-ISA-

36 0 4
                                    

Malalakas ang mga pagkulog at pagkidlat. Makakapal at madidilim ang mga ulap. Pabugso-bugso rin ang malakas na hampas ng hangin. Nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan. Ang mga tao ay kaniya-kaniya sa pagmamadali na makauwi sa kaniya-kaniyang tahanan upang hindi maabutan ng nakaambang malakas na buhos ng ulan.

"Ang atun subong nga tyempo mangin-maulanon bangud sa mabaskog nga hangin kag ulan nga dala sang bagyo nga si "Cari". Ang bagyo ang nagsulod na sa Philippine Area Of Responsibility sang sini lang gid nga hapon kag ang sentro yara sa Visayas. Gina paandaman ang tanan nga mangin handa sa nasambit nga bagyo. Gina pangabay man ang tanan nga mangin alerto sa mga masunod nga balita.Maghalong ang tanan...maayong adlaw!"

("Ang ating panahon ngayon ay magiging maulan dulot ng malakas na hangin at ulan na dala ni bagyong "Cari". Ang bagyo ay nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility nito lang ding hapon na nasa sentro ng Visayas. Pinapa-alalahanan ang lahat na maging handa. Amin ding ipinapayo na maging alerto sa mga susunod pang balita.Mag-ingat ang lahat...Magandang araw.")

Iyan ang balitang maririnig sa radyo na umaalingawngaw sa buong kabahayan. Nasa moderno mang panahon ay mas sanay ang mga tao sa Barangay Caliban na gumamit ng radyo bilang gabay sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Ito ang nagsisilbi nilang tagapag-balita ng mga mahahalagang kaganapan sa buong mundo.

Kaya pala mukhang uulan ng malakas...dahil may bagyo. Malamig man ang panahon ngunit hindi iyon alintana ng batang si Duday. Siya ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ng kanilang bintana. Habang nakasuot ng makapal na jacket bilang pananggalang sa malamig na panahon.

Si Duday ay siyam na taong gulang na batang babae. May mahabang buhok na kulot sa dulo. May makakapal na kilay na bumabagay naman sa kaniyang makakapal na mga pilik mata. Kulay abo naman ang kulay ng kaniyang mata. May matangos na ilong at manipis na labi. Matambok ang kaniyang pisngi at medyo may katabaan ng konti ang hugis ng kaniyang pangangatawan.

Madalas siyang tawagin na 'Duday' sa kanilang baryo ngunit ang kaniyang totoong pangalan ay "Dustie Day Moncleto". Si Duday ay isang mabait at masunuring bata. Kasama niya sa bahay ang kaniyang Nanay Pam. Madalas silang dalawa lang ang naiiwan sapagkat naghahanap-buhay ang kaniyang ama bilang isang jeepney driver.

Gabi na kung ito ay umuuwi sa kanilang tahanan. Kung kaya't si Duday ay tumutulong sa kaniyang Inay sa mga simpleng gawaing-bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan at pagtutupi ng mga damit. Bilang isang magulang ay labis na natutuwa sina Aling Pam at Mang Ben sapagkat meron silang masipag at mapagmahal na anak. Wala na silang mahihiling pa.

Naramdaman ni Duday na may pumasok sa loob ng kwarto niya subalit nanatili pa rin siya sa tabi ng bintana at hindi gumalaw o umalis man lang doon.

"Duday? Anak? Gabi na. Isara mo na ang iyong bintana sapagkat malamig na ang simoy ng hangin," umupo si Aling Pam sa tabi ni Duday saka sinuklay-suklay ang buhok nito.

Niyakap ni Duday ang kaniyang Inay para kahit papaano ay maibsan ang lamig na kaniyang nararamdaman. "Inay? Bakit po malamig ang simoy ng hangin? Dulot po ba ito ng bagyo?"

Niyakap naman ni Aling Pam si Duday ng mahigpit saka sinagot ang tanong nito. "Maaari anak.Narinig mo ba ang balita sa radyo? May kapapasok lang na bagyo at dito sa Visayas ang tama niya."

"Ganun po ba? Eh bakit po ba umuulan tuwing bumabagyo?" tanong ni Duday.

"Umuulan anak sapagkat yun ang sama ng panahon na dala ng bagyo. Nagdudulot ito ng malalakas na hampas ng hangin at malalakas na buhos ng ulan," paliwanag ng Ina.

"Totoo po ba ang sabi nila na kapagka po umuulan ay umiiyak ang mga ulap?" kuryusong tanong ng batang si Duday.

Agad naman siyang sinagot ng ina. "Hindi ko batid anak. Hindi ko pa naman nasaksihan na umiyak ang ulap. Pero maaaring iyon nga ay totoo sapakat sa oras na ikaw ay naluha at hindi mo napigilan...ang mga iyon ay tuluyan ngang babagsak."

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now