________
Pagdating namin sa taniman ng pinya ay agad kaming binati ng tao sa hacienda and I look zach mukhang hindi sanay ang isang 'to.
"It's disgusting to you?" I asked dahil kanina pa sya pagpag sa boots niyang puno ng putik.
"I can manage it."
"Weh, mukha ngang diring diri ka wag ka magalala bukas magtatanim nanaman tayo."
Mukhang nagulat sya saakin at sinamaan ako ng tingin habang ako ay patawa-tawa habang nakatingin sa dinadaanan namin.
"Are you serious of that sera?"
"Hmm maybe yes, maybe no."
"Sera!!!"
"What?!"
"Be serious!" May talim ang boses niya pero bago ako matakot sakanya ay kumot naman ang noo ko.
"Bago ka magreklamo, ginusto mo 'to diba? Kaya panindigan mo. Halika na"
Nagpunta kami sa may kubo upang maupo muna madaming nakatambay duon upang mamahinga galing sa pagaani at pagtatanim.
"Miss sera ikaw pala iyan, Magandang araw sa iyo ser Zach."
"Magandang araw naman po." Zach.
"Kamusta po mang berting?"
"Aba'y ayos naman, mukhang masyadong nagkasiyahan ang lahat sa ginanap na selebrasyon kagabi at tanghali na kami nagising at nakapag ani at nakapag tanim."
"Wala hong problema duon mang berting, mabuti nga iyon at nakatulog kayo ng maayos kahit papaano."
"Napakabait mo talagang bata Sera, nagmana ka talaga sa iyong mamang si donya Alicia."
Ngumiti lamang ako I saw zach na nakikipag-usap sa mga ibang nagtatanim kung paano pumutol o kumuha ng aanihing pinya siguro ay sasali siya sa pagaani saad nga ni daddy kanina.
"Sera anak andito ka pala."
"Nay loring!"Isang mainit na yakap ang salubong saakin ng isa sa mga malalapit na katiwala ng hacienda na si Aling loring
"Hindi na ako nakapunta sa pagtitipon kagabi dahil sa binantayan ko ang apo ko masaya ako na umuwi kana Anak." Habang hinahaplos haplos niya ang aking buhok.
"Opo, at lubhang namimiss ko na po ang hacienda."
"Mabuti at andito kana, ay nga pala nagluto ako ng bilo bilo alam kong isa iyon sa paborito mo."
"Salamat po nay."
"Basta ikaw sera anak, teka at kukunin ko ine. Berting ikaw na muna bahala kay sera at kukunin ko ang bilo bilo na niluto ko."
Natatawa kaming tumango lamang, pinaupo ako sa may kahoy ni mang berting at kumuha ng naani nilang matatamis na pinya.
"Siguro'y mas maganda na ipatikim mo ulit ito sa bisita mo Miss sera mukhang kanina pa niya tinitingnan iyan." Natatawang saad ni mang berting.
At ibinigay naman niya saakin ang basket na kahoy na may lamang pinya.
"Siguro ay hindi din niya alam paano magbalat ng pinya." Natatawa kong saad.
"Kita ko nga miss, mukhang yayamanin ang batang iyan sa tindig palang niya."
"Oho nga po, sarap pagkakitaan ng pera."
Nagtawanan kami ni mang berting ng dumating si Nay loring bitbit ang malaking lalagyan ng bilo bilo.
"Tulungan na ho kita nay."
"Wag na sera anak, halika kumain tayong lahat."
Sumandok kami ng bilo bilo at tinawag ko na si zach.
"Did you eat this?" Nguso ko sa hawak kong baso na may lamang bilo bilo.
"What kind of food is that?" Nakakunot ang noo niya. Nanaman!
"It's call bilo bilo, o ginataang bilo bilo try it. It's so masarap."
Kinuha naman niya at nagsimulang kumain.
"Taste nice."
Napataas naman ang kilay ko.
"Very nice actually."