BDF 06 "Hidden"

6 2 0
                                    

Inalalayan ako ni sandwich paakyat ng kwarto ko para makapagpahinga ako sabado naman ngayon kaya wala akong pasok. Inaalala ko si kantasia baka mag selos nanaman samin iyon. Pero siya mismo ang nag sabi na alalayan ako ni sandwich ..at siya na lang daw mag lilinis ng kitchen. Iniupo ako ni sandwich sa kama ko at inalalayan humiga.


Hinawakan niya ang ulo ko at dahan dahang hiniga kasi nahihilo talaga ako pero napansin kong huminto siya at tumingin sa akin hindi parin niya tinatanggal ung kamay niya sa likod ng ulo ko kaya nag katitigan kami. Bakit parang iba na ang sandwich na nakilala ko noon at ngayon. Ibinaba niya ang titig niya sa mga labi ko at tumingin muli sa mga mata ko.


Unti unting bumibilis ang pag tibok ng puso ko ng hindi ko alam kung bakit. Ilang minuto kaming ganon ang pwesto. Napukaw lang atensyon naming dalawa ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya nailang kami at agad niyang inayos ung unan ko para makahiga ako. Sabay non ang pagbukas ng pinto na iniluwa si kantasia.

"zelle, ano bang nangyayari sayo? Tara na dadalhin ka na namin sa hospital" sabi ni kantasia habang umupo sa kama ko.

"ano ka ba okay lang ako siguro kailangan ko lang nito ng pahinga" mahinahon kong sabi sa kanya saka ako tumingin muli kay sandwich pero umiwas agad siya ng tingin.

"kantasia,tara na para makapag pahinga na si baril" pag aaya ni sandwich at nauna siyang lumabas.

"mag pahinga ka na muna mahal kong zelle" pabirong sabi ni kantasia na nag bobow na parang ginagalang niya ako bilang reyna. Natawa ako sa ginawa niya para talaga siyang bata. Kakapanuod niya yan ng kdrama. Nakita kong lumabas na siya ng pinto kaya natulog na muna ako.





KANTASIA POV

Nag aalala ako kay zelle kahit na sabihin niya pang okay siya. Lagi naman niyang sinasabi na okay siya kahit na hindi naman. Loko loko talaga yung babaeng iyon. Pinagpahinga muna namin siya ngayon sa kwarto niya kinuwento narin sakin ni kaiser yung nangyari kagabi. Nakita niya na lang daw si zelle na nahimatay at bumulagta sa sahig. Di naman daw niya alam na nandito ako kaya dito na siya natulog sa sala para mabantayan si zelle.

Nagulat din talaga ako dahil nakita ko siyang natutulog dito sa sofa sobrang saya ko nung makita ko siyang muli. Mas nainlove ako sa kanya dahil ang laki ng pagbabago niya ngayon, di siya tulad ng dati na medyo payat at di gaano kaputi. Sino bang di puputi ng ilang taon sa korea diba! Parang halos lahat naman ng korean mapuputi kaya di nako magtataka pa.

Sobrang close ko talaga itong si kaiser bata pa lang kami naging crush ko na siya pero hindi niya alam kasi di ko naman inaamin at buti na lang din hindi madaldal si zelle hahahaha kaya safe ang secret ko. Wag kayong maingay ah! Nag seselos ako dahil tuwing mag sasabatan sila ni zelle ay sa harap ko pa. Alam ko naman walang gusto si zelle kay kaiser eh! Pero kahit na wala nag seselos parin ako ..ang selfish ko no! Pero naaawa ako sa kanya dahil sa mga nangyari sa kanya sa past. Gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko pero di ko alam kung paano ko sasabihin napapangunahan ako ng takot na baka ipagtabuyan niya ko.


Balak ko nang sabihin sa kanya nung araw na pumunta ako dito pero nakita ko parin sa mukha niya ang lungkot at alam kong masakit parin ang nangyari sa break up nila ng ex niya. Kaya nag decide na lang ako na wag muna at mag stay na muna ako sa side niya mas kailangan niya ngayon ng makakasama. Sana mapatawad mo pa ako zelle, I'm so sorry, zelle! Sabi ko sa isip ko. Naluluha ako dahil sa hindi ko masabi, wala man lang siyang kaalam alam sa nangyari at napakatanga ko dahil nasaktan ko ang tinuturing kong kapatid.

Napatungo ako sa iniisip ko bakit ko ba kailangan itago pa? Sinisisi ko ang sarili ko ngayon. Di ko na namalayan na tumulo na ang luha ko.

" kantasia? Are you crying?" tanong ni kaiser kaya agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti sa kanya.

"Nag aalala lang ako kay zelle" sabi ko sa kanya

Ngumiti siya at pinisil ang pisnge ko sa tuwing ginagawa niya ang bagay na yan mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pero hindi na pwede kaiser kailangan ko nang tanggapin na hindi ka talaga magiging akin.





(Hello,readers! Don't forget to votes and comments💜)

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon