#Obessesionthephysical
#SeraLumipas ang araw at nasa palayan ako ngayon at mukhang magdidilim na din, sina toy at chi ay pinauna ko na muna dahil may medical mission sila at susunod nalang ako ng maynila pagkaraan ng ilang araw.
Habang naglalakad ako pabalik ng bahay ay naalala ko ang huli naming pag-uusap nuon ni Daddy at Mommy.
Na ibibigay ni Zach ang produktong kailangan ni Martinez at Vokanier kaya wala munang nakuha si Zach ngayong linggo na ito kaya hindi na din kami nagkaproblema duon dahil ayos lang daw iyon kay Zach.
Napahinto ako nang makarinig ako ng kalabog sa may kubo, hindi naman gaano kadilim dahil papalubog palang ang araw kaya dahan-dahan akong lumapit sa kubo.
"I said, don't ever calling me!"
Napahinto ako sa sigaw ni Zach? Wait? Bakit andito si Zach? Ang pagkakaalam ko ay pumunta sila ng monisipyo para sa gagawing pagtitipon bukas ng gabi?
Lumapit ako sa likod ng kubo at sumilip sa kakaunting butas at nakita ko syang nakatayo habang walang suot na damit.
"Diba sinabi ko na dahan-dahanin mo ang pagkuha." Malamig niyang tugon.
Kumunot naman ang noo ko sa mga sinasabi niya, sino kaya ang kausap niya?
"Nakakahalata na sila, lumitaw na din si Martinez at Vokanier kaya kailangan ko nang gumalaw at gumawa ng plano."
Halos manigas ako sa mga narinig ko kaya dahan-dahan akong umatras at aksidente kong natapakan ang isang makakapagdulot ng kauntinh ingay.
"Shit." Agad akong umatras at pagkaharap ko ay halos lumuwa ang mata ko nang makita ko si
Zach.
"What are you doing here sera?" Isang napakalamig na boses.
"Na-narinig k-ko ka—"
"Alam mo bang masamang makinig sa may naguusap?" May talim ang kanyang boses.
"Za-zach I'm sorry, hi-hindi k-ko naman intensyon n-na—"
"Pero nakinig ka pa din, at anong narinig mo?" He asked, kumabog ng mabilis ang aking dibdib at nakatitig lang ako sa mukha niyang walang expression o kahit na ano.
"W-wa—"
"Liar." He said, mas lumapit pa sya saakin at napaatras naman ako.
"W-wait za-zach—" hindi ako nakapagsalita ng hablutin niya ang aking braso at hinawakan ito ng madiin.
"Diba sabi ko sayo, wag kang makikialam."
"Za-zach, nasasaktan a-ako!!" Sigaw ko habang pilit kong inaalis ang pagkahawak niya.
"Who the hell are you to shout me woman?" He said, may mahigpit pa ang pagkahawak niya na halos mapaiyak na ako sa sakit.
"Z-zach..m-masakit."
"I don't care, at diba sinabi ko na walang pwedeng umagaw sayo mula saakin." bigla niyang saad kaya.
Mas nagulat ako sa sinabing iyon ni zach habang tinitiis ang masakit na pagkakahawak niya ng aking braso.
"Z-zach.."
"Akala mo ba hindi ko napapansin na pilit kang inilalayo ng pamilya mo saakin ha?! sera monteverde?!"
Halos malaglag ang panga ko nang banggitin niya ang buo kong pangalan kaya napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at basta niya lang itong binitawan.
At agad akong napahawak sa kamay kong namaga na nagkulay violet amputa.
"Zach, zach hindi. Hindi nagkakamali ka hindi naman ako pinapalay—"
"Umalis kana."
"Zach."
"Umalis kana!" Halos lumuwa ang aking mata ng makita kong namumula ang kanyang mga mata.
Agad agad akong tumakbo palabas habang hawak hawak ko ang aking braso.
Pagkarating ko ng bahay ay tahimik ito, kaya dumeretso na ako sa kwarto ko at duon bumuhos ang aking luha.
Zhacarias;
Duguan na ang aking kamay dahil sa kakasuntok ko ng puno dahil sa inis at galit ko.
"Bakit mo hinayaan ang sarili mo na masaktan si Sera, Zhacarias?" Napatingin naman ako kay Ali.
"Muntik mo na siyang mapatay Zhacarias! Muntik na! Siguro naman ay naaalala mo padin ang plano natin sa serang iyan."
"Nadala lang ako." Habang pinupunasan ko ang sugat sugat kong kamay ng itim na tuwalya.
"Alam mo ba ang magiging epekto nun sa babaeng—"
"Shut up fucker." At hinagis ko sakanya ang tuwalya at nagsuot ng navy blue na tshirt.
"Zach, alam naman natin na malambot ang puso ng Panganay na Monteverde pero Zach iba ang magiging epekto nun kung sakaling magkaharap na kayo ulit." Paalala naman niya saakin habang umiinom ako ng alak.
"Hindi ko sinasadya." Tanging saad ko.
"Ipagpalagay na nating hindi mo sinasadsya pero—"
Tumayo na ako at lumabas, kinuha ko ang susi ng kotse ni ali at sumakay sa sasakyan niya at pupuntahan ko na lamang si Sera sa bahay nila.
Simula nung magkausap kami ng magulang niya ay binigyan ko na muna sila ng kaunting oras para pagisipan ang kapalit nang gusot na ginawa nila.
Pagkapark ko sa labas ng bahay nila ay tahimik ito at punong-puno ng magagandang liwanag.
Tumakbo na ako paitaas kung nasaan ang kwarto ni Sera.
I open her door and I saw her sleeping.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit ng kanyang kama, at umupo ako napatingin naman ako sa maga niyang braso.
"I'm sorry." Habang hinahaplos ko ang kanyang braso.
"I'm sorry if i hurt you like this Sera, nabigla lang ako. Nadala lang ako." I said.
Inilapag ko nang muli ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan at tumayo na ako.
"I'm so sorry again, Please be safe again."
Huminto ako at tumingin sakanya.
"Nagmamakaawa ako, wag ka sanang matatakot saakin. Hindi ko kaya."
At sabay kong hinalikan ang kanyang noo.
Naramdaman kong bumukas n ang pintong nilabasan ni Zach kaya, unti-unting pumatak ang aking mga luha.
"Hindi naman ako galit Zach, naiintindihan kita. Oo pinipilit kong intindihin ka kase yun ang kailangan mo."