Obsession 06

1.9K 45 0
                                    

_______

Maaga natapos ang mga papeles na kakailanganin ko upang makapag aral sa America at habang nasa silid kami nina chichi ay nagiiyakan na kami.

"Mag-iingat ka dun ha?" Umiiyak na saad ni totoy

"Oo naman toy, at pagbalik ko dito dapat tuli kana."

"Sera naman!!" Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Chi?"

"Mag-iingat ka duon Sera ha? Tatawag ka lagi dito? Tapos balitaan mo kami kung kamusta ka duon. Nilalamig kaba duon basta tawagan mo kami."

"Oo naman, palagi akong tatawag."

Maya't maya ay may kumatok sa pinto.

"Tara na hapunan na mga hija at hijo." Masayang saad ni mommy.

Kaya tumayo na kami at kumapit sa kamay ng matanda at masaya kaming bumaba, naabutan naming naghihintay si daddy. Doble doble o sobra sobra ang pagpapasalamy ko sa mag-asawa lalo na sa diyos dahil hindi niya kami pinabayaan kahit nakagawa kami ng kasalanan.

"Kumain na tayo, at bukas ay maaga ang flight mo sera."

"Yes dad, diba maaga ang ani bukas?" Tanong ko.

"Yes hija, isasama ko si chi at toy sa palayan at taniman ng mga prutas para kami ang aani."

Mukhang nasiyahan ang dalawa kaya tanong sila ng tanong kung anong oras sila aalis bukas, samantalang ako ay napapangiti lamang habang pinagmamasdan ko sila.

Dumating na ang sikat ng araw at nasa sasakyan na ang lahat ng bagahe ko at hindi na ako magpapahatid sa airport.

"Mag iingat ka talaga dun ha?"

"Chi, oo nga magiingat ako tatawag ako okay?" Natatawa kong saad.

At isa isa ko silang niyakap.

"Andun na ang pinsan mo sa bahay anak, mag iingat ka."

"Yes dad."

"Balitaan mo kami lagi hija."

"Yes ma."

At hinalikan na nila ako bago ako sumakay, pagkasakay ko ay kumaway ako at umandar na ang sasakyan.

Muling tumulo ang aking luha habang pinagmamasdan sila sa malayo, ang aking pamilya ang aking munting pamilya.

"Ma'am sera, may daraan pa po ba tayo bago tayo pupunta ng Airport?"

"Wala na po mang jose."

"Wag kana malungkot ma'am sera, siguro ay maganda ang kapalaran mo sa Ibang bansa."

"Sana nga po."

Muli akong tumahimik at pumikit, kaya ko 'to. Kayang kaya ko to.

Pagdating ko ng airport ay tulak tulak ko na ang aking mga bagahe, at sa munting napagaralan ko ay naiintindihan ko naman.

Umupo na ako sa waiting area upang hintayin tawagin ang oras mg flight ko.

Napalingon naman ako sa katabi ko, dahil para siyang hindi mapakali at todo tago sya. Wanted ba sya?

"Are you okay?" Saad ko.

"Yeah."

Mukha kasi siyang di komportable dahil lingon sya ng lingon sya kanina pa.

"May maitutulong ba ako sayo?"

"No, nothing kid."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"By the way I'm Sera. Sera Monteverde and you are?"

Napalingon sya sakin at natigilan ako ng makilala ko kung sino ito.

His Zhacarias, inlove na inlove dito si chichi.

"Mukhang kilala mo na ako, sera."

The way he speak my name ay sobrang ganda, sobrang ganda sa pandinig.

Tumayo na sya at iniwan na ako, napalingon ako at natigilan ako ng maiwan niya ang panyo niya.

"Hey mr. Zach ang panyo mo."

Pero mukhang hindi na niya ako narinig kaya i keep his favorite thing.

Nalaman ko kay chichi na mahilig sa panyo si zach.

The Billionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon