-APAT-

6 0 0
                                        

Pumasok ng bahay na maluha-luha si Duday. Nasaktan siya sa mga sinabi ng bata. Agad siyang nagtungo sa likod ng kanilang bahay dahil nandoon naglalaba ang kaniyang ina. Pumunta siya sa kinaroroonan ng ina saka ito niyakap ng mahigpit.

Nagulat naman ang ina sa biglaang pagyakap ng anak. Pinahid niya muna ang mga bula sa kaniyang kamay saka niyakap pabalik ang anak.

"Oh anak? Anong nangyari? Bakit ka malungkot?"  nag-aalalang tanong ni Aling Pam sa anak.

Mas hinigpitan ni Duday ang yakap sa ina.  "Inay. Totoo po ba na panget ang ugali ko?" 

Kumalas siya sa yakap ng anak at hinarap ito saka hinawakan sa pisngi. "Ha? Ano ba namang klaseng tanong iyan anak? Syempre hindi! Sino ba ang nagsabi niyan sayo?"

"Pero totoo rin po ba na panget ako?"  taong ulit ni Duday.

Napailing ang ina.  "Anak naman. Hindi iyan totoo. Maganda ka. Hindi lang sa panlabas kundi maging sa iyong kalooban."

"I-inay? B-bakit p-po b-ba k-kasi a-ako g-ganito?"  naluluhang tanong ni Duday.

"Duday..."  nasasaktang sambit ng ina.

"Inay...bakit po ako pinanganak na bulag?"  nasasaktan niyang sambit.

"Patawad anak. P-patawad,"  saka muli siyang mahigpit na niyakap ng ina.

Agad namang pinunasan ni Duday ang luha sa kaniyang pisngi.  "Paumanhin Inay. Hindi ko po kayo sinisisi. Nalulungkot lang po ako dahil isa ako sa mga pinagkaitang makita ang makulay na mundo"

"Anak..."

Hinarap ni Duday ang ina.  "Ano po ba ang pakiramdam ng nakakakita inay?Masarap po ba sa pakiramdam? S-sana...nakikita ko din ang mga bagay na nakikita ninyo inay."

"Duday..."  nasasaktan si Aling Pam at naaawa sa kalagayan ng anak.

"Kalimutan niyo na po iyon inay. Pasensya na po. Sige po...sa labas nalang muna ako,"  paalam niya saka dali-daling tumayo ay tumalikod na sa ina.

"Duday!"  tawag ng ina.

Lumingon siya.  "Po?"

"M-mag-iingat ka anak."

"Opo."

Saka siya umalis sa likod ng bahay at nagtungo sa hardin. Gusto niyang manatili doon dahil nakakagaan ng pakiramdam ang mga halimuyak ng mga bulaklak na amoy na amoy sa paligid.

Nandoon din ang kaniyang aso na si Baste. May kalaro at kasama siya kapag nandun siya. Napapanatag din ang kaniyang kalooban sapagkat sariwa ang hangin.

"HAHA! Habulin niyo ko mga lampa!"

"Ang daya mo Nonoy!"

"Oo nga! Ang bilis mong tumakbo!Ang hirap mong mahuli!"

"Mga talunan kasi kayo kaya ganyan!"

Mula sa kanilang hardin ay dinig na dinig ni Duday ang sigawan at kasiyahan ng mga batang naglalaro sa labas. Napabuntong-hininga siya.

Unti-unti na namang bumuo ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata. Gustuhin man niyang umapela ay wala siyang magagawa. Hindi siya nakakakita. Kaya siya nasasaktan.

Minsan ay naiisip niya...bakit siya pinanganak na ganun? Ang malas naman niya dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo siya pa talaga. Paano kaya kung hindi siya bulag? Ano ang magiging pakiramdam ng makaka-kita ng mga nangyayari sa mundo?

Agad niyang pinunasan ang luhang umagos sa kaniyang pisngi. Hindi. Hindi siya maaaring makita ng kaniyang ina o ng sinuman na pinanghihinaan siya ng loob. Ayaw niyang sisihin ng mga magulang niya ang sarili nila sa kapansanang taglay niya.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now