_________
Maaga palang ay iniligpit nanamin ang mga gamit namin at maya't maya ay darating na ang mag asawang monteverde.
"Sigurado ba tayo dito chi?" Tanong ni totoy.
"Oo naman, alam kong hindi tayo pababayaan ng mag asawa." Chi.
Maya't maya ay pumarada na ang puti nilang kotse at lumabas na ang mag-asawa.
"Magandang umaga ho." Ani ko.
"Good morning hija, nakapagdesisyon kana ba?" Ani ng matandang lalaki.
"Opo, pero may bago ho sa desisyon ko ser."
"Ano iyon hija?"
"Pwede po ba natin isama ang dalawa kong kababata?" Saad ko.
"Oo naman, at tiyak na masisiyahan ng muli ang aming bahay." Masayang saad ng matandang babae.
Kinuha na nung lalaki ang mga gamit namin at pinasakay na kami sa mamahalin nilang sasakyan.
"Saan mo gustong mag aral Sera?" Tanong ni Ma'am Alicia.
"Kahit saan po ay ayos lamang."
Ngumiti sya saakin, at sa haba ng biyahe namin ay naalala ko ang sinabi ni aling Aireen saakin.
"Mag-iingat kalamang sera dahil pag nalaman ito ng mga buyers natin ay baka ikapahamak mo, basta huwag na huwag kang magsasalita."
Napapikit lamang ako habang inaalala ko iyon.
Dumating kami at pagkamulat ko ay napakagandang tanawi ang nakikita ko ngayon.
"Ano ho ang tawag dito?" Tanong ni chichi.
"Ito ang Haciende De Monteverde." Nakangiting saad ni Ma'am Alicia.
Puro mangha ang nanaig saamin at huminto na ang sasakyan at bumaba na kami isang malaking bahay ang bumungad saamin.
"Welcome to the new home Sera." Masayang saad ni Ma'am
Pumasok kami at binati kami ng mga katiwala nila sa bahay, isang magandang pakikitungo ang natanggap naming tatlo.
Kinagabihan ay napagpasyahan naming mag usap ng mag-asawa habang tulog na si chichi at totoy.
"Magandang gabi ho ma'am Alicia, ser Chris." Bati ko.
"Sera, please call me mommy." Saad niya.
Si ma'am Alicia at Ser Chris ay kasamaang palad ay hindi sila nabinyagan ng anak.
"Okay po, mo-mommy." Nahihiya kong saad, na alam kong pulang-pula ang aking mukha dahil sa kahihiyan.
"Oh my god chris naiiyak ako." Saad niya.
"And for me my love anong itatawag mo saakin?" Nakangiting saad ng lalaki.
"Ano ho ba dapat ser?" Nahihiya kong saad.
"Daddy, just call me Daddy."
Tumango lamang ako.
"Da-daddy." May kakaibang saya ang mga mata ng mag-asawa at niyakap lamang nila ako.
"Saan mo gustong mag aral hija?"
"Kahit saan po."
Nagisip naman si mommy Alicia.
"Ipapadala kita as soon as possible sa America para duon ka mag aral anak." Saad naman ni daddy Chris.
"A-america?"
"Yes my dear, mas maganda sa america kung duon ka magaaral habang sina chichi at Totoy ay sa maynila." Saad ng matandang babae.
"Pero---"
"May bahay kami sa America anak, at andun ang isang pinsan mo at siya na ang bahala sayo. Bukas na bukas ay aayusin namin ang mga papeles ninyo upang maging monteverde na kayong tatlo."
Parang hinaplos ang aking puso sa aking narinig kaya hindi ko mapigilang hindi yakapin ang dalawang matanda.
"Maraming salamat."