Obsession 27

1.1K 29 3
                                    

#Meetthenewfriend

Maaga akong nagising kaya napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna sa labas ng hacienda habang bitbit ko ang basket na ipinadala ni aling nining para kina toy at chichi na naglalaman ng sari't saring mga sariwang prutas.

"Miss sera kayo pala iyan." Napalingon naman ako sa papatakbong si jackie.

"Oo, maganda ang panahon kaya eto naglalakad. Ano satin?" Tanong ko.

"May naghahanap pala sayong mama kanina."

Kumunot naman ang aking noo, dahil simula nung dumating ako ay hindi ako lumalabas sa hacienda.

Lumalabas lamang ako upang dumalo sa mga piyesta, piging at isang salo-salo.

"Sino ba daw iyon?" Tanong ko at inibaba ko ang hawak kong basket.

"Martinez daw ang pangalan, medyo may edad na kaya nakakapagtaka naman kung nobyo mo iyon hindi ba?" She asked, ngumiti naman ako.

"Hindi ko iyon kilala, wala naman siguro sa edad kung nagmamahal ang isang tao jackie. Age is just a number at hindi iyon hadlang para sa pagmamahal."

"Naku ang dami mong alam Miss sera, sige na mauuna na ako. Magiingat kalang at mataas ang temperatura ng lamig ngayon." Paalam niya.

"Osige, mag-iingat ka ikamusta mo nalang ako sa iyong ina."

"Makakarating." At ngumiti siyang umalis, pagkaalis naman niya ay kinuha kong muli ang basket at naglakad. Balak kong pumunta sa bayan nguni't wala pang masasakyan dahil maaga pa at malamig.

Nakarating ako sa isang puno ng mangga, kaya inilapag kong muli ang dala ko at umupo sa upuan na nasa baba neto.

"Hay.." huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid.

Nagtagal ako sa pagkakaupo ko kaya't may biglang umupo sa aking tabi at nilingon ko lamang sya at ngumiti.

"Mukhang bago ka 'ata dito manong." Masayang saad ko.

"Oo, hija bago ako dito."

Tiningnan ko ang kanyang buong suot at mukhang hindi naman sya nahihirapan sa buhay.

"Nga pala manong, ako si Sera At sino ka naman?" Saad ko.

"Ako si Martinez."

Napatigil naman ako nang maalala ko ang binanggit kanina ni jackie.

"Martinez?"

"Oo, at mukhang nabanggit na nung kasama mo na hinahanap kita Sera Monteverde."

Napahawak naman ako sa aking kamay, at nagsimulang manginig ito.

"Hindi kita sasaktan Sera." Mahinahon niyang saad.

"A-ano h-hong k-kailangan n-nyo s-saakin?" Saad ko, ngumiti lamang sya at sumilay ang ginto sa kanyang ngipin.

"Nais lamang kitang makausap tungkol sa mga produkto." He said.

"P-produkto? B-bakit m-may p-problema ba sa pinapadala naming produkto?" I asked, nanginginig padin ako kaya huminga ako ng malalim.

"Meron, simula nung pumasok ang ferrel sa inyo ay hindi na kami nakakakuha ng produktong galing sa Monteverde. Malaki ang gastos ko sa pagbili ko ng produkto niyo noon para gawing alak. At ngayon ay mukhang nalulugi ako Monteverde."

May talim ang kanyang boses kaya't hindi ako nakapagsalita, muli niyang ibinuka ang kanyang mga bibig.

"Nais ko sanang magsupply kayong muli sa Martinez Empire para punan ang naging gastos ko, isang milyon kada produkto."

Napahinto naman ako.

"Ma-masyado namang 'atang malaki iyon ma-manong." Saad ko.

"Ganyan kami bumili sa mga magulang mo at nagtaka lamang ako at hindi na dumarating ang mga produkto nyo sa aking kompanya." At ngumisi sya saakin.

"Kakausapin ko ho ang mommy at daddy tungkol jan." Saad ko.

"Madali ka naman palang kausap Monteverde." Saad niya at tumingin saakin ng deretso.

"Inuubos ng ferrel ang lahat ng produkto nyo para gawin din nilang alak at iba pa, kaya kung ako sayo wag ka masyadong magtitiwala sa nakapaligid sayo lalo na't ang maglalagay sa inyo sa bunganga ng buwaya ay nasa mismong pamamahay nyo lang."

Kinilabutan naman ako sa kanyang sinabi at umiwas nang tingin.

"Nagkakamali ho 'ata kayo manong, mabait at pinagkakatiwalaan nina mommy at daddy ang mga fer—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang magsalita siyang muli.

"Kaya ang dali lang pasukin ang inyong hacienda dahil sa bait na meron kayong nga Monteverde, pinapaalala ko lamang ito sayo Sera dahil ako ay hindi nyo kalaban."

"Si-sige h-ho kakausapin k-ko ho ang mga ma-magulang ko—"

"Sera!" Napahinto ako at tumingin sa nakatayong si Zach, muli akong tumingin sa matanda at nakangisi lamang sya.

"Mukhang hanggang dito naamoy mo ako Ferrel."

Napatayo naman ako at nakaramdam ng takot, lumapit si Zach at hinila ako papalayo sa harap ng matanda at itinago niya ako sa kanyang likod.

"Anong kailangan mo sa panganay na Monteverde, Martinez?" He asked, magkakilala ba sila?

"Nais ko lamang syang kausapin Ferrel."

"Wa-wait? Mag-magkakilala kayo?" I asked.

"Oo matagal na hija." The old man.

"Shut up Martinez!" Pikon na sigaw ni zach.

Napaitlag naman ako sa kanyang sigaw at natahimik sa likod niya.

"Mukhang wala pa palang nalalaman ang mga Monteverde sa plano mo ferrel." He said.

"Shut the fuck up Martinez, what do you need?" He asked.

"Simple lang naman bata, kailangan ko na ang mga produkto dahil sa nagagalit na si Vokanier tungkol dito."

Mas lalo akong naguluhan sa kanilang pinagsasasabi, nguni't nanatili akong tahimik.

"Sabihan mo si Vokanier na wala na syang makukuhang produkto." Malamig na saad ni zach.

"Hindi naman 'ata tama yan Ferrel, pare-pareho tayong nakikinabang sa produkto ng monteverde at hindi papayag ang isang Vokanier para dito." The old man.

"Nabili ko na lahat ng kanilang produkto—"

"One million per products Ferrel, yan ang sinabi ni Vokanier at tataasan niya pa kung maganda at sariwa ito. I know hindi ka makakatanggi sa offer na iyon?" Nakangising saad ng matanda, natahimik naman si zach.

"Aalis na ako, pagisipan mo Ferrel."

At naglakad na sya at huminto saaking tabi.

"Pati ikaw Monteverde, alam ko na alam mo ang mga sinasabi ko kaya't pagisipan mong mabuti. Matalino ka."

At tuluyan na siyang umalis, napaiwas naman ako ng tingin at muling maglakad para kuhanin ang basket.

"Anong sinabi niya sayo Sera?" Basag ni zach sa aming katahimikan habang naglalakad kami pabalik ng Hacienda.

"Wala, wala siyang sinabi saakin Zach." Pagsisinungaling ko.

Tumingin sya saakin at umiwas naman ako.

"Tell me the truth, baby girl."

The Billionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon