BDF 05 "Sandwich & Baril"

4 2 0
                                    

Nagising ako na nandito na sa kwarto ko, anong nangyari sakin? Napahawak ako sa ulo ko na medyo makirot parin. Paano ako napunta sa kwarto ko?! Tumayo ako at naligo muna saka ako bumaba.

Pagbaba ko nakita ko agad si kantasia na nakangiti.

"Good morning ,my beautiful zelle"  bati niya sakin habang abot langit ang ngiti

"morning too" bati ko rin sa kanya at nginitian siya.

Tinulak niya ko papuntang kitchen at pinaupo , ang weird talaga ngayon ni kantasia bakit ang lapad ng ngiti nito. Nanlaki ang mata ko dahil sa maraming nakahain sa lamesa. Tinignan ko si kantasia , ano to may birthday? Ang loka nakangiti parin at ngumunguso na para bang may tinuturo kaya tinignan ko kung ano ung nginunguso nguso niya.

(๏_๏) who's that? Sino yang lalaking naka... Teka airpron ko yun ah! Nagulat siya sakin pag harap niya at napalitan din ng ngiti saka hinubad ung airpron ko.

"Kamusta pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaking sumuot ng airpron ko

"Hala! Bakit anung nangyari sayo zelle?"pag aalalang tanong ni kantasia at lumapit sakin.

"wala, okay lang ako" sabi ko at ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko.

Siya na ba si kaiser? Bakit parang ang laki ng pinag bago niya tumangkad at sobrang puti niya tapos yung katawan niya may laman at muscles narin.

"tara na kumain na muna tayo" ani ni koreano

Kumain na muna kami at ayon nag daldalan na nga sila ni kantasia. Pero ako ito di parin makapaniwala na ang laki ng pag babago niya. Sa tutuusin mas gumwapo siya ngayon. Teka nga bakit ko ba siya iniisip . Siya parin yung kinaiinisan ko sa sobrang daldal niya para na syang babae.

"Alam mo bang namiss kita.. I mean namiss ka namin ni zelle" sabay tingin sakin na nakangiti ni kantasia

"huh? Ah- eh o-o n-a-la-ng hehe" fake kong tawa saka sumubo ako ng pagkain ko..di ko kaya namiss yang koreano na yan kadiri no.

"namiss ko din kayo,lalo ka na" sabi ni koreano't sabay pisil sa dalawang pisngi ni kantasia naku kilig na kilig naman itong si kantasia "kaya ayan nagluto ako ng madami para mabusog kayo natutunan ko yang mga korean food sa korea" saka siya humarap sakin at ngumiti "enjoy eating baril" pang aasar niyang sabi

"tsk. Sandwich" pabulong kong sabi
Pinandilatan ko siya ng mata.. Di ko talaga siya makaclose kahit bata pa kami . Ayoko kasi sa ugali niya kalalaking tao bang daldal mas malala pa ata kay kantasia. At ayon parin ang tawag niya sakin baril? inaasar niya ko gamit yung second name ko na vaeril. Katunog daw kasi ng baril yung vaeril tsk ang dami niyang alam. Sandwich naman siya akala niya di ako gaganti ah.

Nagkatinginan kami at parehas nanlilisik ang mata namin sa isa't isa pero di namin pinapahalata kay kantasia dahil baka mag selos at di nanaman ako pansinin ni kantasia. Nangyari na samin yon ilang linggo rin akong di pinansin ni kantasia kasi selos na selos siya sakin dahil naabutan niya kami dati ni sandwich na naghaharutan daw..di kami nag haharutan non nagkamali lang siya ng inaakala.

"ah btw kaiser , here !" nilagay ni kantasia sa harapan ni sandwich yung small cake na ginawa namin kahapon.

"wow! It's really cute" manghang sabi ni sandwich "thank you so much sa paggawa nito" sabay niyakap siya ng mahigpit ni sandwich at gulat naman itong si kantasia sa ginawa sa kanya ni sandwich pulang pula na yung pisnge niya sa kilig.

"ah hehehe! Tara kainin na natin ito!" wika ni kantasia.

Di ko na sila sinaluhan pa dahil may cake naman ako na ginawa kaya kukunin ko na lang at baka masayang pa. Tumayo ako at kinuha ko sa ref yung small cake ko.

"Wow! Meron ka ring binake para sakin?" nakangiting wika ni sandwich. Ngumisi ako na mapang asar . Ano akala mo sinuswerte ka?!

Di ko siya pinansin at nilapag ko sa harapan ko yung cake ko at nag slice then kinain ko. Tinignan ko siya pero nakangiti lang siya. Pangiti ngiti ka pa dyan di para sa iyo ito no. Para ito sa sarili ko.

"Pwedeng patikim?" nagulat ako kinuha niya sa harap ko yung cake na ginawa ko saka nilamon.

Sinubuan niya si kantasia ng cake ko at iyon kilig na kilig parin ang gaga.

"Annnggg saaaraaap nitong bake mo zelle parang nag improve ka ata ngayon ah" panunukso ni sandwich

Pinandilatan ko lang siya ulet at tatayo na sana ako ng nahilo ako kaya napahawak ako sa lamesa.




(Hello,readers! Don't forget to votes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon