon o sa gabi pa uulan," sagot ng ina.
Naamoy ni Duday ang mabangong niluluto ng ina. "Ano po ang niluluto niyo inay?"
"Syempre ang paborito mo anak!" masiglang sabi ng ina.
Agad namang lumiwanag ang mukha ni Duday. "Champoradoooo!" sigaw niya.
Natawa ang ina. "HAHA. Alam na alam mo talaga ah."
"Syempre paborito ko po ang luto niyo na yan inay," sagot ni Duday.
Sumandok si Aling Pam saka inilagay sa bowl. "Tamang-tama. Malamig...heto kainin mo ito para mainitan ang iyong katawan. Hipan ko muna kasi mainit pa," saka niya inilagay sa harapan ni Duday at sibuan ang anak.

YOU ARE READING
DABU-DABU: WISIK [Completed]
Jugendliteratur"Sa kada pagbuhos sang ulan...ini ang may kaupod nga mga dagu-ob kag kilat. Apang bisan ano man ini kadamol kag kabaskog...maga-abot ang ti-on nga ini maga hulaw. Bangud sa kada kadulom nga dala sini...sa ulihi...naga butlak ang kasanag." ...