BDF 12 "Eksena"

3 2 0
                                    

Nag presinta siyang ihatid ako ng bahay kasi gabi na rin. May tinawagan siya sa phone niya. Maya maya lang may dumating na blue car sa harap namin.

"Sir, ito na po yung susi!" inabot sa kanya ng driver ang susi at pinaupo niya ako sa passenger seat. May sinabi pa siya sa driver niya bago siya pumasok.

Pinaset niya sakin sa waze yung location ng bahay ko. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Tanong ko sa sarili. Pero ang lapit niya sa loob ko kahit na pangalawang beses pa lang kami nagkita. Ramdam ko na totoo siya sa lahat ng pinapakita niya sakin.

Tahimik siyang nag maneho at ako naman ay sinandal ang ulo sa salamin ng sasakyan niya. Nakita kong may pumatak na tubig sa may bintana unti unting dumadami hanggang sa umagos na ng umagos. Parang luha lang rin pala ang ulan. Bumabagsak ang tubig mula sa ulap kapag hindi na kinaya. Hayss napabuntong hininga na lang ako,napansin kong may pinindot siya.Nakakabingi ang katahimikan kaya nagplay siya ng music.


Play song: Sandata  YENG CONSTANTINO

Wag mong iiwas ang mata
Dahil nakikita ko na
Merong bumabagabag na naman
sa iyo.
Sa pagbuntong ng hininga
Mayrong lungkot na nadarama
Parang gustong tumakas na naman... lumayo

Hindi ko alam ang kantang ito pero nakakarelate ako sa lyrics.

CHORUS
Kung mabangis sayo ang mundo
Mayrong puwang sa piling ko
Ako ang sandata...
Kung mapait ang tadhana
Sa piling ko’y hindi na luluha
Ako ang sandata...
Ako ang sandata ah..

Wag palipasin ang saglit
At lamunin ng galit
Itapon mo na ang nakaraan... tumayo

Oo itatapon ko na ang nakaraan kahit na may galit ako at masakit sakin.

Sumisigaw na ala-ala
Pilitin mo na kaya

Inaamin ko naaalala ko parin ang lahat ..ang mga alala na hindi na mababalikan pa, oo pipilitin ko at kakayanin.

Alam mo bang malaya ka 2x

Malayang malaya na siya... Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko agad.

Kung mabangis sayo ang mundo Mayrong puwang sa piling ko
Ako ang sa....

Pinatay ni silvran ang music kaya napatingin ako sa kanya.

"Sorry di ko na dapat plinay ang music.." malungkot niyang sabi

Ngumiti lang ako at di ko na lang siya pinansin talagang lagi siyang umeeksena kapag nag momoment ako eh no. Panira.

Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay ko. Wala akong payong na dala or pang protect sa sarili ko para hindi ako mabasa. Kagagaling ko lang sa sakit kaya kapag sumulong ako sa ulan baka bumalik yung sakit ko. Pero mukhang matagal pang titila ang ulan kaya wala akong nagawa kundi sumulong baka hinahanap narin ako ni kantasia.

Nagpasalamat ako sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan.

"thank you so much sa pag hatid sakin hindi na kita maiinvite sa loob alanganin na kasi at umuulan pa" sabi ko kay silvran.

"maybe next time! Pero maghintay ka muna na tumila ang ulan ayos lang naman sakin" sabi niya kasi malakas parin ang ulan.

"hindi na,ayan na bahay ko oh" turo ko sa kanya"maliligo na lang ako".

Tumango na lang siya bilang pagsang ayon sakin.

"Ingat sa pagdridrive" saka ako lumabas ng sasakyan at tumakbo papuntang gate ng bahay ko.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang galit na mukha ni sandwich.

"San ka galing?" pagtatanong niya

"ikaw? Bat nandito ka pa? Asan si kantasia?" pagtatanong ko rin sa kanya

"Damn! Vaeril! Basang basa ka kagagaling mo lang sa sakit" inis niyang sabi kumuha siya ng towel at pinulupot sa akin. "paano na lang kung magkasakit ka ulet. Ang tigas naman ng ulo mo bakit hindi mo ako tinawagan para masundo ka hindi yung mag papahatid ka pa sa iba" nagulat ako sa sinabi niya.. Di lang siya madaldal chimoso na rin.

"Ayos lang ako maliligo muna ako" sambit ko.

Paakyat na ako nang mag salita siya. "pagkatapos mong maligo bumaba ka at kumain na muna tayo"





(Hello readers! Don't forget to votes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon