Obsession 21

1K 23 0
                                    

#Inlove for real naba? Hahaha happy reading!

Hapon at malapit na din bumaba ang araw naglalakad na din kami ni zach papauwi dahil kailangan pa daw dumalo sa pagtitipon sa bayan at magsuot ng baro't saya.

"I understand if you're not attending the ceremony." Basag niya sa katahimikan sa pagitan namin.

"No, I'm okay pagod lang ako."

"Then, you need rest I'll talk to your parents."

"No, inaasahan nila ako duon don't worry I'm okay." Ngumiti ako sakanya.

"Are you sure?"

"Yes, tara na bilisan na natin."

Halos takbuhin nanamin pabalik ng bahay at wala ng tao as usual dahil nauna na din sila.

Naligo na ako at pagkatapos ay sinuot ang isang baro't saya na ipinatahi ni mommy nung nakaraang linggo dahil sa magaganap na pagtitipon. Nag lagay ako ng kakaunting palamuti saaking mukha upang maging kanais nais din tingnan.

Inayos ko ang mahaba at kulot kong buhok at nagsuot na ng flat na sapatos. Paglabas ko ay nakita ko si Zach na nakasuot na din ng baro.

"Bagay sa iyo ang damit mo." Nasisiyahan kong saad sakanya.

"Thanks sera."

Ngumiti lamang ako at bumaba na din kami, sumagakay kami sa sasakyang binili ni daddy nung nakaraang dalawang linggo dahil baka makakapunta ako ng manila saad niya.

"Drive safely Zach." Paalala ko sakanya ng makasakay na kami.

"I know woman."

Ngumisi lamang ako at binuhay na niya ang makina ng jaguar at umalis na din kami.

Pagdating namin sa bahay pamahalaan ay maraming tao at palamuti ang nakapaligid sa buong venue at bumaba na din kami.

"Let's go."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti lamang saakin, habang naglalakad kami ay malakas ang tibok ng puso ko.

Gusto ko na nga ba talaga itong si zach?

Pagkapasok namin ay maraming tao ang dumalo sa pagtitipon dahil ika nga ni mommy ay 'Open for all' ang selebrasyon na ito.

"Hija sera." Napabitaw naman ako sa hawak ni Zach ng yakapin ako ni daddy.

"Dad, where's mom?"

"Andun sya hija, hijo Zhacarias tara na."

Tumango lamang si zach habang nasa tabi ko at naglakad kami palapit kay mommy.

"Hi mom." Bati ko.

"Hello my dear, You're so beautiful as always sweetie." Mom.

"Mommy!!"

Tumawa lamang siya.

"Ang gwapo mo naman hijo, bagay na bagay kayo ni sera." Pangiinis ni mommy.

"Thank you tita."

Tumango si mommy at hinalikan ang pisngi ni zach at humarap sa mga kaibigan nila ni daddy sa politiko.

"Everyone, this is my Eldest daughter. Sera Monteverde. And his soon-to-be ahmm."

Tiningnan naman ni mommy si Zach na parang nagkakaisa silang dalawa kaya kumunot naman ang noo ko.

"Soon to be husband." Tuloy ni zach at nakipag kamay naman sila, tiningnan ko ng masama si mommy at daddy na ngumingisi sila.

Ganun naba ako katanda?

"Zhacarias Ferrel sir." Pakilala niya sa mga kaibigan nila mom.

"Nice to meet you Zhacarias, well you look good with this beautiful lady."

"Thank you sir."

Ganun na lamang ang usapan nila at dinala kami ng mga nakaassign na magasikaso sa mga seats na uupuan namin.

Maraming nakakilala kay zach kaya busy sya masyado habang ako ay wala naman akong pakinabang dito dahil wala akong alam sa negosyo o sa politika, nagtatanim lang ako!!!

Habang nililibot ko ang paningin ko ay nasilayan ko si Zach na kausap ang anak ng mayor na si Miranda at may kasama itong maputinh babae.

"Nagseselos ang señyorita." Nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni annie.

Nilingon ko naman sya at nakaupo sya sa tabi ko kasama si mang berting.

"Hindi ah! Nagagandahan lamang ako sa kasama ng anak ng mayor."

Tiningnan naman nila.

"Ah ayan ba? Maputi lang yan nakalamang lang sayo ng isang paligo sera." Natatawang saad ni annie.

"She's really beautiful." I said.

"Nagseselos na talaga mang berting nag english speaking na." Nangiinis na boses ni annie.

"Tumigil kanga jan annisa!"

Napatahimik naman si annie, kaya tumawa naman ako.

"Buti nga sayo." Saad ko.

Muli ko silang sinulyapan at yakap yakap na ng babae si Zach, kaya parang may pumiga sa puso ko ng makita ko iyon.

"Hindi mo ba itatanong ang pangalan ng babae Miss sera?"

Napalingon naman ako kay mang berting.

"Bakit ho? Kilala nyo yung kasama ng anak ng mayor?"

"Sino ba ang hindi makakakilala sa kasosyo ng mama't papa mo sa negosyo?"

"Buisiness partner nila dad ang babaeng yun?"

"Hindi miss sera, ang mga magulang lamang niya."

Tumango naman ako at sinulyapan muli siya at hawak hawak na niya ang kamay ni Zach, at ang masakit nun ay inalis ni zach at inilipat sa beywang niya na parang ipinagkakait niya ang babae.

Unti unting nadudurog ang puso ko.

"Yan si Miss Amanda Alyanna Lewis."

The Billionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon