-DISI SAIS-

0 0 0
                                    

Malapit ng matapos ang summer break kaya naisipan ng magkakapit-bahay na mag-outing sa isang sikat na resort sa syudad ng Talisay...ang Campuestuhan Highland Resort. Ang sabi sa kanila ay maganda raw doon at siguradong magiging sulit ang magkano mang ibabayad kaya napagkaisahan nilang doon nalang mag-outing.

"Huy Baste! Kumalma ka nga! Sumasakit ang ulo ko sa iyong bata ka! Baka pag-nainis ako sayo mamaya di ka nalang namin isasama!" saway ni Aling Nene sa anak.Kanina pa kasi ito patalon-talon at hindi mapakali sa isang tabi.

"Nanay namaaan! Huwag namang ganiyan!" reklamo nito.

"Pumirmi ka kasi! Anong itinatalon-talon mo diyan? Asikasuhin mo ang mga gamit natin! Check mo kung may naiwan pa!Baka mamaya yung brief mo hindi ko pala naipasok sa bag!"

Napapadyak naman si Dan. "Mama!Nandiyan si Duday oh!" saka tinuro ang nagpipigil ng tawa na si Duday.

Nakapameywang siyang hinarap ng ina. "Eh ano naman ngayon?"

"Huwag niyong banggitin ang brief ko," bulong nito sa tenga ng ina.

"Sus! Arte neto! Sipon mo nga di mo mapahiran tapos mahihiya-hiya ka ngayon?" sigaw ng ina.

"Mama! Tama na pooo!" reklamo ni Dan.

"Basta! Check mo ulit baka mamaya uuwi kang walang suot na brief!"

"Okay lang po iyon para fresh," biro niya pa sa ina.

"Ah gusto mo fresh? Sige...hindi nalang kita dadalhan ng damit. Umuwi kang nakahubad para fresh na fresh ka," sigaw ng ina.

"Mamaaaa! Opo! Eto na iche-check ko na po," saka dali-daling chineck ang mga gamit. Mahirap na baka totohanin ng ina ang banta nito. Ayaw niyang makita ni Duday ang sexy niyang katawan.

"Tigas ng ulo!"




----------------------------------------------
Samantalang...sina Duday naman at ang kaniyang ay nag-aayos din ng mga gamit. Nandito sila ngayon sa bahay nina Aling Nene dahil sa ang jeep ng asawa nito ang sasakyan nila papuntang Campuestuhan. "Inay tara na po," hila ni Duday sa ina.

"Sandali lang Duday. Inaayos ko pa ang mga gamit natin. Kailangan kumpleto 'to para mamaya," pigil ng ina sa anak. Halata kasing excited na itong maka-alis. Sa katunayan nga ay maaga itong nagising kanina.

"Ako na po magdadala ng mga pagkain nay," prisinta nito.

"Sige mauna ka na dun sa labas ako na bahala dito. Sumakay ka na rin sa jeep tapos tirhan mo 'ko ng space baka maubusan tayo," utos ng ina.

"Opo inaaay!" saka siya tumakbo papalabas at agad na sumakay ng jeep katabi ni Dan.







----------------------------------------------
Pagkarating na pagkarating nila sa resort ay agad na nagsi-unahan pababa ang mga bata nakisabay din sina Dan at Duday.

"Wooooow!"
"Hala ang gandaaaaa!" sabay-sabay nilang sambit matapos makita ang kabuuan ng resort. Sobrang ganda ng paligid. Maraming mga statue ng mga cartoon characters. May malaki ding KingKong na kitang-kita kahit na sa malayo dahil sa laki nito.

"Mas maganda pa rin naman ako!" pagbibida ni Duday.

"Maganda ka sana! Kaso...mas maganda akooo," saka nagbakla-baklaan si Dan.

"HAHA. Bakla!" kantiyaw ni Duday.

"Sinong bakla? Ha? Sinong bakla sasabi mo?"

"Ikaaaaw!" sabay turo sa kaibigan.

"Haha. Bakla pala haa," saka ito ngumisi ng nakakaloko.

"Waaaa! Mamaaaa!" agad na tumakbo si Duday dahil sa alam niyang hahabulin siya ni Dan anumang oras.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now