________
Lahat ng tao sa hacienda ay busy sa gaganaping selebrasyon saad ni mommy habang kami ni chichi ay naghahanap ng masusuot na damit.
"Kamusta ang manila girl?"
"Okay naman, I met thousands of boys especially."
Nagtawanan naman kami, may inangat siyang puting bestida.
"Hindi ba ako magmumukhang sexy star jan?"
"Ano kaba sera, maganda ka at maganda ang katawan mo kaya bagay 'to sayo."
"Chichi!!" Pagmamaktol ko.
"Sige na, try it Sera I know you like it."
"No!!!"
Itinulak naman niya ako sa walking closet ng kwarto niya at napipilitan akong isuot yun.
Pagkasuot ko ay lumabas na ako, tiningnan naman niya ako.
"OH MY GOD SERAAAA!!"
Napatili sya.
"Pangit ba?"
"No! Ang ganda promise!"
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Ang gusto kong damit ay desente okay?"
Nagkamot sya ng ulo at kinuha ko ang mahabang bestida na may bulaklak na desenyo.
"Magbihis kana chi, magsisimula na sila sa baba."
"Okay got it."
Pagkasuot ko ay inayos ko na ang sarili ko, pagkalabas ni chichi ay nakasuot sya ng bestidang dark blue na hapit sa katawan niya.
"Mukhang galing ka sa club ah?"
"Sera!! You're so mean talaga!"
"Hahaha, kamusta ang nursing duty?"
Umupo naman sya at inayos ang sarili.
"Okay naman, magsisimula na ng duty ko next week at uuwi na kami ng manila ni Toy. Habang sya my duty rin sya."
"So ako lang dito?"
"Hmm, yeah with our parents."
Huminga ako ng malalim.
Pagkatali ko ng buhok ko ay nagpaalam na akong mauuna na ako sa baba.
I saw toy na may kausap na isang matandang lalaki hula ko ay isang politiko kaibigan ni daddy.
"Sera!" Tawag niya.
"Yes?" Pagkalapit ko.
"By the way sir, this is Sera my Eldest sister sera this is Sir ronaldo congressman sya sa baryo."
"Good evening sir, thank you for attending this celebration."
"Your welcome hija."
Nagpaalam naman akong pupuntahan ko muna sina mommy at daddy, maraming tao ang dumalo sa selebrasyon dito sa Hacienda.
"Ma."
"Sera hija."
Niyakap niya ako at ngumiti.
"Lady's this is my eldest Sera, hija this is our family friend this is your tita nanette, tita joselyn and your tita Amanda."
"Good evening po."
Ngumiti sila saakin.
"Napakaganda nga naman ng anak mo Alicia."
"Thank you." Pagpapasalamat ni mommy.
"Kung andito lamang ang aking panganay na anak ay tiyak na magugustuhan ka." Tita nanette
"Ano kaba naman nanette, ayoko ng arrange marriege sa mga anak ko. And look at that handsome boy sya yung kaisa-isa kong anak na lalaki. Troy come here."
Sigaw ni mommy kay toy, and yes my mom change his name to troy Monteverde. Or also known as Dr. Troy Monteverde.
Pagkalapit niya saamin ay dumating din si Chichi na may ngiti sa labi.
"Mukhang kompleto ang aking mga anak." Nasisiyahang sabi ni mommy.
"This is my eldest of course, Sera. And this is the second one Chichi And this is the youngest Troy."
Nakipag shake hand at beso kami sa mga amigas ni mommy at todo saad nila na mas kamukha ko si mommy.
Nagpaalam na si chichi na darating ang kanyang mga kaibigan galing sa maynila, at ang mga kasamang doctor ni Toy.
Kaya nagpaalam na din ako at agad kong nakita si daddy.
"Dad?"
"Hija." Agad ko siyang niyakap.
"Are you enjoying?"
"Hmm yes, Ikaw? Ayos kalang ba?"
"Yes darling, by the way hija sera this is Zhacarias. His the CEO of ferrel Empire."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng lingunin ko ang lalaking sinasabi ni daddy.
Dad knows him? At alam kong nakita na ni chichi si Zach kaya ayos na ayos ang batang iyon.
"Nice to see you again, sera."