-WALO-

3 0 0
                                        

Tulad ng nakasanayan ay maagang nagising si Duday. Ngayong araw siya dadalhin ng inay niya sa ospital para mabisita ang kaniyang ama.

Lumabas siya ng kwarto pagkatapos niyang gawin ang mga nakasanayan niyang gawin bago pagkatapos bumangon.

Hindi naman siya nahirapang pumunta ng kusina dahil ginagamit niyang gabay ang tungkod niya. Naramdaman niyang nasa kusina na si Aling Madie.

"Mayung aga...Tita Mads!"
("Magandang umaga po...Tita Mads.")  bati ni Duday sa ginang.

Napalingon naman sa kaniya si Aling Madie.  "Mayung aga man Duday."
("Magandang umaga din Duday.")  bati nito pabalik.

Lumapit si Duday sa lababo.  "Tulungan ko na po kayo,"  alok nito.

Napailing si Aling Madie.  "Huwag na Duday...kaya ko na maupo ka nalang diyan.Patapos na 'to,"  tanggi nito.

"Sige na po Tita Mads,"  pagpupumilit ni Duday.

Muling napailing ang ginang.   "Huwag ng makulit Duday."

"Sige po,"  saka siya naupo sa mesa.

"Mayung aga Langga,Duday."
("Magandang umaga Mahal,Duday.")  bati ni Mang Gener na kapapasok lang din sa kusina.

Ngumiti ng malapad si Duday.  "Mayung aga man Tito Gen!"
("Magandang umaga din po Tito Gen!")  bati niya pabalik.

Nagpalinga-linga si Mang Gener.  "Oh?Asan na si Baste?Kakain na tayo."

"Maupo na kayo.Tatawagin ko muna,"  boluntaryo ni Aling Madie habang inaayos ang mga pagkain sa mesa.

"Oh sige. Baka tulog pa yun,"  sagot ni Mang Gener.

Natawa ang ginang.  "Makikipagbaka na naman ako nito sa gisingan kung sakali! HAHA!"

"Sige...hintayin nalang namin kayo. Para sabay na tayong lahat na makapag-almusal." 



----------------------------------------------
Pagkatapos nilang kumain ay dumating si Aling Pam para sunduin si Duday.  "Alis na po muna kami Tita Mads!"  paalam ni Duday.

Napatango ang ginang.  "Sige...mag-iingat kayo ha."

"Opo Tita Mads.Babalik din po agad ako mamaya,"  pagpapaalam ni Duday.

"Salamat Kumare ha. Alis na kami."

"Paalaaaam!"  kaway ni Aling Madie sa papaalis na mag-ina. Saka siya pumasok na rin sa loob ng kanilang bahay.



----------------------------------------------
Pagkabukas pa lang ni Aling Pam ng pintuan ng kwarto kung saan nakahiga ang tatay ni Duday ay agad na itong tumakbo papunta sa ama at mahigpit nitong niyakap ang ama.

"Itaaay!"  maluha-luhang sambit ni Duday. Naaawa siya sa kalagayan ng ama dahil halatang nahihirapan na ito. Maraming mga tubo na nakakabit sa katawan ng ama. May benda din ito sa ulo at hindi pa rin nagigising sa ngayon.

"Na-miss po kitaaa! Ang tagal mo na pong natutulog. Gumising na po kayo diyan. Alam niyo po ba itay?Kaarawan ko na po sa susunod na buwan! Gusto ko po na sa araw na iyon ay kasama ko kayo ni inay na ipagdiriwang ang kaarawan ko. Ayos lang po kahit na pansit lang ang handa natin basta kumpleto lang po tayo. Kahit nga po wala na eh. Basta gumising lang kayo diyan. Iyan nalang po ang kahilingan ko...ang gumaling kayo kaagad,"   kausap ni Duday sa ama.

Napatalikod naman si Aling Pam dahil sa naaawa siyang tingnan si Duday na nakikiusap sa ama. Naaawa din siya sa kalagayan ng asawa. Sunod-sunod niyang pinunasan ang kaniyang mga luha dahil ayaw niyang malaman ni Duday na umiiyak siya. Kailangan nilang magpakatatag sa ngayon. Tanging siya nalang ang kinakapitan ng anak. Kapag nanghina siya ay baka mawalan na rin ng pag-asa si Duday.

DABU-DABU: WISIK [Completed]Where stories live. Discover now