-DISI SYETE-

0 0 0
                                        

Araw ng Linggo. Maagang nagising si Duday dahil sa tinutulungan niya ang ina sa pagbubukas ng kanilang tindahan. Kailangang maaga silang magbukas dahil sa marami ang bumibili ng mga kape, gatas, tinapay at kung ano-ano pa para sa agahan.

Mula ng magsimula sila sa ganitong negosyo ay nagkaroon sila ng konting ipon. Bakal iyong gamitin ng ina ni Duday para sa pag-aaral ni Duday sa nalalapit na pasukan. Malapit na kasing matapos ang summer kaya naghahanda na rin sila habang maaga.

Pagkatapos na maiayos ang higaan at makapag-suklay ay lumabas na si Duday ng kaniyang silid at tumungo sa tindahan upang tulungan ang ina. Pagkatapos nilang mabuksan ito ay pumasok na ulit sila sa bahay para makapag-almusal na.

Nagluto ang kaniyang ina ng paborito niyang itlog at hotdog. Tsaka tinimplahana din siya nito ng gatas. Tahimik silang kumain ng agahan at ninanamnam ang sarap ng luto ni Aling Pam.

Napalingon sina Duday at Aling Pam sa kapapasok lang na si Aling Nene.

"Kumare...maayung aga!"
("Kumare...magandang umaga!")  bati nito.

"Mayung aga man kumare...pamahaw."
("Magandang umaga din kumare...kain tayo.")  bati pabalik ni Aling Pam saka inaya si Aling Nene ng almusal.

"Mayung aga Tita Nene! Pamahaw ta Ta!"
("Magandang umaga din po Tita Nene!Kain po tayo!")  masiglang bati ni Duday sa tiya habang nakangiti.

"Mayung aga man Duday."
("Magandang umaga din sayo Duday.")

"Salamat...tapos na ko."
("Salamat pero tapos na ako.")

"Oh? Naka-kadto ka man?"
(Oh?Nakabisita ka?")

"Plano ko kamo tani nga imbitaron sa birthday ni Madam Faurea karon sa gab-e. Gin pili ko nila ng manug-luto amo na nga imbitado kami ni Dan. Basi gusto niyo mag-upod ni Duday kumare?"
(Gusto ko sana kayong imbitahin sa birthday ni Madam Faurea mamayang gabi. Napili ako bilang tagaluto kaya imbitado kami ni Dan. Baka gusto niyong sumama?")  aya nito sa mag-ina.

"Ay pwede gid kumare! Tutal ma kadto na man lang gid kami...mabulig nalang ko sa pagluto ah."
("Pwedeng pwede kumare! Tutal naman pupunta na lang din naman kami...tutulong na rin ako sa pagluluto.")

"Ayy salamat kumare."

Napabaling si Duday sa Tiya.  "Tita? Sino po si Madam Faurea?"  tanong niya rito.

"Siya ang may-ari nitong hacienda na tinitirhan natin Duday,"  sagot nito.

"Ganun po ba? Ibig sabihin...mayaman po sila?"  usisa niya.

"Oo Duday. Bukod sa may-ari ng mga hacienda...nagmamay-ari din siya ng mga malalaking negosyo. Si Madam Faurea ang kinikilalang pinakamayaman dito sa syudad ng Silay dahil na rin sa lawak ng impluwensiya nito. Mayroon siyang dalawang anak. Isang lalaki at isang babae. Ang pangalan ng panganay niyang lalaki ay si Sir Paul. May isang anak na babae si Sir Paul...Psyche ang pangalan. Sampung taong gulang din gaya ninyo ni Dan. Samantalang si Maam Lier naman ang bunsong anak ni Madam Faurea,"  kwento ng Tiya.

"Wow. Talaga po? Eh paano po si Mam Lier? May anak na din po ba siya?"

Napaisip ang ginang.  "Hmm...sa pagkaka-alam ko wala. Nagkaroon siya dati ng boyfriend noong nasa college pa lang siya. Kaso hindi ko alam ang pangalan...nakita ko lang ang itsura. Mukhang hindi naman sila nagkatuluyan dahil sa bigla-bigla nalang itong nawala dito sa hacienda,"  salaysay nito.

"Sayang naman po. Siguro kung may anak siya ka-edad ko lang din po iyon, ano?"

Napatango ang ginang.  "Oo. Tama ka. Oh sige...paano? Mamaya ha.Alas kuwatro tayo aalis. Para mas maaga nating maihanda ang mga pagkain para sa hapunan."

"Sige kumare. Kitakits."

"Sige. Una nako,"  paalam nito.

"Ingat po Tita Nene!"  kaway ni Duday sa Tiya.




----------------------------------------------
Tulad nga ng napag-usapan ay sinundo sina Duday at Aling Pam nina Aling Nene at Dan ng mga bandang alas kuwatro papunta sa mansion ng mga Arevalo. Binilinan sina Dan at Duday na magpakabait doon at huwag maging makulit lalo pa at puro mamahalin ang mga gamit baka makabasag pa sila.

Sumunod naman sila sa utos ng mga magulang at sinabing maglalaro nalang sila sa labas para hindi na maka-abala.

Pagkarating sa mansion ay namangha sina Dan at Duday sa nakitang tanawin. Napanganga sila. Sobrang lawak ng lupang nasasakupan ng mansion ng mga Arevalo. Matataas din ang gate at bakod.

Pinapasok sila ng guard na nagbabantay pagkakita sa kanila. Muling namangha sina Duday at Dan dahil sa magandang hardin ang bumungad sa kanila. Maraming tanim na iba't-ibang halaman at bulaklak doon. Halatang inaaalagaan talaga ng mabuti.

Sa dulong bahagi ng hardin sa may pader banda ay may malawak na space na pwedeng tambayan dahil may duyan at may mga upuan meron ding maliit na shed. Naglakad sila sa malawak na bakuran ng mansion. Kitang-kita din ang malawak na garahe na may naka-paradang limang sasakyan na iba't-iba ang klase.

Sinalubong sila ng mayordoma pagkapasok nila sa mansion.Nakangiti sila nitong binati. Natuwa si Duday dahil sa halos lahat ng mga tao dito ay mababait. Ngumiti din sila at bumati pabalik.Inilibot niya ang paningin sa kabuuuan ng mansion. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na nasa loob ng palasyo dahil sa karangyaan na nakikita niya ngayon.

Maraming mga muwebles na mamahalin at mga chandilier na nag-gagandahan. Pati na rin ang grand staircase na sa mga pelikula lang niya nakikita. Sobrang lawak ng mansion.Nalulula siya sa mga bagay na nasa harapan niya ngayon.

Natauhan lang siya ng kinalabit siya ng ina saka binilinan na sa labas nalang maghintay dahil magsisimula na silang magluto. Napatango si Duday sa ina saka lumabas na at sumunod kay Dan na nakalaba na pala. Hindi man lang siya nito inaya.

Medyo matagal ding naghintay sina Duday at Baste bago mapansing nagsisi-datingan na ang mga bisita na dadalo sa handaan ngayong gabi. Napa-nganga nalang sa mangha si Duday sa iba't-ibang klase ng sasakyang nagsisidatingan. Hindi nga maipagkakailang maimpluwensiyang pamilya ang mga Arevalo dahil na rin sa yaman na taglay ng mga ito.

Madalas na magpapamilya ang bisitang dumarating. May mga bata rin na kaedad nila ni Dan. Magagarbo ang mga bestida at mga polo na suot ng mga ito. Halatang hindi basta-bastang tao si Madam Faurea.

Kapag nababaling ang tingin sa kanila ng mga bata ay tinatarayan sila ng mga ito na para bang ang baba ng tingin sa kanila. Medyo nahiya din si Duday dahil sa simpleng bestida lang ang suot niya. Wala naman kasi siyang pagmamay-ari na magarbong kasuotan dahil sa wala naman silang pambili nun.

Napalingon si Duday sa kararating lang na sasakyan. Agad itong pumarada at bumukas ang pintuan. Lumabas doon ang sobrang pamilya na tao...si Dok Mel. Napangiti si Duday saka napatayo. Nagtaka naman si Dan sa inasta ng kaibigan kaya hinila niya ulit ito paupo.

Sinabihan naman ni Duday ang kaibigan na ayos lang dahil kakilala niya ang kararating lang na bisita. Nakita niyang bumabasa na si Dok Mel sa sasakyan nito. Napapangiti siyang naglakad papunta sa kinaroroonan nito ngunit biglang napatigil ng may makitang isa lang pamilyar na sasakyan.

Bumaba sa sasakyan na iyon ang mag-asawang Roldez at huling bumaba...

si Baste.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now