Nagbabake kami ni kantasia dito sa kitchen .. Parehas din kaming mahilig mag bake ng kung anu ano masarap mag bake si kantasia kaysa sakin pero syempre masarap rin naman sakin mas lamang nga lang siya.
"Zelle, are you okay na ba?" nakatingin niyang sabi sakin habang nag lalagay siya ng icing sa ginagawa niyang small cake.
Di ko siya tinignan at tinuon ko lang yung pansin ko sa ginagawa ko. Hindi ko rin alam kung okay na ko pero ang alam ko onti onti pa lang akong nagiging okay.
"you know what zelle,Your mind is a powerful thing when you fill it with positive thoughts, your life will start to change. A positive attitude brings much gratitude.Think positive, be positive, speak positive and do it everyday ,make it a habit" ani niya sakin.
Nanatili parin akong nakayuko at iniisip ang sinasabi niya. Siguro nga kaya ko maging positive araw araw . Kung patuloy pa ako sa ganitong sitwasyon baka habang buhay na akong malungkot at nag iisa.
Ngumiti ako at humarap sa kanya.
"thank you dahil nandyan ka sa tabi ko, pinapalakas mo loob ko, unti unti akong bumabangon kantasia kahit na mahirap..salamat sa pag aalala mo sakin.. kakayanin ko ito ,Pangako" at niyakap ko siya.Kumalas siya sa yakap namin "nawa'y dumating na ang lalaking mag papasaya sayong muli at hindi ka na iiwan pa" nakangiting sabi niya at nilagyan ako ng icing sa ilong.
Kaya tumakbo siya"aba'y" ani ko hinabol ko siya nag ikutan kami sa kitchen nilagyan ko rin siya sa mukha kaya yon ang dungis nanaming dalawa. Tinignan ko kung anung nilagay niya sa taas ng small cake niya . Syempre anu pa ba ang koreano't niyang gusto. Ang nakalagay "welcome back to philippines kaiser with heart" napakaeffort niya talaga.
Tinignan niya rin kung anung nilagay ko sa small cake na ginawa ko.
"TBTFN BIN?" takang tanong niya.
"The Best Time For New Beginnings Is Now" nakangiti kong wika at ngumiti rin siya sakin.
Nilagyan na namin ng design ang mga small cake na ginawa namin. Ng may kumatok kaya si kantasia na ang humarap sa taong yon.
Bumalik si kantasia na may dalang donuts and pizza meron pang nakapaper bag. Nilabas niya kung anu ang nasa loob ng paper bag . Dalawang big size ng french fries at dalawang malaking sundae. Mukhang mapapasabak nanaman ako nito sa kainan. Bang takaw talaga ng babaeng ito.Ang daming inorder nanaman.
Inaya niya ko sa sala kumuha muna ako ng mga sitserya at biscuit na pwedeng lamunin din.
" bakit ang dami mo naman atang inorder?!" Paano yung pizza tatlong box yung donut dalawang box naman. Ang takaw lang! Hahaha
"Gurl , gutom na gutom nako wala akong tanghalian. Nagbyahe ako papunta dito ng walang dalang foods kaya manahimik ka na lang at kumain" wika niya
At nag simula na kaming kumain ng mga inorder niya at ang dala kong mga biscuit at sitserya. Nanuod kami ng korean drama. "The rooftop prince" tawa kami ng tawa dahil yung hari at mga alipores niya napunta sa kasalukuyang panahon. Tapos di nila alam kung anung pamumuhay ang nag aantay sa kanila. Inshort inosente silang apat.
-----
Humikab ako , inaantok na ako kaya tatayo na sana ako ng makita ko si kantasia na nakatulog na pala sa tabi ko. Ang daming kalat may mga tirang foods na di namin na ubos. Ginising ko muna si kantasia para makalipat at makapag pahinga siya ng maayos sa kwarto niya saka ko inumpisahan magligpit ng kalat ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo.
"araaaay" wika ko ngunit mahina lang ito sapagkat ayokong abalahin pa si kantasia sa pag papahinga niya.
*tok* *tok* *tok*
Di ko na nagawa pang pagbuksan ang kumatok Nakita ko na lang bumukas ang pinto pero natumba ako at nawalan nako ng malay.
(Hello,readers! Don't forget to votes and comments💜)
BINABASA MO ANG
Be You Do You For You
Novela Juvenil✨ How do you know when you are inlove? when it hurts but you still want to stay. I learn how the game of life . And now, i'll go with the flow even it's hurting the whole me. Let it hurt, Let it bleed, Let it heal and Let it go.✨ Start date: August...