#Happymemories
#CreatthenewonePagkagising ko ay nakita ko nang natutulog si Zach sa baba ng crib ng mga bata habang nakakumot sya ng makapal dahil nga malamig at umuulan pala.
Tumayo na ako at binuksan ang kurtina, maambon at sobrang lakas ng ulan buti nalang ay naka glass sliding window sya at hindi ko na binuksan ang sliding door ng veranda.
Tiningnan ko ang tatlong little angels at natutulog pa sila gaya ng kanilang daddy, yumuko ako at hinalikan ang mga noo nila bago ko hinaplos ang buhok ni zach.
"Good morning." I said.
Nagmulat naman sya saakin.
"Good morning, nakatulog kaba ng maayos?" He asked.
"Hmm yes, what do you want for breakfast?" I asked.
"Anything you want." He said, bumangon naman sya at niyakap ako.
"Maligo kana, may trabaho kapa hindi ba?" I asked.
"5 minutes." He said.
"Zach."
"4 minutes." He said, hinalik-halikan naman niya ang aking ulo.
"Zhacarias, tumayo kana at maligo may trabaho kapa."
"May ulan pa." He said.
"May kotse ka, you need to work nay meeting ka diba? Sinabi mo saakin kagabi." I said.
Humarap naman siya saakin at tumango, tumayo nalang sya ng pilit at hinalikan ang mga bata bago humarap saakin.
"Maligo kana maghahanda ako ng almusal."
Tumango sya at hinalikan ang aking noo, napailing nalang ako at lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko ay nakaramdam ako ng ginhawa, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko.
Pagkatapos kong magluto ay bumalik ako sa kwarto at pagkabukas ko ay gising na ang mga bata at nagtitimpla ng gatas si Zach.
"Ako na jan." I said, naka suit na kasi siya ng itim para sa meeting conference niya ngayon.
"No ako na patapos na din." He said.
Napangisi nalang ako at kinuha si Sabby.
"Ibaba mo na ang mga bata." Tumango naman sya saakin at ako naman ay lumabas at bumaba.
Pagkatapos namin kumain ay tumayo na din si zach habang may kausap sa kanyang telepono, habang naglilinis ako ng hapag ay niyakap na ako ni Zach mula sa likod.
"I have to go, my manager call me." He said.
"Sige, magiingat ka." I said.
"I'll be home before dinner." He said.
"Alright."
Hinalikan niya ang aking ulo at naglakad na sya palapit sa mga bata, nagpaalam na siya at hinalikan niya ito at kumaway pa ang gago saakin.
Sinarado ko na ang pinto at naglinis nalang ako sa buong bahay dahil nga nasanay akong kada umaga ay pupunta ako ng farm at magtatanim o magaani.
Pinatulog ko muna ang mga bata at inayos ang bahay, pagkatapos ay tinawagan ko na sina mommy.
"Mom!!"
(Hello my baby, how are you with zach?)
"Hmm, it's fine mom masyado akong napagod kahapon dahil na din sa biyahe kaya di ako nakatawag ng mas maaga."
(It's okay baby, kamusta ang mga bata?)
"Okay sila mom sa awa ng diyos, kayo ni daddy?"
(We're fine hija, dito na din nagsstay sila annie at ang kanyang pamilya para may kasama kami.)