Obsession 02

6.9K 73 2
                                    

SERA LOUISSE CAPALDI

Kumapit ako sa may malamig na bakal bago ako tumalon pababa sa isang malaking bakod ng isang malaking bahay dito sa Maynila.

Isang tagong bahay.

"Sera, bilisan mo na mahuhuli na tayo!" Sigaw ni chichi kaya tumakbo na ako papasok ng malaking bahay at pagkabukas ay sobrang rangya talaga ng bahay na ito.

Kinuha namin ang alam naming maibebenta namin sa malaking halaga kaya inilagay ko na sa itim kong malaking supot.

Mukhang marami-rami na ang nakuha ko kaya tumakbo ako palabas ng bahay at naabutan kong naghihintay si chichi sa may inakyatan namin kanina.

Nauna na syang umakyat samantalang ako ay napalingon ako sa isang golden na vase at binalikan ko ito para makuha.

Nung makuha ko ay papaalis na sana ako ng may isang malamig na kamay ang humawak sa aking braso.

"Kid.."

Napalingon ako ng dahan-dahan sa pinanggalingan ng boses at mapatulala ako ng makita ko kung sino ito.

"Zhacarias."

The Billionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon