Obsession 03

4.2K 63 3
                                    

________

Naalimpungatan ako ng parang niyuyog-yog ang aking maliit na bahay at pagkamulat ko ay nakita ko si chichi na tumatalon sa maliit kong kama.

"Ano ba naman yan chi!" Singhal ko sakanya.

"Alam mo bang bumalik na si zach dito sa pinas ha sera? At ang nakakainlove padun ay nagbago na ang kanyang buhok at itsura." Tili niya kaya bumangon ako at tinapunan siga ng unan.

"Yung matandang idol mo?"

"Sera!! Hindi yun matanda ano kaba! His only 24 lang naman." Naka pout na sabi ni Chichi.

"Desi singko ka palang chichi!"

"Eh ikaw? Desi sais kalang naman!"

"Atleast ako hindi ako nagkakagusto dun." Saad ko.

"Hmmp!" Nagdadabog syang bumaba at lumabas ng bahay ko.

Simula nung mamatay ang mga magulang ko sa isang sunog ay kahit saang lansangan na ako naninirahan kasama si chichi at si totoy mga kababata ko sila at magkakaibigan ang mga magulang namin pero sabay-sabay din silang namatay.

Nasa kabilang bahay si chichi at totoy samantalang ako ay nasa lumang bahay, hindi literal na bahay kundi bahay-bahayan.

Pagkalabas ko sa aking mansion ay nakita ko ang dalawa na nagbabangayan nanaman kaya hinayaan ko nalang, baka si zach nanaman ang pinagaawayan nun dahil hindi gusto ni totoy si zach at si chi naman ay halos patay na patay.

Naglakad na ako at nagiisip kung anong pwedeng iraket ngayon dahil gipit kaming tatlo ngayon.

Ng bigla akong makita ni Aling Aireen, isa siyang bugaw sa mga batang lansangan.

"Nakita nanaman kita sera." Natutuwa niyang saad.

"Kung iimbitahin mo nanaman ako sa pambubugaw, hindi ako sasama." Deretso kong sagot sakanya bago naglakad muli.

"Hindi kita ibubugaw sera, ikaw talagang bata ka." Muli akong napalingon sakanya.

"Ano?"

"Gusto mo ba ng madaliang pera pero walang katawang inbolb? Halika."

Napataas ang aking kilay.

"Maguusap lamang tayo bata."

Mukhang matino namang kausap 'tong matandang dalaga na 'to kaya sumama ako at pumasok kami sa isang maliit na eskinita.

"Maupo ka" saad niya sa isang mahabang sementadong upuan.

Umupo naman ako at tumingin sakanya.

"Wag mo lang akong ibubugaw Aling aireen." Saad ko.

"Alam kong matino kang bata Sera, kaya ito ang bagay na trabaho mo." Nakangisi niyang saad.

May dumating na ka edad kong lalaki at umupo sa tabi ko.

"Kung gusto mong makalamon kayo ng tatlong beses sa isang araw, gusto kong gawin kitang partneyr sa paghahatid ng droga." Saad ng batang lalaki.

"Kahit gipit ak---"

"Dalawang libo o higit pa sa kada hatid sera, baka bigyan kapa ng tip ng mga customer natin pag malinis kang mag trabaho." Aling Aireen

Napaisip naman ako sa sinabi ng matanda.

"Wala ka sa malinis na repotasyon sera, nasa kalye ka nagnanakaw at humihingi ng konting barya." Saad ng batang lalaki

"Baka makatulong pa ito para makapag aral ka Sera." Dugtong niya.

Kaya napatahimik ako ilang saglit bago tumingin ng deretso kay aling Aireen.

"Sige, payag ako."

Napangisi ang dalawang kasama ko.

The Billionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon