"Alam mo ba langga...naikwento ko sa kumpare ko ang kalagayan ni Duday. Ang sabi niya may mga kaso raw na inborn ang pagkabulag at hindi na iyon magagamot pa. Samantalang meron namang ibang kaso na nabulag lang dahil sa komplikasyon kaya pwede pa raw iyong mapagaling," kwento ni Mang Gener habang nag-aalmusal silang mag-anak. Hindi pa nila kasama si Duday sa hapag dahil hindi pa ito nagigising.
Napa-angat ng tingin si Aling Madie. "Talaga langga? Kung ganon...paano ang kaso ni Duday?" tanong niya.
"Iyon nga rin ang tanong ko. Ang sabi niya...pwede ko namang dalhin sa klinika sa Duday para masuri niya. Kapag kaya raw na gamutin ay pagtutulungan naming pagalingin si Duday," sagot ni Mang Gener.
Napapalakpak si Aling Madie. "Nako!Masayang balita nga iyan! Kapag nagkataon ay makakakita na si Duday!Hindi na siya lalaitin ng ibang tao. Naaawa na din kasi ako sa batang iyon. Ang bata pa niya pero ang dami na niyang pasan na problema. Kahit sa ganiyan man lang sana ay makatulong tayo," masaya nitong wika.
"Oo nga...ang isa kasi diyan...pakain-kain lang. Puro panlalait at pang-aaway ang ginagawa kay Duday," parinig ni Mang Gener kay Baste.
Napabusangot naman si Baste. "Psh. Basta ayaw ko talaga sa kaniya."
"Mabuti nga kapag nakakita na si Duday...lalayuan ka na niya kasi makikita niya na panget ka din pala," pang-aasar ni Aling Madie sa anak.
"Psh.Hindi ako panget. Siya ang panget," buwelta nito.
"Talaga lang ha? Nakoo! Panigurado maraming makikipag-kaibigan kay Duday kapag nakakita na siya! Maganda kasi si Duday saka mabait. Iyong iba diyan. Masungit na nga...panget pa," parinig ni Aling Madie sa anak.
"Ede dun siya! Hindi ko naman siya pipigilan. Mabuti nga iyon para hindi ko na makita ang pagmumukha niya dito!" sigaw niya.
Lihim na napangiti si Aling Madie. "Eh bakit parang galit ka? Saka bakit ka react ng react diyan? Eh wala naman kaming binabanggit na pangalan?"
"Alam kong ako ang tinutukoy niyo mama. Huwag na kayong magkunwari," bwelta nito.
"Basta ako wala akong binaggit na pangalan...ikaw ba langga? saka siya bumaling sa asawa.
Napailing naman ito. "Wala din langga."
"Merong guilty. Haha," tawa ng ginang.
"Psh."
"Mayung aga Tita Mads, Tito Gen...B-baste."
("Magandang umaga po Tita Mads, Tito Gen...B-baste.") bati ni Duday sa lahat pagkarating niya sa hapag."Magandang umaga Duday," bati pabalik ni Mang Gener.
Bumati din pabalik si Aling Madie. "Magandang umaga din sayo Duday. Upo ka na...kain na ng almusal. Uyy Baste batiin mo pabalik si Duday," saka niya sinundot ang anak.
"Psh."
Napailing naman si Aling Madie sa reaksiyon ng anak. "Hayst...o Duday. Nahuli ka yata ng gising?"
"Palibhasa kasi feeling prinsesa kaya ganiyan," bulong ni Baste.
Agad naman siyang sinaway ng ama. "Baste...kumakain tayo."
Bigla siyang tumayo. "Akyat na po ako.Busog na ako," paalam niya.
"Hindi mo pa ubos yung pagkain mo ah," nagtatakang tanong ng ginang.
Napatingin si Baste kay Duday. "Nawalan na po ako ng gana."
"Hay ewan ko sayo. Bahala ka nga sa buhay mo," sambit ng ina.
"Kumain ka na Duday. Hayaan mo na si Baste. Tinotopak lang iyan," aya ni Mang Gener.
Umupo na si Duday. "O-opo."
![](https://img.wattpad.com/cover/237907264-288-k74450.jpg)
YOU ARE READING
DABU-DABU: WISIK [Completed]
Teen Fiction"Sa kada pagbuhos sang ulan...ini ang may kaupod nga mga dagu-ob kag kilat. Apang bisan ano man ini kadamol kag kabaskog...maga-abot ang ti-on nga ini maga hulaw. Bangud sa kada kadulom nga dala sini...sa ulihi...naga butlak ang kasanag." ...